Title: FLR on Valentines Day
Intro:
Wala akong memorable na Valentine's Day dahil NBSB ako at hindi rin naman ako nagpapaligaw, so techinacally, walang magbibigay ng something red sa akin or mag-aayang makipag-date sa Valentine's Day. Kaya wala pa po akong most memorable na mailalagay. I wrote "FLR on Valentine's Day" based from what I think about love and life. I wrote it so I can relate from it. Every characters na mababanggit sa story ay 'ako' mismo, I have shared my self to them. So enjoy 'reading' me. :)If ever na mapansin at matanong niyo kung ano ang ibig sabihin ng 'FLR' sa title, well, bahala na po kayong mag-decipher. Nasa laman naman iyon ng story. Haha. It's my first time to write using 3rd Person's POV, I really dunno if I wrote effectively using it (but I guess, I really don't.😅)
Thank you Glimpse Society sa opportunity na makasali sa One-Shot wricon niyo and special thanks to Miss Marge for inviting me to join. Nag-enjoy po ako. God bless!
Title: FLR on Valentine's Day
"We had the right love at the wrong time. Guess I always knew inside, I wouldn't have you for a long time." Dinig ni Jane na kinakanta sa videoke ng kapit-bahay nilang feeling singer.
Napailing na lang siya at itinuloy ang liham na kan'yang ibibigay para sa future ex-boyfriend niyang si Vince na ibibigay niya bukas mismo sa araw ng mga puso.
Right love at the wrong time raw? Tss. Walang gano'n. Para kay Jane, right love at the wrong time is still wrong. Paano mo masasabing tama 'yong nararamdaman mo, eh mali nga ang pagkakataon? Ibig sabihin lang no'n ay hindi tama ang nararamdaman mo dahil mali ang taong pinag-aalayan mo ng puso mo. Gaya na lang ng mga nagdaang relasyon ni Jane, nagustuhan naman niya ang mga ito pero parating may mali at may kulang kung kaya't hindi niya magawang mahulog ng tuluyan. She's always having the wrong love.
"Pasok," aniya ng may kumatok sa pintuan ng kwarto niya.
"Ang babaeng obsess sa Valentine Break-Up, hindi man lang magawang patapusin ang araw ng mga puso bago makipag-hiwalay." Pang-aasar na may halong pag-iling na sabi ng ate Nina niya habang nakikibasa sa mga salitang nakasulat sa liham.
"We weren't just meant to be, I'm really sorry." Basa niya sa isang linya na parati niyang nababasa sa mga liham na isinusulat ng nakababata niyang kapatid.
"Kailan naman kaya magiging, "Baby, you're my destiny. You and I are meant to be..." ang mababasa ko sa mga love letters mo, este, break-up letter pala?"
Itinupi na ni Jane ang kakatapos lang na liham at ipinasok na iyon sa itim na sobre.
"Kapag bati na kami ni Kupido." Natatawang sagot nito sa Ate.
"Hay naku, Jane. Kailan ka kaya magseseryoso--?
"Seryoso naman ako ate, kaya nga umaabot kami ng Valentine's Day ng mga exes ko 'di ba?"
Napabuntong-hininga na lamang si Nina at umupo sa kama ng kapatid. "Hindi kayo umaabot, Jane. Pinapasakto mo lang para mahiwalayan mo na."
"Exactly! At least nagtatagal kahit papaano." Pabalang na sagot nito dahil naiinis na siya sa pangaral ng Ate niya.
"Are you really sure na hihiwalayan mo si Vince? I never saw you smile the way you smile at him. I never saw you this happy, you looked in love--"
"Huwag mong bigyan ng malisya iyon Ate, gano'n din naman ako sa iba."
"Ang inaalala ko lang naman kasi ay baka karmahin ka, baka bumalik lahat sa'yo 'yang mga pinaggagagawa mo." Nag-aalalang usal ng Ate.
"Bakit Ate? Ano bang mali sa ginagawa ko? Nananahimik ako tapos bigla silang darating at magpapa-alam na liligawan ako, papayagan ko naman dahil baka isa sa kanila ang 'the one', hindi ba? Anong mali ro'n? Binibigyan ko naman sila ng pagkakataon but they're not doing it right, and here I am; I'm still Jane and I'm still not in love."
BINABASA MO ANG
The GLIMPSE Contest Hub
RandomHighest rank #40 in random (7-8-17) Rank #63 iin Random (7-3-17) All forms of contest will be held here. Be up for the challenge and enjoy!