◇◇◇♢◇◇◇
Chapter 22: Edward
Artemis' POV
Huminto ako sa tapat ng bahay nina Kevin. Napatingin ako doon at napangiti ng mapait.
Naaalala ko pa ang mga panahong tumatakbo kami ni Kevin sa harap ng bahay nila kaya palagi kaming napapagalitan ni auntie dahil baka daw masira at mamatay ang mga bulaklak na tinanim niya.
Wala na ang mga bulaklak ni auntie ngayon dahil kinuha na ito ng caretaker ng bahay nila.
Naglakad nalang ako papunta sa swimming pool ng subdivision namin. Umupo ako sa swimming pool at nilusaw sa tubig ang paa ko. Napakalamig ng tubig katulad din ng panahon ngayon.
Kinuha ko mula sa supot ang isang twin pops at mag-isang kinain iyon. Napalingon ako sa gilid kung saan parating nakaupo si Kevin. Bigla kong naalala ang mga ngiti niya kaya napabuntong hininga ako.
Flashback
5 years ago..
"Huwag mo nga akong talsikan! Mababasa ang twin pops ko!" Reklamo ko kay Kevin pero mas lalo lang niyang itinalsik ang tubig ng swimming pool gamit ang paa niya.
Napatawa pa siya ng mahina kaya dahil sa pagkainis ko ay tinulak ko siya kaya nahulog siya sa pool.
Inis siyang napaahon kaya ako naman ang napatawa.
End of Flashback
Matapos kong tapusin ang twin pops ay naglakad ulit ako pabalik sa bahay. Sa bawat hakbang na ginagawa ko mas lalong sumisikip ang aking dibdib dahil kahit noon pa man, sa tuwing naglalakad ako sa subdivision, parati kong kasama at nakakausap si Kevin.
Ngunit ngayon.. mag-isa lang akong naglalakad sa daan habang tinatangay ng napakalamig na hangin ang aking buhok.
Kamusta na kaya siya sa France? Nakahanap kaya siya ng bagong kaibigan? Ilang linggo na niya akong hindi sinusulatan. Ang huling sulat niya lang sa akin ay noong pinaaalam niya na nakarating na sila sa France. At pagkatapos nun, wala na akong balita sa kanya.
Lumabas ako sa gate ng subdivision at umupo sa waiting shed.
Dito kami parating naghihintay ng bus. Magmula noong umalis si Kevin, ako nalang ang mag-isang nag-aabang ng bus. Napatingin ako sa bakanteng upuan na parating inuupuan ni Kevin. Magmula noong mga bata pa kami doon siya palaging pumepwesto at parati ko siyang sesermunan dahil palagi siyang humihiga sa upuan kaya kaunting space nalang ang natitira sa akin.
Iniyukom ko ang aking kamao at tumayo. Tinapon ko ang supot na pinaglagyan ko ng twin pops at papasok na sana ako sa loob pero may biglang huminto na sasakyan.
"Kanina pa kita hinahanap." Pangiting sabi ni Edward kaya napalingon ako sa kanya. Nakabukas ang bintana ng sasakyan niya at nakahawak siya sa manobela habang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
One Last Time [Time Traveler Series #1] ( Completed )
Science FictionIsang bampirang naghintay ng halos tatlong siglo para sa minamahal niya.Isang babaeng napadpad sa ibang panahon. Ilang siglo man ang layo nila sa isa't-isa ngunit ipinagtago pa din sila ng tadhana... ***** [ Time Traveler Series #1 ]