Chapter 4

101 7 2
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Chapter 4: Lyza

Artemis' POV

Why does the sun go on shining?

Why does the sea rush to shore? 🎶

Tugtog ng phonograph ni dad na minana niya pa kay lolo. Nakalagay doon ang record na hugis itim at umiikot ito sa gitna ng phonograph. May maliit na needle ang nakapatong doon sa record upang magplay ito at ang tunog ay nagmumula sa malaking pavilion na nakakonekta sa needle.

Hindi na ito gaanong ginagamit sa panahon ngayon dahil nauso na ang mga cassette player pero dahil nangongolekta si ama ng mga vintage radios, ginagamit niya pa din ito.

Napakarami ding mga cassette player, jukebox, boombox at iba pa ang nakadisplay sa salas namin. Nakalagay din sa shelves sa itaas ng aming tv ang mga cassette tapes na binili ni dad.

Don't they know it's the end of the world?

'Cause you don't love me anymore 🎶

Kung sa sala punong puno ng mga appliances ni dad, napupuno naman ng mga tupperwares ang kusina namin. Nagpagawa pa talaga ng isang mataas at malaking kabinet si mom upang kakasya lahat ng mga 'mahal' niya.

At kung mawawala mo man ang isa s amga tupperwares ni mom, nako manalangin ka nalang kay papa God..

Minsan nga nararamdaman namin ni ate na mas mahal pa ni mom ang kanyang mga tupperwares kesa sa amin. Tsk.

"Okay ka na ba?" Nag-aalalang tanong ni ate habang nakatingin sa akin.

Kumakain kaming apat ngayon ng agahan at nakakailang lang dahil tinitingnan nila ako.

"Ano ka ba ate. Syempre okay lang ako. Nagkaroon lang ako ng kaunting galos sa tuhod. Dumugo ito ng kaunti kaya nawalan ako ng malay pero okay na ako ngayon" pangiting sabi ko para hindi na sila mag-alala sa akin.

Sandaling tumahimik ang paligid at tanging mga kubyertos lang namin ang nag-iingay.

Bigla kong naalala si Edward. Sasabihin ko ba sa kanila na nahanap ko na siya? Pero paano kung nagkakamali lang pala ako?

Dapat kakausapin ko muna si Edward tungkol dito. At kung tama nga ang hinala ko... tsaka ko na sasabihin kina mom, dad, ate at Kevin ang tungkol sa kanya.

"May gagawin ba kayo mamaya? Kung gusto niyo pwede tayong mamasyal, tayong apat. Minsan lang kasi tayong nakakapasyal dahil busy kami palagi ng dad niyo sa trabaho." Pagbabasag ni mom sa katahimikan kaya natauhan ako.

"Hm.. wala naman. Saturday ngayon kaya wala akong gagawin" sabi ni ate kaya napatango si mom.

"Ikaw Artemis? May lakad ka ba?" Tanong ni dad sa akin.

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon