"I NOTICE you seemed a little sad, kouklista mou. Is there any problem? Don't you like the party that we prepare for you?" nag-aalala ang tono ng ama ni Irene nang lapitan siya nito.
Malapit nang matapos ang kanyang eighteenth birthday party. Isang success ang okasyon at isa iyon sa pinakamagandang party na nakita ni Irene. Kahit ang mga kaibigang inimbita ay ganoon din ang sinabi. Hindi na naman iyon kataka-taka. She knew she deserved it. Siya lang naman ang nag-iisang anak ng isa sa mga pinakamagaling na shipping magnate sa buong Greece. At mahal na mahal siya ng mga magulang.
Madalas ay pinapaboran ng mga lalaking Greek ang anak na lalaki. Pero iba ang ama ni Irene. Sa halip na paboran palagi ng kanyang ama si Nikos ay siya ang mas minahal nito. Kahit na hindi siya kumuha ng kurso na makakatulong sa business nila ay tinanggap iyon ng papa niya. Mas mahalaga para dito ang kasiyahan niya. Mahal na mahal siya ng mga magulang dahil siya ang nag-iisang anak. Ang anak na akalang hindi na bibiyayaan ang mga ito.
"It's grand, Papa. I'm happy."
"But you are not smiling. You seem annoyed. Is there any problem?"
Umiling si Irene, pinilit na ngumiti. "I'm just tired. Maybe I'll come to bed in a little bit," sagot na lang niya.
"Are you sure?" paniniguro pa nito.
Tumango siya. Ayaw niyang pag-alalahin pa ang ama.
"That's good then. Go to bed now if you are really tired. Don't worry about your visitors. We'll going to explain to them. All I want is the best for you, my precious. Matakia mou. My doll. Kouklista mou." Hinalikan pa siya nito sa noo. Pagkatapos niyon ay iniwan na siya ng ama.
Sa kabila ng paglalambing ng ama ay hindi pa rin gumaan ang loob ni Irene. It was maybe the grandest party in Santorini, but she felt the worst. At dahil iyon kay Nikos. Kahit na binilhan siya nito ng mamahaling kuwintas na suot-suot ngayon at ito pa ang naging last dance sa eighteen dances, hindi pa rin iyon sapat. Hindi iyon mananatiling sapat hanggang sa nakikita niya itong masaya sa party kasama si Cora. Dapat siya ang nasa puwesto ni Cora. Dapat siya ang sinasamahan ni Nikos.
Hinawakan niya ang diamond-cut necklace na regalo ni Nikos. Bihira siyang regaluhan ng kapatid kaya malaking bagay para sa kanya ang ibinigay nito. Kaya sa halip na isuot ang mamahaling ruby necklace ng kanyang mama ay mas ginusto niyang isuot ang bigay ni Nikos para na rin ipakita na pinapahalagahan niya ito.
Pero si Nikos naman ay hindi siya pinahahalagahan. Sa isang babae lang nito itinuon ang pansin. Kay Cora lang. Sinusulyapan siya ni Nikos, pero hindi ganoon kadalas kagaya ng pagsulyap nito kay Cora at sa iniinom. Sinabihan siya ng kapatid kanina na napakaganda niya ngayon. Pero tila balewala lang iyon dahil may kasama itong iba.
Inis na inis si Irene kay Cora. Ang babae ang nakapagpasira ng dapat sana ay isa sa pinakamagandang okasyon sa buhay niya.
Wala na ang magnobyo sa hall pero nararamdaman pa rin niya ang inis. Naiisip kasi niya ang maaaring ginagawa ng mga ito ngayon. Napapatiim-bagang siya kapag may sumasagi sa isip. Nang hindi na iyon matiis ay umalis na siya sa sariling party.
Pupunta na sana si Irene sa kuwarto niya nang makita sina Cora at Nikos papunta sa kuwarto ng huli. Lalo siyang nagngitngit sa galit. Lasing na si Nikos dahil marami itong nainom sa alcohol drinks na sine-serve sa party. Inaalayayan naman ito ni Cora papunta sa kuwarto. Mukhang hirap na hirap pa ang dalaga. Napagdesisyunan niyang lapitan ang mga ito.
"Oh God! Thank you at dumating ka, Irene. Can you help me bring Nikos to his room? Lasing na lasing na siya. Hindi na niya magawang makapaglakad."
Tumango siya. Inalalayan nila si Nikos para makapasok sa kuwarto nito. Inihiga nila ang lalaki sa kama. Pagkatapos niyon ay pumasok si Cora papunta sa loob ng banyo ng kuwarto. Pagkalabas ay may dala itong palanggana na may tubig at bimpo. Akmang pupunasan nito ang nobyo nang punahin niya.
"Puwede ka nang umalis. Ako na ang gagawa niyan."
"Ha? Naku, ako na. Kaya ko na ito. Hindi pa tapos ang party kaya mas mabuting iyon muna ang asikasuhin mo. Ako na ang bahala kay Nikos."
Mariing umiling si Irene. "I can leave my party whenever I want."
"But—"
"I said leave! Ako na ang bahala sa kapatid ko!" galit na sabi niya kay Cora.
Walang ginagawang masama si Cora sa kanya. Pero dahil mahal ito ni Nikos ay naiinis siya sa babae. Naiinis din siya dahil tila kay bait-bait nito. Wala siyang mapupunang masama at walang makitang dahilan para hiwalayan ito ni Nikos.
Dahil yata sa takot sa kanya ay lumabas nga si Cora ng kuwarto. Siya ang gumawa ng dapat ay gagawin ni Cora. Pinunasan niya si Nikos.
Habang pinupunasan si Nikos ay hindi maiwasang makaramdam ni Irene ng kakaibang kiliti sa puso niya. Lalo na at sa magagandang bahagi ng katawan ni Nikos niya pinaglalandas ang bimpo. Aircon naman ang kuwarto pero tila naiinitan siya. Napapalunok din siya kapag naririnig na umuungol ito sa ginagawa niya. Hindi pa ito ganoong unconscious. Nanlalabo lang siguro ang senses nito dahil sa kalasingan.
"Hmmm... Cora..." narinig pa niyang wika ni Nikos. At sa gulat niya ay hinawakan nito ang leeg niya. Hinila nito ang kanyang ulo palapit sa mukha nito at mariing hinalikan siya.
Lalong lumakas ang pintig ng puso ni Irene. Isama pa na nakakapangilabot ang sensasyong nadarama niya sa ginawa ni Nikos.
Mapusok at mabagsik ang halik. Hindi pa siya kailanman nahahalikan sa mga labi kaya nagulat siya nang husto sa ginawa nito. Pero mas nagulat pa siya sa naramdaman nang gumapang pa ang halik ni Nikos sa kanyang leeg. Naging mapaghanap ang lalaki, gutom. Siya naman ay tila nagiging alipin nito dahil sa sensasyong pumapasok sa kanyang loob sa bawat hawak at halik nito...
Sa mga ginagawa ni Nikos ngayon, lalo lang nagkaroon ng dahilan si Irene para hindi ito pakawalan. Para hindi ito hayaang mapunta sa iba. Sa pagitan ng paghawak nito ay nakaisip siya ng isang paraan na alam niyang kahit puwedeng ikabagsak ay gusto niyang gawin.
All for her love for Nikos.
Hindi man siya ang tinawag ng lalaki ay hindi na iyon mahalaga. Ang mahalaga sa ngayon ay ang maaari niyang mabago kapag ginawa ang nasa isip.
Ano nga ang isa sa mga sikat na kasabihan sa Filipino na madalas na binabanggit sa kanya ni Brianna kapag gusto nitong maging mapangahas?
Naalala na niya. Kung hindi madaan sa santong dasalan, daanin sa santong paspasan.
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)
RomanceName: Nikolas Lance Afinidad Professsion: Businessman, President of Haven Developments Whereabouts: Santorini, New York City and Manila Romantic Note: Agape Mou Citizenship: Greek