Title: Behind The Bars
Author:I was inspired to write this story to let people know that there's always truth behind a sinful act. This story impart that you should not always judge people by what you merely know about them. If you happen to know someone who did something not good, please don't judge them easily. Learn to know and understand why they did that such thing. Every people who commit mistake always deserves a second chance. Sinners always deserves a second chance despite of the amount of cause they did. Let's learn to embrace the act of forgiveness. Thank you and God bless everyone! 😊
*********
"Why did you killed him?" she angrily asked.
"For the better cause," I lazily blurted.
"Pero Dane, mali pa rin ang ginawa mo. Isang malaking kasalanan ang pumatay." saad niya habang nagpipigil sa mga kamao niyang nakakuyom sa labis na pagkainis.
"I know," tipid kong sagot.
"Please Dane, tell them the truth." Ito nalang palagi kong naririnig sa bibig ni Attorney Memai Blanca. The truth? Kung alam lang niya.
"Kung wala ka nang sasabihin, maaari ka ng umalis." diretsa kong saad sa kanya. This talk is taking so long and pointless.
"You're hopeless," she continuously said.
"I am." sagot ko sabay tayo sa kinauupuan.
Mabilis kong tinahak ang pintuan at agad na lumabas sa kwarto na iyon. Hindi ko na inatubili ang nakasunod na bantay sa'kin at diri-diretsong tinungo ang kanlungan ko.
Nang narating ko ang bungad ng mismong kanlungan ko ay agad kong sinenyasan ang nakabantay na agad itong buksan. At walang pagdadalawang-isip na pumasok ako rito.
I heard a familiar noise after a minute. A noise that constantly reminds me where I am. The sound of the lock being clicked is like a music to my ears already. Yes. If you're thinking that I am in prison cell, you're damn right. I am Dane Charity Ramos and I am in jail. Just like my second name, I did what I did for somewhat a charity...a bloody charity. I am Dane and this is my story behind the bars.
*****
"Daaaaaane! For goodness sake! Bumangon kana diyan!" Wtf! Kay aga-aga ito agad ang bubungad sa'kin.
Inis akong napabalikwas sa kama at napaupo nalang dahil sa nahihilo pa'ko. Damn with this girl! Palagi nalang akong binubulabog kada umaga.
"Now, what? Tutunganga ka lang diyan? Ano'ng hinihintay mo? Pasko?" patuloy na ratatat niya. Hindi ko na napigilan at tinakpan ko na ang dalawa kong mga tenga.
"That won't help, young lady. You better get a shower now. Or else, ma-le-late na tayo." saad pa niya habang tinatanggal ang dalawa kong mga kamay sa tenga ko.
"FINE! Basta tumigil lang iyang bunganga mo. Puputok na ang eardrums ko Ate Carie. Maawa ka naman sa eardrums ko," sagot ko.
Imbes na sumagot ay isang nakakalokong ngisi ang itinugon ni Ate Carie sa'kin. Diyan naman talaga siya magaling...sa pang-iinis sa'kin. Umismid nalang ako at tuluyan nang tumayo bago pa makaratat na naman si ate.
Dinampot ko ang tuwalya na nakasabit sa may cabinet ko at agad na tinungo ang banyo namin. Bago pa ako makapasok sa banyo ay sinulyapan ko ulit si Ate Carie na ngayo'y nag-aayos ng mukha niya sa tapat ng salamin.
Dahan-dahang sinusuklay ni ate ang maitim na alon-alon niyang buhok na abot hanggang siko niya. Kita kong naglagay siya ng konting pulbo sa mukha niya. Kung tutuusin, hindi na niya kailangan na maglagay pa dahil maputi naman siya. Nilagyan niya rin ng lipgloss ang pinkish lips niya na mas lalong nagpakintab sa maganda niyang labi. Inayos niya rin ang floral dress niya na bumagay sa skin tone niya. When she notice that I was watching her, she gives me a smile. But now, it was a sweet smile that blends with her tantalizing eyes. Ang ganda talaga ni ate. Hindi na ako magtataka pa kung madaming lalaki'ng umaaligid sa kanya.
BINABASA MO ANG
The GLIMPSE Contest Hub
RandomHighest rank #40 in random (7-8-17) Rank #63 iin Random (7-3-17) All forms of contest will be held here. Be up for the challenge and enjoy!