Author:
Title: Take Two
~ This story is an inspiration to our young people our there that no matter what disposition you gave in life, as long as you know that you are doing the right thing, chances will always be bountiful. Everyone deserves a second chance. As long as we breathe, mingle and create our life in this world, we always have our chances.
Do you believe in Serendipity?
Iyong tipong sa hindi mo inaasahan pagkakataon ay magtatagpo kayo ng isang taong matagal mo nang gustong makita?
Opportunity rains when you got the unexpected happenstance with the person you want to be.
Will your heart continue the feeling that was abrupted too many years ago when you saw her?
Or he will just return the stolen heart that was taken from you?
Mabilis na pinatakbo ni Ailester ang minamanehong sasakyan. Papunta siya sa event ng Montesa Hotel, ang hotel ng kanyang ama. Inimbita siya roon kaya naisipan niyang dumaan. Tila parang si Flash kung magpatakbo itong Ailester. Ayaw kasi niyang ma-late at baka malilintikan na naman siya sa Papa niya.
Napadaan ang tingin ni Ailester sa harapang salamin ng sasakyan. He saw his reflection from that mirror. Napabuntong-hininga nalang siya at umiwas ng tingin mula roon. Hindi niya maintindihan kung bakit pa siya dadalaw doon. Hindi niya naman ugali ang um-attend sa mga ganitong mga social gatherings. Mas ninanais pa niyang magdamagang uminom sa bar than wearing a plastic personality on that crown. It was not his game after all.
But this time, he needs to attend. Nabanggit kasi ng ama niya na doon sa event na yun niya babanggitin kung mapapasakanya ba ang Montesa Hotel. He is interested on it kaya siya dadalo.
The road was smooth until he reached EDSA. Bumper to bumper na ang nangyayari. Ailester shook his head.
Pucha! How can I get there that fast if this traffic wont move.
Napayuko nalang ang binata sa manebelang kanina pa hawak at nag-isip-isip siya. Hanggang sa inangat niya ang ulo niya nang tumunog ang cellphone nito. Agad niyang binasa ang text na mula kay Sheree-his fling. She is monitoring at Ailester. Agad naman niyang binitawan ang cellphone at muling nakatingin sa labas.
Kung kailan ako nagmamadali, saka pa naglululuko ang EDSA. Kakainis." Malakas niyang hinampas ang manebela at para itong foam na inilundag ang kamay niya ng konti.
Wala choice na nakikita si Ailester kundi ang maghintay. Maghintay? He hates that word. Iyong ipinahihintay ka sa wala? Iyong gagawin kang gago? Graduate na siya diyan. Matagal na si Ailester na nakikipaghabulan ni hintay. Kaya ngayon, ang mga babae na ang pinahihintay niya.
May naalala si Ailester, ang taong pilit niyang inilibing sa kanyang isipan. Ang taong ayaw niyang maalala. Ang babaeng iyon ay si Jastine. The one who kill his heart.
Pressured noon si Ailester at si Jastine sa kanilang mga magulang. Ang mga magulang ni Jastine ay gusto ipakasal siya sa isang matandang negosyante para mabayaran ang mga utang nila samantalang itong si Ailester naman ay pilit na ipapahawak sa kanya ang mga negosyo na hindi naman niya gusto. Hanggang isang araw, naisipan ng dalawa na magtanan.
"Ailester mahal, hintayin mo ako sa plaza, sa may malaking mangga. Sa lugar kung saan tayo nagkikita. Please Magdala ka ng Flash Light!" Utos ni Jastine habang kausap niya ang binata sa telepono.
"Okay! Pero Jastine mahal, Aanuhin ba natin ang flash light?" Buong pagtataka ni Ailester.
"Al, natatakot ako sa madilim. Hindi ako nakakatulog kapag walang ilaw."
BINABASA MO ANG
The GLIMPSE Contest Hub
De TodoHighest rank #40 in random (7-8-17) Rank #63 iin Random (7-3-17) All forms of contest will be held here. Be up for the challenge and enjoy!