◇◇◇♢◇◇◇
Warning:
This chapter includes scenes that may trigger some readers and might recall past traumas, This includes representations of sexual violence. Read at your own risk.
Chapter 40: Totoong Salarin
Third Person's POV
Setyembre 21, 1997
Napakadilim ng paligid at tanging ang gasera lang sa loob ng bahay ng mga Alcantara ang nagbibigay liwanag sa paligid. Bumisita ang mag-asawang Macarañas doon dahil bibisitahin sana ni Arthuro ang kanyang kaibigang si Alejandro bago ito lalayag sa Maynila. Ngunit wala sa bahay ang magkakapatid na Alcantara dahil bumisita ito sa kanilang lola sa probinsya.
Pinatuloy muna ng mga Alcantara ang dalawa at pinaghandaan pa ng pagkain.
Nakaupo ngayon sa hapagkainan si Esperanza habang hinihintay ang kanyang asawa na pumunta muna sa palikuran. Nakaupo naman si Heneral Gregoryo at Doña Sofronia sa tapat ni Esperanza.
"Napakatagal naman ng iyong asawa" saad ng Heneral.
Nakauniprome pa din ito habang ang kanyang asawa naman ay nakasuot na ng pantulog.
Nakasuot ng kulay puting baro't- saya si Esperanza at nakatali ang kulot niyang buhok.
"Ipag- paumanhin niyo po. Pupuntahan ko nalang siya. Nasaan ba ang inyong palikuran?" Tanong ni Esperaza kaya napatayo si Doña.
"Ako na ang maghahatid sa iyo" sabi niya kaya magalang na sumunod si Esperanza. Tumayo na din ang Heneral upang sundan sila.
Sa kabilang dako naman.. sa loob ng mga kuwadra ng kabayo hingal na hingal na pinakawalan ni Arthuro ang pagod na pagod na Mayari. Pareho nilang hinahabol ang kanilang hininga. Bahagyang nakataas ang palda ng binibini habang nakabukas naman ang pantalon ng ginoo. Batid nila ang kanilang ginawa ay hindi pwede ngunit ginawa pa din nila ito.
Inayos nila ang isa't- isa at itinali muli ni Mayari ang kanyang buhok na nagulo dahil sa ginawa nila ni Arthuro.
"Ako'y mangungulila sa iyo mahal kapag ika'y lilisan na sa Maynila" saad ng binibini habang nakatingin kay Arthuro na ngayon ay isinusuot ang sombrero.
"Itigil na natin ito" biglang saad ni Arthuro kaya kunot noong napatingin ang binibini.
"A-ano? Tama ba yung aking narinig?" Hindi makapaniwalang tanong niya. Napabuntong hininga ang ginoo bago seryosong napatitig sa binibini.
"Batid nating masama ito--"
"Ngunit mahal naman natin ang isa't-isa" singit ni Mayari sabay hawak sa kamay ni Arthuro. Napatitig ang ginoo sa kanilang kamay. Dahan dahan niya itong binitawan kaya nasaktan ang binibini.
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Fiksi IlmiahIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]