Kabanata 31

63 3 0
                                    

◇◇◇♢◇◇◇

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

◇◇◇♢◇◇◇

Chapter 31: Lihim

Artemis' POV

"Nais ko sanang ikasal sila sa susunod na buwan" panimula ni Heneral Gregoryo, ama ni Edward.

Nakaupo kaming lahat ngayon sa hapag- kainan. Nasa magkabilang dulo nakaupo si ama at Henral Gregoryo. Nakaupo sa kanan ni ama si ina at nasa gitna nila ako ni Kiara. Bakante ang upuang nasa tapat ni ina at kami naman ang magkatapat ni Maria na kapatid ni Edward.

Dahan dahan akong napatingin kay Edward at nadurog ang puso ko noong makita ang mga ngiti niya habang tinatanaw si Kiara na nasa tapat niya lang.

Bakante ang upuang nasa tabi ni Kiara na katapat lang sa upuan ni Doña Sofronia na ina ni Edward. Katabi nito ang kanyang asawa na nakaupo sa tapat ni ama.

Ibinaling ko nalang ang aking tingin sa aking plato upang hindi na makita sina Edward at Kiara.

Bakit hindi niya sinabi sa akin noon na may relasyon pala sila ni Kiara. Bigla kong naalala ang ikalimang araw ng vigil ni auntie. Nandoon si Edward at kinausap niya si Kiara na para bang magkakilala na sila noon pa man.

Kaya ba pinansin niya si Kiara dahil may history sila?

Ang sabi ni Edward kanina matagal na daw silang nagkakilala ni Hanan. Napahigpit ang hawak ko sa kutsara noong maramdmaan kong may namumuong luha sa aking mata.

"Kay aga naman ata amigo. Ikaw ba'y may rason sa pagpapaaga ng kasal?" Kunot noong tanong ni ama kaya napalingon ako kay Heneral Gregoryo.

"Amigo maaari niyo bang ilihim ang aking sasabihin sa gabing ito?" Seryosong sabi niya kaya napakunot ang noo ko. Binitawan niya ang kamay ng kanyang asawa bago muling nagsalita.

"May tali na ang buhay ng aking asawa kaya nais kong makita niya ang kanyang mga apo bago siya tuluyang mawala sa mundong ito" malungkot na saad niya kaya napatingin ako kay Doña Sofronia.

Kaya ba may takip siya sa mukha dahil mayroon siyang nakakahawang sakit?

"Paumanhin at kailangan pa naming malaman iyon... kung ganoon ipapaaga natin ang kasal nila. Magsisimula na tayo sa preperasyon sa lalong madaling panahon" masayang saad ni ama kaya napasulyap ako kay Kiara.

Kanina pa siya hindi umiimik. Baka naman hindi siya sang-ayon sa kasalang ito?

"Ngunit mahal hindi ba yun sukob? Hindi pa nakakasal ang ating panganay" biglang sabat ni ina kaya napahinto silang lahat at napatingin sa akin at kay Maria.

"Ang aking anak na si Maria ay ikinasal na ngunit sa kasamaang palad maagang pumanaw ang kanyang asawa dahil nalunod ito sa barko tatlong taon na ang nakalilipas kaya mas lalong lumala ang sakit niya sa puso dahil sa pangyayaring iyon" sabi ulit ni Heneral kaya napatingin sila sa akin.

One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon