Chapter 18

38 4 1
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Chapter 18: Auntie

Artemis' POV

Hingal na hingal akong nakaabot sa ospital. Bahagyang nadumihan ang baro't-saya na suot ko dahil sa kakatakbo. Maraming mga tao ang nakatingin sa akin dahil sa suot ko pero wala na akong paki. Wala na akong oras na magbihis kaya dumeretso na ako dito.

Nakita kong nakaupo sina mom, dad, ate at Kevin sa waiting area sa gilid ng emergency room. Dali dali ko silang nilapitan at si dad ang unang nakapansin sa akin.

"Anong nangyari kay auntie?" Nag-aalalang tanong ko. Napatingin si mom sa sash ko at napangiti.

"Nakafirst runner up ka... proud ako sayo anak" sabi ni mom kaya nagpasalamat ako sa kanya.

"Isinugod nila si auntie sa ospital kaninang umaga dahil hindi na siya nagising. Kaya... kaya hindi nakapunta si Kevin sa contest" paliwanag ni ate.

Napatingin naman ako kay Kevin na nakaupo ngayon sa tabi ni ate habang nakayuko. Dali dali akong tumabi sa kanya at niyakap siya.

"Magiging maayos din ang lahat Kevin" sabi ko kahit na alam kong hindi totoo ang sinabi ko.

Biglang lumabas ang doktor mula sa emergency room kaya napatayo kaming lahat.

"Dok kamusta na siya?" Nag-aalalang tanong ni Kevin sa doktor.

"Ikaw ba ang anak ni Mrs. Buennavista?" Tanong ng doktor kaya napatango si Kevin.

"I'm sorry pero hindi na namin siya kayang iligtas. Time of death is 2:36 p.m. I'm sorry for your loss" nakayukong sabi ng doktor kaya inilagay ko ang aking kanang kamay sa aking bibig dahil sa pagkagulat

H-hindi ako makapaniwala.. hindi ako makapaniwalang wala na si auntie... unti unting tumulo ang luha sa mata ko at napapansin kong napapaluha na din silang lahat.

Masaya pa kaming lahat sa birthday ni auntie hindi ba? Kaya bakit nangyayari ito ngayon? Bakit umiiyak kami dahil sa kanya?

"Kevin" sabi ko pero sinuntok niya lang ang pader dahil sa galit. Napaatras naman ako dahil ngayon ko lang nakita ang ganoong side ni Kevin. Kahit kailan, napakakalmado ni Kevin.. pero ngayon..

Dali dali siyang umalis doon. Nanghina naman ang paa ni mom kaya sinalo siya ni dad. Napaupo naman si ate at napahagulhol.

"Wala na ba talaga si auntie?" Hindi makapaniwalang tanong ni ate.

"Sa tingin ko.. kailangan mong sundan si Kevin Artemis" sabi ni dad kaya napatango ako.

Tama siya. Dapat susundan ko siya... Lumabas ako sa ospital at nakita kong hingal na hingal na napatakbo sina Kiara, Kirana at Kenji. Nakasuot pa sila ng uniform kaya sa tingin ko ngayon lang nila alam ang tungkol sa nangyari kay auntie.

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon