◇◇◇♢◇◇◇
Chapter 50: El Fin
June 20, 2013
Artemis' POV
Sht. Male-late na ako.. dapat mas bibilisan ko pa ang aking pagtakbo. Umakyat ako sa overpass upang makapunta sa kabilang side ng kalsada ngunit naagaw ang atensyon ko sa isang matandang babaeng nakaupo doon habang nakalatag ang mga binebenta niyang alahas sa sahig. Napakunot naman ang noo ko dahil ipinagbabawal ang mga ganyan sa lugar na ito.
"Artemis hindi ba?" Biglang sabi ng matanda kaya dahan dahan akong napalingon sa kanya. Nakaupo pa din siya sa sahig hanggang ngayon habang nakatingin sa akin.
Dahan dahan ko siyang nilapitan at kunot noong tiningnan. Naagaw ang atensyon ko sa kwintas na suot niya
Eunice
"Papaano niyo po nalaman ang pangalan ko?" Tanong ko kaya napangiti siya.
"Matagal ko ng alam ang pangalan mo.. halika at umupo ka muna dahil may sasabihin ako sayo" biglang sabi niya at dahan dahan akong napaupo.
Napatingin ako sa orasan ng phone ko at may natitira pa akong limang minuto bago magsisimula ang aking unang subject. Malapit lang ang paaralan namin mula dito kaya mataas pa ang tyansa na makakahabol pa ako.
"Ikwe-kwento ko sa iyo ang isang storya tungkol sa isang star-crossed lovers na ipinaghiwalay ng oras ngunit ipinagtagpo ng tadhana..." sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Ano po ang nangyari sa kanila?"
"Noong unang panahon... panahon pa ng mga Kastila, may isang napakapilyo ngunit gwapong ginoo na namuhay sa panahong iyon at may nakilala siyang isang kakaibang binibini. Isang binibining namumukud-tangi ang personalidad.. ang hindi niya alam, bumalik pala ang binibini sa panahong iyon dahil sa kanya. Napagtanto niya lang ang totoong nararamdaman niya para sa binibini noong huli na ang lahat. Namatay ang binibini sa panahong iyon. Namuhay ang lalaki ng halos tatlong siglo dahil sa isang kakaibang sakit. Isang sakit kung saan pwedeng maging immortal ang isang mortal. Nahanap niya ang babaeng iyon ngunit ang ikinataka niya ay tila ba may nagbago sa babaeng iyon. Huli na din ang lahat noong mapagtanto ng babae ang kanyang nararamdaman para sa lalaki at hindi niya inaasahang mapupunta siya sa panahon ng lalaki. Ang kanilang pag-iibigan ay parang isang bilog na walang katapusang nag-iikot." Sabi niya kaya napakunot ang noo ko.
"Kung ganoon... nasaan na po sila ngayon?" Tanong ko kaya mas lalong napangisi ang matanda.
"Sa tingin mo hija... nasaan na sila ngayon?" Makahulugan niyang tanong kaya napaisip ako.
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Science FictionIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]