◇◇◇♢◇◇◇
Chapter 49 : Present
January 12, 1995
Astraea's POV
Halos dalawang taon na magmula noong mawala si Artemis. Bigla kong naalala ang panahong iyon... naaalala ko na naman ang mga alaalang dapat matagal ko ng kinalimutan.
Flashback
September 13, 1993
"Ikaw po ba ang pamilya ni Ms. Artemis Yu?" Tanong ng pulis sa akin. Umupo ako sa upuang nasa tapat niya. Nakaupo naman siya sa kanyang seat at may tinitingnang papel.
Nasa loob ako ng police station ngayon dahil tinawagan nila ako. May nakalap na daw silang impormasyon tungkol kay Artemis. Kahapon pa siya nawawala kaya nag-aalala na kami nina mom and dad. Tumawag kami kahapon pero ang sabi nila hangga't hindi pa daw umaabot ng 24 hours, hindi pa nila hahanapin si Artemis. Tinawagan namin ang mga kaklase niya ngunit hindi daw sila nagkita. Tinanong ko ang guard ng subdivision namin at nakita niya daw na sumakay si Artemis sa isang sasakyan na pinagmamanehoan ng isang lalaki. Hindi naman siya nagpaalam sa amin kahapon kaya mas nag-aalala kami.
Paano kung napahamak siya? Paano kung tinangay siya ng lalaking iyon?
Mabuti nalang at tumawag ang pulis kanina kaya dali dali akong pumunta dito. Nasa trabaho pa sina mom and dad ngayon kaya ako lang ang nakasagot sa telepono ng aming bahay.
Ang sabi ng pulis na may nagreport daw sa kanila tungkol kay Artemis. Nakita niya daw si Artemis sa tapat ng school at kasama niya ang kanyang Professor.
"Oo.. nakita niyo na po ba siya?" Kinakabahang tanong ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak ng aking bag dahil natatakot ako sa susunod na sasabihin niya.
May kinuha siya mula sa ilalim ng lamesa at inilapag iyon sa harap ko. Nakalagay sa loob ng supot ang dalawang sapatos ni Artemis na sinuot niya kahapon. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso at tila nanghina ang aking katawan dahil sa nakita.
"N-nasaan ang kapatid ko? Bakit sapatos niya lang ang nandito?" Taranta kong sabi kaya pinakalma ako ng pulis.
"Yan lang ang nakita namin sa lugar na iyon at nakita din namin ang kanyang Professor na walang malay sa tapat ng batis at duguan. Nasa ospital siya ngayon at iniimbestigahan namin siya. Maaari niyo po bang kumpirmahin kung sa kanya nga ang sapatos na ito?" Sabi niya pa kaya napatulo na ang aking luha.
"Oo... s-sa kanya nga iyan" maluha luha kong sabi kaya isinulat niya iyon sa papel.
"Maaari ko bang makausap ang Professor niya?" Tanong ko kaya napatango ang pulis.
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Science FictionIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]