◇◇◇♢◇◇◇
Chapter 47: Paghihintay
Edward's POV
Ilang araw na ang lumipas magmula noong mawala si Art..
Tama.. simula ngayon tatawagin ko na siyang Art hindi dahil iyon ang gusto niyang itawag sa kanya kung hindi iyon ang gusto kong itawag sa kanya.
Napatingin ako sa bintanang natatakpan ng makakapal na kurtina.
Ilang araw din naming nilinis ang bahay dahil sa karumal- dumal na pagpatay ng aking pamilya.
May usap- usapan din na ako daw ang pumatay sa kanila dahil nahawaan daw ako kaya wala nang nagbabalak na mamasukan bilang kasambahay dito o bumisita man lang sa akin ngunit hindi ko iyon ininda dahil mas nakabubuti din na mapag-isa.
Dito na din tumira si Eunice ngunit hindi ko siya gaanong nakikita dahil napakalaki ng bahay.
Ininom ko ang dugo ng manok na nasa baso. Dugo ng hayop ang iniinom ko dahil hindi ko kayang uminom ng dugo ng tao
Ang dami ng nagbago sa akin. Magmula sa pisikal na anyo at pati na din sa aking damdamin.
Nararamdaman kong hindi na tumitibok ang aking puso. Namumuti na din ang aking buhok at paminsan- minsan namumula na ang aking mata kung hindi ako nakakainom ng dugo sa tamang oras. Napapnsin ko din na madali ng naghihilom ang aking sugat at nasusuka ako sa tuwing nakakaamoy o nakakakain ng bawang. Nasasktan din ako sa tuwing lumalabas habang nakasikat ang araw.
Hindi na ako lumabas magmula noong araw na nawala si Artemis. Si Eunice ang palaging nagbibigay ng pagkain sa akin kaya nagpapasalamat akong nandito siya sa aking tabi ngayon.
Nabasa ko na din ang journal ni Artemis at gusto kong suntukin ang aking sarili dahil hindi ko siya pinaniwalaan.
Kung sinabi ko sa kanya noong araw na iyon na naniniwala ako sa kanya.. may magbabago kaya? Makakasama ko pa din ba siya hanggang ngayon?
May biglang kumatok kaya napalingon ako doon. Bumungad sa harapan ko si Eunice habang may kasama siyang isang binibini.
Hanan..
Pumasok sa loob si Hanan at iniwan kami ni Eunice.
"Hindi ka ba makikipagtalik sa akin?" Tanong niya kaya napakunot ang aking noo.
Makikipagtalik? Bakit?
"Ikakasal na ako bukas at pagkatapos nun... sa Espanya na kami maninirahan" sabi niya ngunit hindi ako umimik.
Hindi ko alam ngunit hindi na ako naaapektuhan kay Hanan. Dahil.. hindi na umiikot ang mundo ko sa kanya.
Napatawa nalang siya dahil sa sagot na nais kong iparating.
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Science FictionIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]