◇◇◇♢◇◇◇
Chapter 36: Salarin
Artemis' POV
2 hours ago..
"Anak maaari mo bang bilhin ito?" Tanong ni ina habang ibinigay sa akin ang isang pirasong papel na may mga lista.
Kakaalis lang nila Edward at Kiara kaya naiwan kaming tatlo sa tapat ng pintuan.
Binasa ko ang nakasulat sa papel at napakunot ang aking noo dahil puro mga pagkain ang nakalista doon. Hindi ba namalengke na si ina kahapon?
"Ika'y sasamahan ni Linda dahil siya ang mag-aalalay sa iyo. Umuwi ka bago magtanghalian ha" sabi ni ama kaya napatango ako. Biglang lumabas mula sa loob si Eunice at may dala dala siyang basket.
Sinamaan niya ako ng tingin kaya napangiti ako. Nakalimutan ko palang trinaydor ko siya kahapon.. hahaha..
"Aalis na po kami" sabi ko at napakunot naman ang aking noo dahil dali dali silang pumasok sa loob.
"Magkakaroon ng surprise party mamaya" sabi ni Eunice kaya nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.
Nagsimula na kami sa paglalakad at tirik na tirik na ang araw.
"Surprise party? Bakit? May birthday ba?" Tanong ko.
"Birthday ni Mayari ngayon" sabi niya kaya napatango ako. Kaya pala..
"Eh kung may surprise ngang magaganap bakit mo ako sinabihan?" Tanong ko pa kaya napabuntong hininga si Eunice dahil sa pagkainis.
"Gusto ko lang na ipaalam sayo dahil baka ikaw ang masorpresa sa balitang iyon" sabi ko kaya napatango ulit ako.
Biglang huminto si Eunice at tumingin sa akin.
"Teka.. akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo sa akin?? Magbabayad ka na ngayon.." sabi niya kaya dali dali kong inangat ang aking palda at tumakbo ng napakabilis upang hindi niya ako mahabol.
"Lagot ka sa akin!" Sigaw niya at hinabol din ako. Napatawa nalang ako dahil napakahina niyang tumakbo.
Palagi kaming naghahabulan ni Kevin noong kabataan namin kaya nasanay na ako sa ganito. Nagtataka ako kung naglalaro pa ba ng ganoon ang mga bata sa hinaharap.
Tuluyan na kaming nakalabas sa hacienda at napahinto ako sa pagtakbo noong maramdaman kong may nabunggo ako. Huminto din si Eunice sa aming tapat habang hingal na hingal.
Dahan dahan kong inangat ang aking paningin at nanlaki ang aking mata noong mapansin kong si Heneral Gregoryo Alcantara pala ang aking nabangga.
"Sorry po" dali dali kong sabi at napayuko. Grabe sa itsura niya pa lang kinakabahan na ako. Dagdag mo pa ang uniporme niya.. mapapansin mo talaga ang pagkalider niya.
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Science FictionIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]