Let's take a look kung ano ang resulta and feedback from JUDGE #3.
Challenger #1: The Ghost's Angel
Content - 48%
Creativity - 30%
Cleanliness - 20%
Total - 98%FEEDBACK:
Ang cute nung story. May korean language na halo. Since uso to sa mga reader lalo na sa mga kabataang reader. Pero kung gagamit nito pwede mo siyang lagyan sa gilid nung 'kung ano ang meaning nun, kasi hindi lahat ng readers ay nakakaintindi ng basic language nila. Ang ganda naman po nung plot, andun yung pagkasabik na basahin hanggang matapos. Pang teen ager itong story lalo na angel ang bida o yung kabuuang storya. Nag enjoy ako lalo sa ending. Maganda siya. Naalala ko yung high school love on korean drama.Challenger #2: Dear Mirani
Content - 50%
Creativity - 30%
Cleanliness - 20%
Total - 100%FEEDBACK:
Hindi ko alam bakit ito yung pinakahuli kong binasa sa mga challenger. Siguro dahil hindi ako gaano mahilig mag basa ng english story 'napakabihira. Pero sa last na 'to ito pala ang pinakanagustuhan ko. Ang ganda ng plot ng story, nakuha niya yung pasabog sa huli ng kwento. Yung may halo-halong emotion nandito, yung una galit pero sa huli boom' andun ang drama at ayun ang napakaganda. Wala akong masasabi kundi maganda talaga. Yung creativity, cleanliness. Lahat nahakot nito para sa akin.Challenger #3: The Next Time
Content - 49%
Creativity - 30%
Cleanliness - 20%
Total - 99%FEEDBACK:
Ito yung isa sa pinakanagustuhan ko. Ang ganda ng plot nito mula sa nakaraan hanggang present nadala niya yung character nya. Ang galing, lalo sa ending. May times na bumababa yung flow pero bigla kang paaangatin. Kung wala yung no.2 ito yung panalo para sa akin. Nagustuhan ko talaga yung love story niya, nandun yung pabitin sa huli kasi nga one shot lang. Gusto ko pa sana yung kadugtong na mangyayari sa love story nila nung doktor e pero ayun nga one shot lang kasi. Ang ganda nito.Challenger #4: Behind The Bars
Content - 47%
Creativity - 30%
Cleanliness - 20%
Total - 97%FEEDBACK:
Ang ganda ng plot nito pero mas gaganda to kung pahahabain pa sana. Andun yung kasabikan sa pagbabasa, yung curious ka sa kung anung kasunod na mangyayari kasi may intense, nakuha nito iyon. At maiintindihan mo talaga yung bawat nangyayaring eksena. Yung creativity ito talaga ang nakakuha nun. Parang matagal nang writer ganun. Basta bitin lang.Challenger #5:Twisted
Content - 30%
Creativity - 20%
Cleanliness - 10%
Total - 60%FEEDBACK:
Actually, naintindihan ko yung story niya sa huli na, lalo nung nag back read ako. Since magkatunog o pareho yung name ng dalawang bida akala ko iisang character lang sila. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin nito ah. (Baka kasi ako lang naman ) then, yun nga nung nagback read ako dun ko lang talaga nagets na magkaiba pala talaga sila at babae at lalaki pa. Akala ko lang kasi babae lang ang bida. Sa plot ng story maganda sana to e, kasi sa lahat ito talaga yung kakaiba lalot parang may special power sila, at ayun ang inaabangan ko dun kaya patuloy kong binabasa kahit magulo na. May part kasi dito na naguluhan na ako lalo dun sa PART 3 ba yun. Dun ko lang din kasi talaga nalaman na pinagtagpo dito yung dalawang bida at dalawa pala sila. May times na susuko ka nang bitiwan tong story. Pero kung iintindihin mong mabuti maganda yung plot nito, hindi lang talaga siguro na express ng mabuti yung gustong mairating or kulang lang siguro sa eksena. Hanga ako sa author na to ang galing niyang mag-isip. Try din nating avoid yung ''. . .'' ganyan. Siguro kung dikit dikit pwde pa.Challenger #6: Take Two
Content - 30%
Creativity - 20%
Cleanliness - 15%
Total - 65%FEEDBACK:
Wala naman akong ibang masabi kundi parang pangkaraniwang nalang yung plot. Siguro mas maganda kung wag lagyan ng space yung first line/sentence. Mas magamda kung pantay pantay yun (sa tingin ko lang naman po). Then, at least nakabuo ng one shot story. Keep up the good work sa author nito. Masaya akong ipagpatuloy pa ang pagsusulat para mas mailabas pa ang mga pasabog sa mga susunod pang isusulat mong sariling storya. I'm sure mas mahahasa pa yan pag tuloy tuloy pa.😃Challenger #7: Tangents
Content - 40%
Creativity - 25%
Cleanliness - 10%
Total - 75%FEEDBACK:
Una kong napansin yung title kasi kakaiba. Nung binasa ko na hinahanap ko kung nasaan yun o ano ba yun? Nagsearch ako, straight line ang meaning nun, so ako lang ba hindi nakahanap nun sa story o hindi nakaintindi? When it comes sa plot, damang dama. Alam mo yung nasasaktan ka? Ito yun e. Kaya nagustuhan ko din siya. Siguro after natin magpublish ng chapter check natin or edit (mas maganda) before ipublish yung chapter kasi may ilan akong nakikita na ganito '')'' laging may naiiwan na ganyan. Then yung space po. Yun lang. Maayos at maganda naman yung story.Challenger #8: This Time
Content - 45%
Creativity - 25%
Cleanliness - 15%
Total - 85%FEEDBACK:
Dama na naman yung story lalo sa huli. Nagustuhan ko talaga yung ending. Ayus naman yung plot niya maganda naman. Siguro may part lang na nawawala yung ganito " " kapag may line/script na yung character, dun lang ako maguluhan kung thinking lang ba yun nung character or hindi lang napansin nang author na lagyan? Or na over space lang? Yun lang naman. Pero maganda to nafeel ko sya.Challenger #9: Exchange Gift
Content - 45%
Creativity - 30%
Cleanliness - 20%
Total - 95%FEEDBACK:
Siguro apat na beses kong binasa yung last part nito. Yung pinakahuli kasi dun ako naguluhan. Ang ganda dun sa umpisa pero dun sa ending naguluhan ba ko o or ganun talaga ang ending nun? Seriously parang yung tatay niya nabuntis siya? Mali ba yung pagkakaintindi ko? Anyway, malinis yung pagkakagawa sa story, para siyang may part na makata kay maiintindihan yung bawat eksena. Pero sa flow lang sa bandang huli lang ako naguluhan or sinadya na ganun ang ending nung story?
BINABASA MO ANG
The GLIMPSE Contest Hub
RandomHighest rank #40 in random (7-8-17) Rank #63 iin Random (7-3-17) All forms of contest will be held here. Be up for the challenge and enjoy!