Kabanata 33

28 3 0
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Chapter 33: Esperanza

Artemis' POV

Umupo ako sa upuang gawa sa kahoy. Binigyan ako ng isang tasang kape ng babae kaya pangiti ko itong tinanggap. Gawa din sa kahoy ang baso kaya napatingin ako dito dahil napakaganda ng pagkakagawa nito at may naka- carve pa talagang desenyo dito. Mabango din ang kapeng nasa loob nito at mapapansin mo talaga ang kapreskuhan nito. Binigyan din niya ako ng pinakuluang kamote na nakalagay sa plato.

Gawa sa kahoy ang maliit nilang bahay- kubo at medyo sira na ito dahil sa kalumaan. Nakaupo sa tapat ko ngayon ang babae habang nasa tabi naman niya si Mang Tomas na ngayon ay naglalaro lang sa kanyang kamay na para bang isang inosenteng bata.

"Ano po ba ang nangyari sa kanya?" Biglang tanong ni Edward kaya naputol ang katahimikan sa paligid.

Nakalimutan ko palang sumama din siya. Hindi ko alam kung bakit pero noong sinabi ng babae na sa bahay lang nila kami mag- uusap ay sumunod si Edward sa amin. Mukhang gusto din niyang malaman kung ano ang totoong nangyari kay Mayari.

Napatingin naman ang babae sa kanya at kalaunan din ay napayuko.

"P-pagpasensyahan niyo na ang aming munting tahanan. Sana'y maging komportable lang kayo. S-si itay.. si itay ay nagtatrabaho noon sa pamilya de Guzmàn, sa pamilya niyo po binibining Mayari, upang mabigyan kami ng maginhawang buhay ni ina. Ngunit noong nakaraang taon lang balisang umuwi si itay dito at mamgula noon hindi na namin siya nakakausap ng matino. Ang palagi nalang niyang inuulit na kataga ay ang Mayari, libing at nakaitim na lalaki." Panimula niya at dahan dahang napatingin sa akin.

Napakunot naman ang noo ni Edward at bahagyang napayuko upang ilagay ang kanyang dalawang siko sa kanyang tuhod. Ipinagtagpo niya ang kanyang dalawang kamay at nag- isip. Seryoso lang siyang nakatingin kay Mang Tomas na para bang inaalisa niya ito.

"Sa tingin ko'y ginahasa nga si binibining Mayari at si Mang Tomas ang nakasaksi nito kaya nabigla siya sa pangyayari at maaaring ito ang dahilan kung bakit nagkakaganito siya" pag- explain ni Edward kaya napatango ako. Yan din ang naisip ko kanina.

"Ngunit kung ikaw nga'y ginahasa at nilibing ng nakaitim na lalaki... papaano ka nakauwi binibini?" Tanong ni Edward at dahan dahang naaplingon sa akin. Inayos niya ang kanyang pagkakatayo at napakunot ang kanyang noo.

Napalunok nalang ako dahil hindi ko pwedeng sabihin sa kanya na nanggaling ako sa ibang panahon. Paniguradomg hindi niya ako paniniwalaan.

"E-ewan ko. Basta nagising nalang ako isang araw sa Paraiso del Arte at wala na akong maalala pagkatapos nun" sabi ko kaya mas lalong napakunot ang noo niya.

"Maaaring may tumulong sa iyo sa gabing iyon binibini ngunit hindi mo lang naaalala" biglang sabi ng babae kaya napaisip ako. Pwedeng yung gawing alibi..

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon