Kabanata 42

27 4 0
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Chapter 42: Epidemia

Artemis' POV

"Mukhang alam ko na kung papaano ka nakapagtime travel" biglang sabi ni Lyza kaya dahan dahan akong napalingon sa kanya.

Tumayo ako at kunot noong napatingin sa kanya. Nakatayo siya sa harap ko ngayon habang hawak hawak ang puting baril niya at itinutok iyon sa akin.

"Lyza.. anong gagawin mo?" Kinakabahang tanong ko pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa baril.

"Pasensya na pero kailangan kong gawin ito dahil ito ang trabaho ko" sabi niya at dali daling ipinutok ang baril.

Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat noong maramdaman ang bala na tumama sa may dibdib ko. Dahan dahan kong hinawakan ang bahaging iyon ngunit napakunot ang noo ko dahil walang dugong dumadaloy mula doon.

"Sorry Artemis.." sabi niya. Unti unting umikot ang paningin ko hanggang sa matumba ako sa damuhan. Dahan dahang pumikit ang mata ko at ang huling naaninag ko lang ay ang mukha ni Lyza.

"Hello Ms. G? Nagawa ko na po"

"Excellent"

*****

Dahan dahan kong binuksan ang aking mata at napansin ko ang kahoy na kisame. Napalingon ako sa paligid at naaamoy ko ngayon ang gaserang nasa tabi ko lang. Napakadilim ng paligid at tanging ang gasera lang ang nagbibigay ilaw.

Napakunot ang aking noo habang pinilit ang aking sariling makaupo. Napahawak pa ako sa aking ulo dahil medyo sumasakit ito ngayon.

Ano ba ang nangyari?

"Nahimatay ka" biglang sabi ni Eunice kaya dali dali akong napalingon sa kanya. Nakaupo siya ngayon sa tapat ko at nahahalalata ko ang pag-aalala niya para sa akin.

"Alam kong gigising ka na ngayong gabi kaya sinubukan kong hindi matulog." sabi niya kaya mas lalong napakunot ang aking noo.

"Anong nangyari sa akin?" naguguluhang tanong ko kaya napabuntong hininga siya.

"Isang linggo ka ng natutulog. Hinatid ka ni Edward noong araw na nahimatay ka. Ang sabi niya nagkita daw kayo sa bahay ni Mang Tomas at nakita ka niyang nahimatay doon. Nag-alala ang iyong pamilya. Hindi na nga sila makatulog dahil lang sayo" paliwanag niya kaya unti unti nang lumilinaw sa akin ang lahat.

Oo nga pala... pumunta kami ni Edward sa bahay nina Isang. Teka... si Isang...

Dali dali akong napabangon upang puntahan siya ngunit pinigilan ako ni Eunice. Dali dali siyang tumayo at hinawakan ang aking kamay.

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon