Chapter 20

39 4 0
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Chapter 20: Kevin's Point of View

{ Chapter 2 & 3 }

Alam niyo yung pakiramdam na may nais kang sabihin sa isang tao ngunit kapag kaharap mo na siya bigla kang maeestatwa hanggang sa hindi mo na kayang sabihin sa kanya ang nais mong sasabihin?

Sa tuwing kasama ko si Artemis parating nag-aaway ang puso at isipan ko. Gustong sabihin ng puso ko na isigaw sa buong mundo kung ganaano ko siya kamahal ngunit ang sabi naman ng utak ko na itago ko nalang ito dahil paniguradong masisira ang pagkakaibigan namin. Ilang taon ko din sinubukan ngunit mukhang nahuli na ako dahil..

Nakatingin ako kay Artemis na nakatayo ngayon sa tapat ng school habang may kasamang lalaki na sa tingin ko ay kaklase niya. Isinara ng lalaki ang pinto ng kanyang sasakyan at naglakad sila ni Artemis papunta sa kagubatan.

Susundan ko na sana sila pero may biglang humawak sa balikat ko.

"Huwag mo ng sundan. Naunahan ka na" sabi niya kaya dahan dahan akong napalingon sa kanya.

Nakatayo sa harap ko ngayon si Christine. Nakasuot siya ng asul na bestida at hawak hawak niya ang kanyang handbag.

"Kevin right? Magkaklase tayo noong high school" sabi niya kaya napatango ako.

Oo siya nga si Christine. Pero papaano niya ako naalala?

"Oo tama. Ikaw si Christine" sabi ko kaya napangiti siya.

"Hindi ba si Artemis yun? Ang bestfriend mo?" Tanong niya sabay turo kay Artemis. Napatango ako kaya mas lalo siyang napangiti.

"Bakit ba kasi hindi mo kayang aminin sa kanya?"biglang tanong niya kaya nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.

Paano niya nalaman? Ni minsan wala akong pinagsabihan tungkol sa totoong nararamdman ko para kay Artemis.

"Ano naman ang aaminin ko?" Patay-malisya kong tanong kaya napailing siya.

"Halata namang may gusto ka sa kanya pero hindi mo ito maamin. Bakit nga ba?" Sabi niya at bahagya pang itinagilid ang kanyang mukha para asarin ako.

Napabuntong hininga nalang ako dahil mukhang wala na akong takas sa kanya.

"Natatakot akong masira ang pagkakaibigan namin" sabi ko habang nakatingin pa din kay Artemis na papalayo ng papalayo sa akin.

"Then let's test her. Sabihin natin sa kanya na magkarelasyon tayo at kung magseselos siya.. ibig sabihin may gusto nga siya sayo" masiglang sabi niya kaya napatawa ako.

"No. Napakachildish ng idea na yan" pailing na sabi ko kaya nagkibit balikat siya.

"Okay. Kung ayaw mong tanggapin ang offer ko.. bahala ka" sabi niya at dali daling pumara ng taxi. Binuksan niya ang pinto at bago siya tuluyang pumasok, lumingon muna siya sa akin.

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon