One Shot Challenger #1

72 5 6
                                    

Title: The Ghost's Angel
Author:

Na-inspired po akong gumawa ng ganitong klaseng story kasi mahilig po akong manood ng k-drama about ghost and angel... Isa po sa mga favorite ko na k-drama ay "49 Days" o "Pure Love", "Arang And The Magistrate" at "Goblin". Next ko pong balak panoorin ay "Black" at "Hwayugi." Hindi pa kasi ako nakakabasa ng love story and second chances about ghost at angel kaya naisipan kung gumawa ng ganitong theme. And I thank you! 😊☺🙂

                          **********

"May banggaan!"

"Buhay pa 'tong lalaki! Buhay pa! Tumawag kayo nang ambulansya! Bilisan niyo!"
• • •
Cheonsa's POV

Nandito ako sa may pasilyo ng hospital. May hinihintay ako. Isa akong angel na ipinadala sa lupa dahil sa isang misyon. Ne. I'm an angel and I have a mission.

"Cheonsa, anak. Bibigyan kita ng misyon."

"Ano po iyon, Ama?"

May pinakita si Ama, isang banggaan nang kotse at truck. Nakita ko ang duguan na mukha  nang isang lalaki na nakasakay sa kotse.

"Siya, siya ang misyon mo." Kunot-noo kong tinignan ang lalaki.

"Kailangan mong  baguhin ang buhay niya. Ang misyon mo ay tuparin ang kahilingan niya sa loob ng isang araw." Nanatili akong tahimik.

"Anak, kaya mo ba?" Lumunok ako.

"Opo! Kayang-kaya po!" Sabi ko.

"Pagkatapos ng misyon mo ay babalik ka na dito."

"Tumabi lang po kayo!" Sigaw ng nurse na nagpabalik ng diwa ko. Dumating na ang hinihintay ko.

Pinuntahan ko siya at agad tumambad sa akin ang duguan niyang katawan na nag-aagaw buhay. Nakatingin siya sa akin. Sinulyapan ko siya hanggang makapasok siya sa ER.

• • •
Kai's POV

Napabalikwas ako nang bangon. Pakiramdam ko kinuryente ako. Nasaan ako? Inikot ko ang paningin ko.

Napapalibutan ako ng mga puting bagay. Teka... Bakit nasa hospital ako? The room was quite spacious, maayos at maganda.

Pinagmasdan ko pa ang kabuoan nito and after a while, I decided to stand. Naglakad ako patungong pintuan para lumabas at magpahangin saglit. As I got out, may nakasalubong akong mga medics na tinutulak ang stretcher papuntang ER. Lumabas ako at umupo sa garden dito sa labas ng hospital.

"Ya!" Napalingon ako sa kumalabit sa akin. Isa siyang babae na nakasuot ng white-lace dress.

"Annyeonghaseyo!"
Kinunutan ko lang siya nang noo.

"Sino ka?" Tanong ko.

Ngumiti siya nang malapad.

"Cheonsa imnida, ang angel mo!"

Napangisi ako. Iba-iba na talaga trip ng tao ngayon.

"Nakadrugs ka ba?"

"Mwooo?" Sabi niya habang naniningkit yung mga mata niya.

"Itong mukhang kyeopta na 'to, nagdadrugs?"

"Base sa sinabi mo, oo. Para kang nakadrugs." Sabi ko at nginisian siya.

"Aish!" Frustrated niyang sabi sabay padyak.

"Ang hirap naman nito!" Sigaw niya pa at saka ginulo ang buhok niya. Tumayo ako at umalis.

"Ya! Teka lang kasiii!" Hindi ko na siya nilingon. Bahala siya sa buhay niya. Wala akong oras sa mga trip niya. Lumingon ako at wala na siya. Umalis na yata siya kasi hindi ko sinakyan 'yong trip niya. Biglang may sumundot sa tagiliran ko.

The GLIMPSE Contest HubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon