NAPANGIWI si Irene nang mapatingin sa kanyang relo. Pasado alas-dos na at nasa Makati pa rin siya. May kliyente siya na katatagpuin pa niya sa Quezon City ng alas-tres at kakatapos lang niya sa kanyang appointment sa teacher ni Nicollo—ang anim na taong gulang na anak. Ngayon kasi ang bigayan ng first monthly grading grade card nito at required ang mga magulang na pumunta para kunin ang card.
Maayos naman ang grades ng anak niya. Inaasahan na niya iyon. Kahit working mom ay hindi pa rin niya pinababayaan si Nicollo. Hindi maaaring sa isang araw ay hindi niya tuturuan ang anak. Hindi puwedeng hindi niya ito bibigyan ng oras. Mukha namang paboritong oras ng anak niya ang pag-aaral. Napakasipag at inquisitive na sa edad nito. No wonder na ito ang nangunguna sa klase. Napatagal tuloy ang pag-uusap nila ng teacher ni Nicollo dahil napakuwento ito nang matagal tungkol sa magandang performance ng anak niya. Dahil naaliw sa kuwento ay hindi na niya napansin pa ang oras.
"Anak, Mom still has appointment to go, huh? Iiwan na lang kita sa yaya mo..." sabi niya at hinalikan ang anak sa noo.
"What? Mom! Hindi po ba tayo magse-celebrate?" Malungkot ang mukha ni Nicollo.
"I'm not sure kung makakauwi ako nang maaga today, anak. Pero kung makakauwi ako ay—"
Sumimangot si Nicollo. "But I want to be with you, Mommy... Hindi mo po ba ako puwedeng isama sa work mo? Wala naman po akong assignments at exam bukas."
Ginulo niya ang buhok ng anak. "Baka hindi makapag-concentrate si Mommy habang nagwo-work. Kasi madi-distract siya kapag nasa paligid ang pinaka-cute na bata sa buong mundo." Kinurot niya pa ang pisngi nito.
Lalo itong napasimangot. "Si Mommy talaga! Isama mo na po ako, please? I promise I'll behave. Good boy naman po ako, 'di ba?"
Ngumiti si Irene. Bukod sa matalino ang anak ay mabait na bata rin ito. Ilang beses na niyang naisama si Nicollo sa kanyang trabaho at tahimik lang ito. Isama pa na madalas na natutuwa rito ang mga kliyente niya. Ang gusto lang naman kasi ni Nicollo ay ang makasama at makita siya.
Itinuturing niyang isang rainbow ang anak pagkatapos ng bagyong dumating sa buhay niya. Si Nicollo ang natatanging pinakamahalaga sa buhay niya ngayon. Ito na rin lang ang taong itinuturing niyang pamilya. Mahal na mahal niya ang kanyang anak.
"Hindi ko pa ganoong kilala ang kliyente ko ngayon, anak. Paano kung ayaw pala niya na may kasa-kasamang bata habang nagwo-work ako?"
Isang interior designer si Irene. Sa ilang taon na pagtatrabaho ay marami na siyang naging kliyente. Karamihan sa mga ito ay nagugustuhan ang gawa niya kaya naman madalas ay nire-refer siya sa mga kakilala. Dahil doon ay marami siyang kliyente na naging dahilan kung bakit maalwan ang buhay nilang mag-ina. Kahit naman kasi may dumarating na monthly allowance na mas malaki pa nga sa buwan-buwan na kinikita, hindi niya ninais na galawin iyon. Wala siyang pakialam sa perang ibinibigay ni Nikos. Wala siyang pakialam sa sustento nito. Ang tanging gusto lang ay nasa tabi niya ito pero...
Pinutol ni Irene ang iniisip at nag-focus na lang sa kanyang anak. "Mananatili na lang po ako sa car mo if ever na ayaw ng client mo na makasama ka. I just want to be with you today, Mommy. Please, please?" Ipinagsalikop pa nito ang kamay sa harap niya.
Napangiti siya. Paano siya makakatanggi sa ganitong kaguwapo, ka-cute at ka-adorable na bata? Kahit halos walang namana sa kanya si Nicollo at pinaalala nito ang isang malaking pagkakamaling nagawa noon ay mahal na mahal niya ito. Ito ang buhay niya. "Okay. Pero you should keep your promise, okay?"
Tumango ang anak at humawak sa kamay niya. Kinausap naman niya ang yaya ni Nicollo na kasa-kasama rin nila sa bahay. Pinauwi na niya ito at sinabihang baka gabihin sila. Gusto niyang ilabas ang anak kung maagang matatapos sa trabaho. Pero hindi niya matantiya ang oras dahil bago ang kliyente. Hindi niya alam kung maarte ba ito o mabusisi. Ang tanging alam lang niya ay lalaki ang kausap at nais nito ng hybrid farmhouse coastal interior design style na bahay. Dati raw kasing ganoon ang tinitirhan ng kliyente at nais na dalhin ang nakalakihang environment sa bahay nito sa siyudad.
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)
RomanceName: Nikolas Lance Afinidad Professsion: Businessman, President of Haven Developments Whereabouts: Santorini, New York City and Manila Romantic Note: Agape Mou Citizenship: Greek