Chapter 19

33 4 0
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Chapter 19: Funeral

Artemis' POV

"May you rest in peace" huling sabi ng pari sabay wisik ng holy water sa kabaong ni auntie.

Dahan dahang ibinaba ang kabaong kaya mas lalong napahagulhol ang mga tao sa paligid. Bahagyang tumulo ang luha ko kaya dali dali ko itong pinunasan. Napatingin ako kay Kevin na nakatayo ngayon sa gilid ko.

Hindi siya umiiyak pero hindi din siya umiimik. Paniguradong pinipigilan niya lang ang luha niya.

Inilaglag na namin ng dahan dahan ang mga puting rosas na hawak namin. Napatingin ako kay Kiara na ngayon ay yakap yakap ang kambal. Pareho silang umiiyak kaya iniwas ko ang aking paningin dahil paniguradong maiiyak din ako. Napalingon naman ako kina mom at ate na ngayon ay nakayakap kay dad. Umiiyak din sila. Nakasuot kaming lahat ng puti habang nakapayong ng itim dahil sa malakas na ulan.

Ibinaon na ng dalawang lalaki ang kabaong hanggang sa hindi na namin ito nakita. Unti unti ng nagsiuwian ang mga tao at kaming walo nalang ang naiwan.

"Kung gusto niyong matulog sa bahay namin, welcome na welcome kayo" biglang sabi ni dad kina Kevin, Kiara, Kirana at Kenji.

"Ipagluluto ko kayo ng tsamporado" singit ni mom.

"Ihahanda ko ang mga dvd para sa movie marathon natin" singit din ni ate .

Napailing si Kevin kaya napakunot ang noo ko.

"Hindi na baka makaabala pa kam---"

"Syempre naman po auntie at uncle" sabat ni Kiara kaya hindi na naituloy ni Kevin ang sasabihin.

Napangiti sina mom, dad at ate dahil sa sinabi ni Kiara.

"Oh ano pa ang hinihintay natin? Pumasok na tayo sa sasakyan" masiglang sabi ni mom at pilit niyang tinatago ang kalungkutang nararamdman para sa amin.

Nauna si mom sa paglalakad at sumunod naman sila. Kami nalang ni Kevin ang naiwan dito kaya tinapik ko siya.

"Tara na Kevin?" Pangiting tanong ko kaya lumingon siya sa akin. Namamaga pa din hanggang ngayon ang kanyang mata dahil sa pag-iyak.

"Hey, cheer up. Birhtday mo pa naman ngayon" sabi ko kaya pilit niya akong nginitian.

"Oo nga pala.. kaarawan ko ngayon muntik ko ng makalimutan" sabi niya at tumalikod sa puntod ng kanyang ina.

Nagsimula na ako sa paglalakad kaya sumunod din siya sa akin. Bahagya pa siyang napalingon ng ilang sandali bago tuluyang naglakad papaalis doon.

Binuksan ko ang pinto ng aming sasakyan at nakita kong nakaupo si mom sa shotgun seat habang nasa driver seat naman si dad. Nasa dulo nakaupo si Kenji at Kirana since dalawa lang ang seats doon. Nasa gitna naman nakaupo si Kiara at ate. May space na natitira para sa amin ni Kevin kaya doon kami umupo. Si Kiara ang nakaupo sa gilid ng bintana habang si ate ang katabi niya. Katabi ko si ate at si Kevin na nasa kabilang bintana.

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon