Kabanata 32

30 3 0
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Chapter 32: Mang Tomas

Artemis' POV 

"Anong sinabi mo? Naging kabit mo ako?" Hindi makapaniwala kong tanong. Nagulat siya dahil sa sinabi ko at tila ba hindi niya inaasahang tatanungin ko iyon.

"Kalimutan mo na ang aking sinabi. Mas nakabubuti kung hindi mo na iyon maaalala pa dahil mali yung ginawa natin." Seryosong sabi niya.

Hindi pa din ako makapaniwalang si Mayari ang kabit niya. Papaano yun nagawa ni Mayari? Alam niya bang mali iyon? O baka naman nagbubulag- bulagan lang siya? 

"Ako'y magpapaalam na sa iyo Binibini.. Sana'y maging maayos ka lang" pangiting sabi niya bago tumalikod at dahan dahang naglakad papalayo sa akin.

Sino ka ba talaga Mayari at papaano ka nakagawa ng ganoong kasalanan?

****

"Ano???!!" Sigaw ni Eunice habang sinusuklay ang buhok ko. Napabuntong hiniga ako dahil inaasahan ko na ang reaksiyon niya.

"Oo tama ang narinig mo.. si Mayari ang kabit ni Arthuro" pagkukumpirma ko kaya napahinto si Eunice sa kanyang ginagawa at kunot noong napatingin sa akin.

"Papaano nangyari yun?" Tanong niya pa pero nagkibit balikat ako.

"Hindi ko din alam. Wala nga akong kaalam alam sa totoong pagkatao ni Mayari eh. Hindi ko din alam kung nasaan na siya ngayon.. teka.. papaano kung bumalik siya dito? Eh malalagot ako. Malalaman pa nilang hindi pala ako ang totoong Mayari" nag-aalalang sabi ko at biglang pumasok sa isip ko ang iba't- ibang scenario na maaaring mangyari kapag nangyari iyon.

Papaano kung papalayasin nila ako? Or papaano kung ikulong nila ako? Orrr papaano kung ipapatay nila ako?

Waaaa

Bigla akong sinampal ni Eunice sa aking kanang pisngi kaya napahawak ako dito. Aray.. sakit nun ah.

"Huwag ka ngang mag- overthink. Malabong mangyari iyon dahil sa loob ng isang taon hindi siya umuwi dito ni hindi man siya nagparamdam sa kanyang pamilya kaya bakit pa siya babalik hindi ba? Or baka naman sinadya niyang magtago dahil maaaring natatakot siya na may makakaalam na isa siyang kabit ni Arthuro" sabi ni Eunice kaya napaisip ako.

Hindi.. pakiramdam ko hindi iyon ang rason..

"Ang babaw naman. Kung ganoon nga ang rason niya pwede naman siyang mgpakalayo- layo at magparamdam sa kanyang pamilya hindi ba? I'm sure may mas malalim pang rason" sabi ko kaya napaisip din si Eunice. Napatango siya bago bumalik sa pagsuklay ng aking buhok.

"Tama ka.. dapat nating alamin kung nasaan na siya ngayon ngunit... kung ikaw muna si Mayari ngayon.. ibig sabihin kung kakalat ang balitang iyon malaki ang tyansang ikaw ang isisisi. Ready ka na ba para doon?" Tanong niya kaya napabuntong hininga ako.

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon