Gone

23.1K 460 12
                                    

NAPATIGIL si Nikos sa pagbabasa nang mapansin ang oras sa laptop. Pasado alas-tres na. Dapat ay kanina pa nakauwi ang anak niya na ipinasundo sa kaibigang si Vincent. Natali kasi siya sa trabaho kahit nasa bahay lang siya. Nagkaproblema sa negosyo nila sa New York kung saan siya ang head at kailangang asikasuhin iyon kahit by online man lang. Kahit gabi na sa mga ito ay sinisikap niyang ayusin ang mga iyon para bukas ng umaga ay wala nang poproblemahin. Nang tawagan naman niya ang kaibigang si Vincent ay pumayag naman ito dahil hindi naman gaanong abala.

Bilyonaryo siya, kaya naman kailangan niyang ingatan ang anak. Ayaw niyang ipagkatiwala ito sa mga basta-bastang tao lang kaya kinausap niya si Vincent. May security team na rin naman siyang itinalaga sa anak pati na rin kay Irene. Pero hindi pa rin siya komportableng ipagkatiwala si Nicollo sa ibang tao dahil napakabata nito. Akmang kukunin na niya ang cell phone para tawagan si Vincent nang bumukas ang pinto ng study room. Iniluwa niyon si Nicollo.

"Daddy, I'm home!" sigaw nito at niyakap siya. Itinigil niya ang ginagawa para kumustahin ito.

"Okay naman po, Daddy. Medyo naninibago lang po ako..." Pinaglipat-lipat ni Nicollo ang tingin sa mga lalaking kasunod nito.

Kahit si Nikos ay nanibago nang makitang hindi lang si Vincent ang kasunod ng anak. Nandoon din ang kaibigan niyang sina Cedric at Jet. Sa pagkakaalam niya ay nasa Italy pa rin si Cedric dahil may project itong ginagawa na hindi sinasabi sa kanila. At nang dahil doon ay matagal-tagal daw sigurong hindi makikipagkita sa kanila base sa huli nilang pag-uusap. Si Jet naman ay wala ring pasabi na nasa Pilipinas pala.

"Nanibago sa akin ang iyong hijo, Nikos," tatawa-tawa si Jet.

"Paano ay kanina mo pa hinihiritan ng paggamit mo ng Spanish language. Malakas talaga ang tama ng kaibigan nating ito," wika naman ni Vincent.

"Totoo ba 'yon, Nicollo?" tanong ni Nikos.

Tumango ang bata. "At pinipilit din po nila akong magsalita ng Greek dahil bihasa raw po kayo doon ni Mommy."

"Dio! Hindi ako kasali diyan. Ako ang pinakatahimik sa ating tatlo," defensive na wika naman ni Cedric.

"May sinasabi ba na kasama ka sa 'kami'? Puwedeng kami lang dalawa ni Jet ang tinutukoy niya. Wrong use of words lang si Nicollo, Nikos. Nai-intimidate lang siya sa kaguwapuhan ko kaya sinabi niya iyon. Si Jet lang talaga ang nang-aasar sa kanya," saad naman ni Vincent.

Umiling-iling na lang si Nikos. "Okay, okay. Pero bakit nandito kayong dalawa? Ang akala ko ay—"

"Bakit, may batas na ba na bawal kami sa Pilipinas ngayon?" ngisi-ngising wika ni Jet.

Maloko rin si Jet kagaya ni Vincent. Napansin ni Nikos na parang may nagbago kay Jet. Madalas ay clean cut lang ang gupit ng buhok nito dahil guwapo raw itong tingnan kapag ganoon. Maayos pa rin naman ang buhok ni Jet, kaya lang ay napuna niya ang tila may pinahabang ibang buhok na nasa likod niyon.

"May binibisita ako dito ngayon," sa sinabi ay napatingin ito sa relo. "Teka pare, gaano ba kalayo ang Siena College dito sa bahay n'yo?"

Kumunot ang noo ni Nikos. "Ano'ng gagawin mo sa Siena College?"

"May bibisitahin lang ako. Four pa naman ang labas niya kaya hindi naman siguro ako male-late."

"Sa Quezon City pa 'yon. Malamang late ka na kahit umalis ka pa ngayon,"

Nanlaki ang mga mata ni Jet. "What?" he glared at Vincent. "Damn you! Sabi mo, malapit lang!"

Tumawa lang si Vincent. Mukhang pinaglaruan nito si Jet. Pero bago pa man sila makaimik ay lumarga na ng alis si Jet. Mukhang may importante itong pupuntahan. Naiwan silang apat sa study room.

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon