Kabanata 35

26 4 0
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Chapter 35: Maligayang Kaarawan

Artemis' POV

"Bakit ang aga mo atang naparito binibini?" Kunot noo niyang tanong.

Nakaupo kami ngayon sa tapat ni Paulina at nakatitig lang kami sa maliit na sangang itinanim namin.

"May gusto akong sabihin sayo" sabi ko at dahan dahang lumingon sa kanya.

"Setyembre 22, 1697" sabi ko kaya mas lalong napakunot ang kanyang noo.

"A-ano?" Tanong niya kaya itinuloy ko na ang aking sasabihin.

"Yan ang araw na nawala ako.. baka kasi makatulong yun sa paglilitis natin" sabi ko kaya napatango siya.

"Malaking tulong nga iyon binibini. Nga pala.. nakatanggap ako ng liham galing kay Isang, ang anak ni Mang Tomas. Sinabi niyang makikipagkita daw siya sa atin mamayang hapon" sabi niya kaya biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kaba.

Hindi kaya may nakalap na siyang impormasyon? Kinakabahan ako... baka ang ending nito mabuking pa ako eh.. di bale na gusto ko din namang malaman kung ano ang totoong nangyari kay Mayari..

Tuluyan ng sumikat ang araw at napakaraming ibon ang nagliliparan sa aming paligid.

"Kung ganoon... makikipagkita tayo sa kanya mamayang hapon" saad ko.

Napansin kong may isang dilaw na paruparo ang lumipad papunta kay Edward at huminto ito sa kanyang balikat. Napangiti naman ako dahil mukhang hindi niya iyon napapansin.

"Bakit mag-isa kang ngumingiti diyan binibini?" Tanong niya kaya dali dali kong itinago ang aking ngiti.

"Yung paruparo.. mukhang gusto ka nito" sabi ko kaya dahan dahan siyang napalingon sa paruparo at bigla itong lumipad dahil sa gulat.

"Bakit ka ba mahilig sa mga paruparo binibini?" Tanong niya habang nakatingin sa akin. Napangisi nalang ako dahil sa tanong niya.

"Eh ikaw... bakit ka ba mahilig sa mga libro?" Tanong ko kaya sinamaan niya ako ng tignin.

"Bakit mo ba sinasagot ang tanong ko sa pamamagitan ng isang tanong din?" Kunot noo niyang sabi kaya nagkibit- balikat ako.

Bigla kong naalala ang nangyari sa akin noong bata pa ako. Noong bagong lipat lang kami sa aming subdivision. Noong nawala ako dahil sa kakasunod nung butterfly.

"Mahilig ako sa paruparo dahil sa kanilang kulay. At dahil din sa mga paruparo.. nakita ko sa unang pagkakataon ang aking minamahal..." sabi ko at dahan dahang napalingon sa kanya. Tumama ang mata ko sa kanyang kulay golden brown na mata kaya pilit ko itong itinatak sa aking isipan. Dapat maalala ko ang bawat detalye ni Edward dahil hindi ko alam kung magtatagal pa ba ako sa panahong ito. Baka isang araw bumalik na ako sa aking panahon at hindi ko na siya makikita muli..

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon