◇◇◇♢◇◇◇
Chapter 16: Harana
Artemis' POV
Huminto kaming dalawa ni Edward sa stage kung saan magaganap ang practice para sa lakan at lakambini. Hinihingal pa kami dahil sa kakatakbo dahil kakatapos lang ng last subject namin.
"Sorry nalate kami" hingal na sabi ko sa isang teacher na nakatayo sa stage.
Nakatingin naman ang iba pang mga contestants sa amin at lahat sila ay nakatayo sa stage. Nagtama ang mata namin ni Kevin at nanlaki ang kanyang mata dahil sa pagkagulat.
Nakatayo siya sa stage ngayon katabi sa kanyang partner. Nakasuot siya ng white shirt at ripped jeans na may katernong puting sneakers. Maayos na nakasuklay ang buhok niya ngayon na bumagay sa kanyang morenong kompleksiyon.
Oo nga pala.. hindi ko pa sinasabi sa kanya na kasali din ako sa contest. Nakalimutan kong sabihin sa kanya dahil kay Lyza.
"At bakit naman kayo nalate?" Taas kilay na tanong ng teacher kaya sasagot na sana ako pero inunahan ako ni Edward.
"Kakatapos lang po kasi ng last subject namin" hinihingal na sabi ni Edward kaya mas lalong napataas ang kilay ng teacher.
"Okay umakyat na kayo sa stage dahil magsisimula na ang practice" mataray na sabi niya kaya sinunod namin iyon ni Edward.
"Ang girls ay mag-eentrance sa left habang ang mga boys naman ay sa kanan. Business Administration candidates number seven kayong dalawa and as for the rest of you.. alam niyo na ang numbers niyo." Paliwanag niya kaya naglakad na ang iba papunta sa kani-kanilang posisyon.
Naglakad ako papunta sa left side dahil doon daw ang entrance namin. Ilang oras din kaming nagpractice tungkol sa posisyon namin, flow ng program at iba pa.
Matapos ang dalawang oras na pag-practice bumalik kami sa stage at umupo sa stairs since may sasabihin ang teacher.
"So alam niyo naman na may ipe-present kayong talent. Dapat connected ito sa history natin since buwan ng wika nga hindi ba. So for example ang ipe-present niyong dalawa ay harana o kung hindi kaya sumayaw kayo katulad ng cariñosa. Basta connected siya sa history natin okay?" Pagpapaliwanag niya kaya napatango kaming lahat.
Magkatabi kami ngayon ni Edward habang nasa unahan naman si Kevin. Katabi niya ang partner niya at hindi ko inaasahang nakatingin pala siya sa akin ngayon. Nginitian ko siya kaya napangiti din siya sa akin. Siguro nagtataka pa din siya hanggang ngayon kung papaano ako nakasali dito.
"Dapat by pair ang ipe-present niyo and magpa-practice kayo ng inyo inyo lang para masurprise kami at para na din walang maka-kopya sa sa presentation niyo. And that's all pwede na kayong umuwi" sabi ng teacher kaya nagsitayuan na kami.
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Science FictionIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]