◇◇◇♢◇◇◇
Chapter 39: Lamay
Third Person's POV
Huminto ang abogado ni Arthuro sa tapat ng kanyang selda. Naalerto ang ginoo kaya dali dali niya itong nilapitan.
Maraming mantsa ang kanyang puting kamisa de chino at may mga punit din ito. Napunit din ang kaliwang bahagi ng kanyang pantalon hanggang sa tuhod at madumi na din ang kanyang mukha at katawan dahil ilang araw na siyang hindi nakakaligo magmula noong pumunta siya sa korte.
Napakadumi ng kulungan. Mabaho ito at napupuno ng mga basura. Kalawang na din ang mga rehas dito dahil sa pagkaluma. Gawa sa bato ang selda at maraming mga guardia ang nakabantay sa labas.
"K-kamusta na po ang aking pamilya?" pangunahing tanong ni Arthuro kaya napayuko ang abogado.
"Ayos ka lang ba dito? Isang linggo nalang ang natitira mo bago isasagawa ang iyong hatol" saad ng abogado upang maiwasan niya ang tanong ni Arthuro.
"Ayos lang naman ako dito. Hinahatiran nila ako ng pagkain at minsan din hindi nila ako tinatrato na parang tao ngunit hindi na iyon importante. Basta't nasa mabuting kalagayan lang ang aking pamilya.. ayos lang ako" saad niya kaya napabuntong hininga ang abogado dahil ito na ang tamang panahon upang sabihin sa kliyente ang totoong nangyari.
"Kagabi... may nangyaring masama sa iyong asawa at anak.. ikinalulungkot kong ibalita sa iyo na wala na sila" saad niya kaya natulala si Arthuro at pilit na hindi pinapaniwalaan ang sinabi ng abogado. Napailing pa siya at napatawa.
"Nagbibiro lang po kayo hindi ba?" tanging saad niya habang nililitis ang ekspresiyon ng abogado ngunit napayuko lang ito at nanatiling tahimik. Nanghina ang paa ni Arthuro kaya napaupo siya sa sahig habang hawak hawak ang rehas.
"Nangako si Edward sa akin... paanong.." bulong niya sa kanyang sarili at tumulo na ang kanyang luhang kanina pa nagbabadyang tumulo.
"Paumanhin sa aking ibinalita. Sana'y maging maayos ka lang Arthuro" saad niya bago umalis.
Iniyukom ng ginoo ang kanyang kamao habang nakatitig sa maliit na bintanang may rehas din.
"Kasalanan mo ang lahat ng ito Mayari... kung hindi mo lang sana ako inakusahan.. kung sinabi mo lang sana ang totoo sa lahat.. sana kasama ko pa ngayon ang aking pamilya.. at kasalanan mo din ito Alejandro... nangako kang poprotektahan mo sila.. Akala ko ba totoong magkaibigan tayo? Bakit hindi ka naniwala sa akin? Bakit mas pinaniwalaan mo pa si Mayari?" mangiyak- ngiyak na bulong niya bago napatayo.
"Pagbabayaran niyo ang lahat ng ito" matapang na saad niya.
*****
Artemis' POV
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Science FictionIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]