One Shot Challenger #4

117 6 2
                                    

To be honest, kahit taken ako eh wala akong maconsider na unforgettable Valentine's Day experience ng buhay ko hahahaha Sad.

--

Title: The Legend of Cupid's Arrow

Maaliwalas ang panahon ngayon dito sa Olympus. Ang paraiso na tahanan ng mga diyos at diyosa. Mukhang maganda ang gising ni Zeus, ang kataas-taasang diyos ng Olympus. Noong isang araw kasi ay aburido ito kaya naman panay ang kulog at kidlat. Hindi ko tuloy mapanood ng maayos ang nangyayari sa mundo ng mga tao.

Nandito ako ngayon sa harap ng batis ng Mundo ng mga Mortal. Ito ang tanglaw namin sa mga kaganapan sa mundo ng mga tao.

May isang babaeng mortal kasi ang nakakuha ng atensyon ko. Napakaganda niya at nahahalina akong tunghayan ang ginagawa niya araw-araw.

"Cupid!" Sigaw ng pamilyar na boses saakin.

Iritado akong lumingon sa lapastangang nilalang na gumambala sa panonood ko sa babaeng mortal, "Sssssh! Tumahimik ka nga, Jerusa!" Asik ko sa pangahas na diyosa.

Ngumiti si Jerusa nang pilya, "Abala ka na naman sa kakanood sa babaeng mortal."

Marahas akong napalinga-linga sa paligid, takot na baka may nakarinig sa sinabi ni Jerusa.

Nang masiguro kong walang ibang naroon kundi kami ay bumunot ako ng damo at sinaboy kay Jerusa. "Kahit kailan talaga ay napakadaldal mo!" Asik ko sa pilyang diyosa, "Paano na lamang kung may nakarinig at makaabot sa aking ina itong ginagawa ko?"

Tumawa lang si Jerusa at walang kagatol-gatol na umupo sa tabi ko. "Kalma lang, Cupid." Tinapik tapik pa talaga nito ang balikat ko, "Alam mo naman na hindi kita ipapahamak 'diba? Sanggang dikit tayo eh."

Napanuntong-hininga nalang ako. "Huwag ka na kasing sisigaw ng tungkol dito basta basta. Alam mo naman na mahigpit na pinagbabawal ang magkaroon ng kahit kaunting pagtingin sa isang mortal ang mga gaya natin.

"Oo nga. Ang KJ talaga niyang si Zeus." Ngumungusong tugon ni Jerusa.

"KJ?" Tanong ko kay Jerusa dahil hindi ko maintindihan ang salitang sinambit niya.

Ngumiti siya saakin, "Killjoy." Sabi ni Jerusa sabay hampas sa braso ko, "Natutunan ko sa mundo ng mga mortal."

"Natutunan? Wag mo sabihing---" hindi ko natapos ang nais kong sabihin dahil agad tinakpan ni Jerusa ang bibig ko.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong. "Tama. Nakarating na ako sa mundo ng mga mortal." Malaki ang pilyang ngiti na nasa labi ni Jerusa.

Nanlaki ang mga mata ko. Iwinaksi ko ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko. "Mahigpit na ipinagbabawal iyon, Jerusa." Pabulong pero mariin kong angil sa kanya.

"Hindi naman nila nalaman." Rason pa nito, "At lubhang nakamamangha talaga doon, Cupid. Malaki na nga ang iniunlad ng kaalaman ng mga mortal. Marami silang interesanteng imbensyon." Ang kislap ng mga mata ni Jerusa ay kislap ng kasiyahan. Mahilig pa naman ito sa mga paglalakbay at bagong mga karanasan.

Hinigit ko si Jerusa at masinsinang kinausap. "Huwag ka nang babalik doon, Jerusa. Baka mapahamak ka kapag nalaman ng hari."

"Hindi naman niya malalaman dahil may ibang lagusan akong natuklasan patungo sa mundo ng mga tao." Mapagmalaking katwiran saakin ni Jerusa.

Napakunot ang noo ko, "Lagusan maliban sa daanan malapit sa tahanan ni Zeus?"

"Oo. Sa darating na paglamon ng ahas sa buwan ay babalik ako para muling mamasyal sa mundo ng mga tao. Kung gusto mong sumama ay hihintayin kita bago maganap ang eklipse nang hating gabi doon sa gubat malapit sa tahanan ni Hades." Bulong ni Jerusa saakin at manaka-nakang tinitignan ang paligid kung may ibang diyos o mga nilalang ng olympus.

The GLIMPSE Contest HubTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon