Title: The Next Time
Author:"I was inspired to write this story despite the hectic schedule of my college life because I want to show and tell everyone reading this to stop depending on the words “next time”. I am afraid that maybe there won’t be a next time. Do everything that makes you happy, now, especially the things with the person you love."
Bawat yabag na naririnig ni Mari ay siya namang pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa kanyang ina. Ibinaon niya ang mukha sa likod nito. Sa ritmo ng paghinga ng kanyang ina ay alam niyang gising pa ito. Ngunit kagaya rin niya ay nakapikit ang mga mata nito at nagmamatyag lang sa maaaring mangyari.
“Melinda!” Sigaw ng kanyang ama habang ang mga yabag ng paa nito ay nagsasabing papunta ito sa kanila. Halata sa lakad na lasing na naman ito dahil sa pasuray-suray nitong lakad. Kahit tinawag nito ang kanyang ina ay hindi pa rin ito kumilos.
Madilim na sa loob ng kanilang barong-barong. Pinatay na kasi ng kanyang ina ang munti nilang lampara dahil nagtitipid sila ng gas. Isa lang ang kwarto ng kanilang kubo at maliit lang ito. Maliit lang din ang kanilang sala na ginagawa pang tulugan ng kanyang ama kapag ito’y lasing.
“Melinda, buksan mo ang pinto. Putang-ina ka,” sigaw muli ng kanyang ama.
Halos hindi na siya humihinga sa takot na makagawa ng ingay at malaman ng kanyang ama na sila’y gising pa. This had happened countless of times. Nang wala pa ring matanggap na anumang sagot mula sa kanyang ina, tinadayakan na ng kanyang ama ang pinto na siyang naghiwalay sa kanila mula rito.
“Natutulog na kayo? Mahimbing kayong natutulog diyan habang ako ay nandito at nagsisisi kung bakit kita naging asawa. Hindi sana ako naghihirap ngayon kung pinili ko siya,” wika ng kanyang ama.
Naramdaman ni Mari umupo ito sa lapag dahil lumangitngit ang kawayang sahig. Mula sa kanyang kinahihigaan, langhap niya ang mabahong amoy ng alak na ininom ng kanyang ama doon sa kanto ng kanilang baranggay.
Sa tuwing nalalasing ito ay wala itong ginawa kung hindi ang isisi sa kanyang ina ang hirap na dinaranas nito. Mayaman ang pamilya ng kanyang ama ngunit itinakwil ito ng mga magulang nio dahil pinili nito ang kanyang ina. Mula noong bata pa siya ay hindi niya natandaang pinakilala siya nito sa kanyang lolo at lola kahit sa litrato man lang. Siguro, malaki ang galit ng kanyang ama sa mga ito o ‘di kaya’y nahihiya itong lumapit.
Hindi niya maiwasang lumuha. Nasasaktan siya para sa kanyang ina. Nagdadalang-tao na kasi ito noon at napilitan ang kanyang ama na panagutan. Alam niyang wala siyang kasalanan pero hindi niya maiwasang masisi ang sarili. Dahil kung wala siya, masaya sana ang kanyang ama at ina ngayon sa piling ng iba’t ibang mahal nila sa buhay.
Mula sa nakapikit na mga mata, may kaunti siyang liwanag na naaninag. Sinindihan ng kanyang ama ang gasera.
“Melinda, nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?” Saglit itong huminto upang tumawa ng sarkastiko. “Hindi ako makapaniwalang naloko mo ako noon, mahigit na dalawapung taon ang nakalilipas! Hindi ako makapaniwalang napunta ako sa isang babaeng hindi edukada! Hindi ako makapaniwalang naging ganito ang buhay ko ng dahil sa iyo! Galit ako sa iyo pero mas galit ako sa sarili ko dahil hinayaan kong mangyari lahat ng iyon!”
Marahang yumugyog ang balikat ng kanyang ina. Walang siyang marinig na hikbi ngunit alam niyang lihim itong umiiyak. Maybe, she inherited that trait on her mom. She mastered the art of pretending that she was okay. She mastered the art of crying silently. Just like now, nakikinig lang siya sa sinasabi ng kanyang ama at naghihintay kung kailan sasagot ang kanyang ina rito.
“Rolando, patayin mo ang lampara. Sa makalawa pa ibibigay ni Ceding ang sweldo ko sa paglalabada kaya kailangang makaabot iyan ng isa pang gabi,” mahinahong wika ng kanyang ina na nanatili pa ring nakapikit.
BINABASA MO ANG
The GLIMPSE Contest Hub
RandomHighest rank #40 in random (7-8-17) Rank #63 iin Random (7-3-17) All forms of contest will be held here. Be up for the challenge and enjoy!