◇◇◇♢◇◇◇
Chapter 21: Airport
Kiara's POV
"Ito ang mga papeles mo Ms. Buennavista. Sana'y maging maayos ang byahe mo papuntang France" nalulungkot na sabi ng principal namin. Kinuha ko ang envelope at nagpasalamat sa kanya.
"Hinding hindi ko po makakalimutan ang paaralang ito" sabi ko sabay alis doon. Naglakad ako sa hallway. Napakatahimik nito dahil nasa classroom ang lahat ng mga estudyante. Tanging mga boses lang ng mga teachers na nanggagaling sa classrooms ang naririnig ko.
Napahinto ako sa classroom namin at dahil bahagya itong nakabukas ay sumilip ako. Nakita kong nakaupo doon si Terrence at seryosong nakikinig sa teacher. Napangiti nalang ako dahil masaya akong kahit papaano ay nakita ko pa din siya sa panahong ito. Hindi man kami magkakatuluyan sa panahong ito.. ayos lang sa akin basta masaya lang siya sa kanyang buhay.
Sana maging masaya ka na sa pagkakataong ito Jaime...
Napalingon siya sa akin kaya dali dali kong sinara ang pinto. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. Napailing nalang ako at nagpatuloy na sa aking paglalakad.
*****
Artemis' POV
Isang linggo na ang lumipas mula noong nilibing namin si auntie. Wala namang nagbago sa akin. Pumapasok pa din ako hanggang ngayon sa school. Abala naman sa pag-iimpake ang magkakapatid kahapon dahil ngayon ang flight nila.
Napagkasunduan nina mom at dad na ihahatid namin sila sa airport ngayon. Hanggang ngayon hindi pa din kami nag-uusap ni Kevin.
Nakatitig lang ako sa kanya habang tinutulungan niya si papa sa pagpasok ng mga bagahe ng kanyang mga kapatid sa aming sasakyan. Nauna ng pumasok sa loob sina ate, mom, Kiara, Kirana at Kenji.
Pumasok na din ako sa loob at maya-maya pa ay pumasok na din sina dad at Kevin. Tumabi si Kevin sa akin kaya bigla akong nailang.
Tahimik lang kami buong byahe at paminsan minsan akong tumitingin kay Kevin pero nakatingin lang siya sa bintana. Bigla kong naalala ang pag-uusap namin ni Christine noong isang araw.
FlashbackNapahinto ako noong mapansin kong naglalakad papalapit sa akin si Christine. Napansin niya ako kaya huminto din siya. Napahigpit ang hawak ko sa aking bag noong magtama ang mata namin.
"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko kaya napatango siya.
"Alam mo ba?" Kunot noo kong tanong kaya napakunot ang noo niya.
"Alam mo ba na matagal na akong gusto ni Kevin?" Tanong ko pa kaya unti unting nawala ang pagkunot ng kanyang noo at dahan dahang napatango.
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Ciencia FicciónIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]