◇◇◇♢◇◇◇
Chapter 29: Harana (2)
Artemis' POV
"Anak wala ka ba talagang natatandaan kung papaano ka nawala ng isang taon?" Tanong ni ina.
Kakatapos lang ng misa kaya nasa labas na kami ngayon. Huminto kami sa gilid ng simbahan dahil may kinakausap pa si ama. Magkatabi naman kaming tatlo ni Kiara at ina habang hinihintay si ama na matapos ang kanyang pakikipag-usap.
"Wala eh. Isang araw bigla nalang akong nagising sa kagubatan. Wala akong maalala buti nalang at nakita ako ni Eun-- Linda doon at pinauwi niya ako" sabi ko at bahagyang napatingin kay Edward na ngayon ay nakatayo sa tapat ni ama at hinihintay din niyang matapos ang pag-uusap ng kaniyang ama.
Hindi ko masyadong makita ang mukha ng kanyang ama dahil nakatalikod ito. Nakangiti naman si ama habang kinakausap niya ito. Katabi ni Edward ang kanyang ina pero hindi ko din masyadong makita ang mukha niya nakayuko ito.
Nakatingin si Edward sa amin ngayon kaya nginitian ko siya. Noong magtama ang mata namin at nakita niya akong nakangiti ay dali dali siyang umiwas ng tingin. Ibinaling nalang niya ang kanyang atensyon sa ama.
Ganito din kaya ang nararamdaman niya noon noong sinabi ko sa kanyang layuan niya ako?
Kung ganito man.. hindi din ako susuko katulad ng ginawa niya. Gagawin ko ang lahat upang maging close kami ulit.
"Nararapat pala na tayo'y magpasalamat sa kanya dahil inuwi ka niya dito" nagagalak na sabi ni ina kaya napatango ako.
Bigla kong namiss si mom.. kamusta na kaya sila ngayon? Hinahanap kaya nila ako?
"Ina.. maaari bang maging personal na katulong ko si Linda?" Tanong ko kaya kunot noo siyang napatingin sa akin pati na din si Kiara.
Mas mapapanatag ang loob ko kapag malapit lang si Eunice sa akin. Siya lang ang nakakaalam sa totoo kong pagkatao at siya din ang susi ko upang makabalik ako sa aking panahon.
"Kung iyan ang gusto mo... papayag ako ngunit ipapaalam ko muna ito sa iyong ama" sabi niya kaya napatango ako.
"Thank you po" sabi ko ngunit napakunot ang kanilang noo.
Kaagad na nanlaki ang mata ko noong marealize ko na english pala ang sinabi ko. Shoot.. nakalimutan ko palang hindi pa uso ang english sa panahong ito..
"Saan mo natutunan ang lenggwaheng iyan ate?" Kunot noong tanong ni Kiara kaya napakamot ako sa aking ulo.
"Ahh-- ang ibig kong sabihin maraming salamat" patawang sabi ko at hinihiling ko na sana'y maniwala sila sa akin.
"Tayo na?" Biglang singit ni ama kaya napabuntong hininga ako. Buti nalang nandito na siya..
Tumango silang Kiara at naglakad na kami papasok sa kalesa. Malaki ang kalesa na ito at kasya siguro ang walong tao dito.
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Science FictionIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]