Kabanata 34

29 3 0
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Chapter 34: Paulina

Artemis' POV

"Ako'y nagdala ng iyong paboritong pagkain" pangiting saad niya sabay bigay kay Athuro nung basket. Napatingin siya doon at napangiti si ate Astraea.

Hindi pa din ako makapaniwala sa mga nangyayari. Paano nangyari ito? Paano... bakit si ate pa ang naging asawa ni Arthuro? Bakit kailangang siya pa?

Teka... kung siya ang asawa.. ibig sabihin nagtataksil sina Mayari at Arthuro sa kanya.. uuurgh bakit ba kasi marupok si Mayari? Ako pa ang maiipit sa pagkakataong ito.. nakakainis..

Sana nga lang walang alam si ate Astraea.

"Kay tamis niyo naman.. balang araw magkakaroon din ako ng asawang katulad ni binibining Esperanza" pangiting saad ni Edward kaya natauhan ako.

Hindi makatingin si Arthuro sa akin at ibinaling nalang niya ang kanyang paningin kay Edward.

"Balita ko'y ikakasal ka na daw kay binibining Hanan ginoong Alejandro. Sana'y maging masaya kayo" pangiting sabi ni ate Astraea at humiwalay sa pagkakayakap kay Arthuro.

Biglang tumaas ang balahibo ko noong marinig ang boses niya... hindi lang sila magkamukha ngunit magkaboses din talaga sila ni ate..

Esperanza pala ang pangalan niya sa panahong ito.

Napansin ko na medyo umbok ang kanyang tiyan kaya kunot noo akong napatingin sa kanya. Buntis kaya siya? At... si Athuro ba ang ama?

Nakangiti siya ngayon habang nakatingin kay Arthuro at halata talaga na may gusto siya sa lalaking iyon. Kahit kailan hindi pa nagkakaboyfriend si ate kaya ngayon ko lang nakitang ganyan siya makangiti sa isang lalaki. Isang ngiting may halong pagmamahal.

"Maraming salamat binibini.. pagpalain sana kayo ng Diyos" magalang na sabi ni Edward.

"Kami'y hahayo na dahil magpapahinga pa ang aking asawa" matamis na sabi ni Arthuro sabay hawak sa bewang ni ate. Napangiti naman si ate at halatang namula ang kanyang pisngi dahil sa sinabi ng asawa.

"Paalam amigo!" Sabi ni Edward.

Nagsimula na sila sa paglalakad at napahinto sa aking tapat.

"Paalam din sa iyo binibini" saad ni Arthuro bago tuluyang umalis. Hindi ko na sila sinagot at iniyukom ko ang aking kamao dahil sa galit na aking nararamdaman.

Naaalala ko ang araw na binaril niya si Edward kaya nagagalit akong makita siyang hinahawakan ang isa sa pinakaimportanteng tao sa aking buhay. Wala siyang karapatang saktan si ate sa panahong ito.. papaano niya nasikmurang magtaksil sa harap ni ate Astraea? Mabuti nalang at sa panahon ko.. hindi sila nagkita o nagkakilala.

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon