SABADO ng hapon. Dahil hindi pa tapos ang problema sa isa sa mga kompanya nila sa Pilipinas na inaasikaso niya ay hindi tuloy magkaroon ng libreng buong isang araw si Nikos para i-spend sa anak niya. Ganoon pa man, sinisigurado niya na nagkakaroon siya ng oras para rito at hindi niya napapabayaan ito. Hindi man niya nasundo ang mag-ina niya ngayong araw, he had kept supervision. Ipinasundo niya ang mga ito sa tauhan niya para makalipat sa bahay niya sa Dasmariñas Village. Oras-oras ay palagi niyang tinatawagan ang mga tauhan sa lagay ng mga ito. Wala naman daw reklamong sumama ang mag-ina sa mga ito at ngayon ay nasa bahay na niya.
Sandaling pinagmasdan niya ang anak at si Irene na natagpuan niya sa may pool area nang makarating siya. Naka-swimming trunks ang anak niya at napansin niyang naka-swim suit rin si Irene kaya lang ay napapatungan iyon ng puti na sarong. Nang kausapin niya ang anak kanina ay ipinahiwatig nito sa kanya na gusto nitong mag-swimming sa swimming pool ng bahay niya. Nang dahil roon ay pinangakuan niya ito na magsi-swimming sila pagdating niya. Pero wala siyang ipinangako kay Irene kaya ipinagtataka niya kung bakit pati ito ay naka-swimming attire rin.
Ganoon pa man, hindi ito nabigo na makuha ang atensyon niya. Mukha itong Diyosa sa suot nito. Her curvy body and shapely legs are like a feast in his eyes. Hindi maitago ng katawan niya ang pagnanasa rito. Napakapino rin ng mga galaw nito habang inaasikaso ang anak nila. Kung hindi lang niya alam ay mapapagkamalan niya pa rin na dalaga ito. And his body is having an ache to have her... to ravish her on that place. Pero pinigilan niya ang sarili niya. Tama ba na magkagusto siya sa babaeng kinagagalitan niya kahit na ba pampisikal lang iyon?
Nasa ganoon siyang katayuan nang makita siya ng anak. Tinawag siya nito. "Daddy, over here!"
Napangiti siya nang marinig ang tuwa sa tinig ng anak niya. Bihira lang siyang ngumiti dahil bihira lang naman siyang nakakaramdam ng saya. But Nicollo is like a ray of sunshine into his life. Nakikita niya lamang ito na masaya ay nagiging masaya rin siya. Kaya hindi siya papayag na may kahit ano man na may manakit rito. Hindi siya papayag na magulo ang buhay nito dahil lamang sa hindi magandang relasyon nila ng ina nito. Kung kinakailangan niyang makisama kay Irene para lang maging masaya ito, then be it. Isama pa na may hindi rin siya maipaliwanag na damdamin kapag nakikita niya si Irene. Despite of the hatred, it seems like his heart is racing. Gusto niyang malaman ang sagot kung bakit nagkagaganoon siya. But it seems unexplainable. Dahil ayaw niyang maniwala sa sagot sa paliwanag. Hindi siya makakapayag. Iniisip na lang niya na kaya siya nagkakaganito kay Irene ay dahil physically attracted siya rito. Maganda si Irene kaya hindi maiiwasan iyon. Ganoon lang naman dapat talaga ang iniisip niya.
Lumapit siya sa mag-ina niya, partiklular ay kay Nicollo. Hinalikan niya ito sa pisngi.
"Ang sweet naman ni Daddy. How about Mom? She deserves a kiss from you, too," react ng anak niya sa ginawa niya. Namilog ang mata ni Nikos sa sinabi ng anak. Paano nasasabi ng anak niya ang mga ganoong bagay? Tinuturuan ba ito ni Irene ng mga paraan para magkalapit silang dalawa? Alam niya na matalino ito sa mga ikinikilos nito pero napakabata pa nito para malaman ang mga ganoong bagay.
"Ganoon po kasi ang nakikita kong ginagawa ng mga Daddy ng classmates ko sa Mommy nila," paliwanag naman ni Nicollo bago pa siya makapagsalita.
Napailing-iling na lang siya at tumayo mula sa pagkakaluhod para halikan ang anak. Lumapit siya kay Irene at sinubukang gawin ang hiling ng anak niya. Hinalikan niya ito sa pisngi.
May naramdaman na naman na kakaiba si Nikos sa puso niya nang mahalikan ito. Hindi siya sanay sa mga ganoon dahil wala siyang naging nobya sa mga nakalipas na taon. Napakadali lang sa kanya na mangaliwa sa kasal niya kay Irene dahil hindi naman sila nagkikita pero sa tuwing tatangkain niya ay tila may pumipigil sa kanya. Parang may mali. Nagkakaroon siya ng mga babaeng pampalipas oras pero kailanman ay hindi siya nakaramdam ng ganoong pakiramdam. Kahit kay Cora na siyang unang minahal niya ay hindi ganoon katindi ang nararamdaman niya.
Tanging kay Irene lang.
Nagbalik sa isip ni Nikos ang nangyari sa pagitan nila ni Irene kagabi. Alam ng panginoon kung gaano kahirap na pagpipigil ang ginawa niya para itigil ang ginagawa rito at pagmukhain na balewala lang sa kanya ang mga iyon. Hindi niya maitatanggi ang chemistry ng katawan nila. He wanted her.
Nakita niyang nag-init ang mga pisngi ni Irene dahil sa ginawa niya. He looked desirable more than ever. Kahit parang panaginip lang sa kanya at tila hindi totoo ang nangyari noon ay gusto niyang ulitin. It was his beautiful dream anyway.
"I love you both, Mommy and Daddy. Sana nga po ay magtuloy-tuloy na ang happy family natin," ang boses na iyon ni Nicollo ang nakapagpatigil sa mga pumapasok sa isipan niya.
Sandaling natigilan si Nicollo nang yakapin sila ng bata sa paanan. Hindi dapat si Irene ang iniisip niya. Si Nicollo lang naman ang dahilan kung bakit siya nakipaglapit rito. Hindi dapat maapektuhan noon ang kahit ano. Si Nicollo lang ang mahalaga.
Damn these aching feelings whenever Irene was around. Hindi niya dapat ine-entertain iyon. Hindi pa siya nakakawala sa mga kasalanan na ginawa nito sa kanya. Marami na siyang naging kaaway at naging kagalit pero kailanman ay walang nakapagpatumba sa kanya. Tanging si Irene lang ang nakapagpasuko sa kanya. Hindi na niya hahayaan pang magtagumpay muli ito.
Even if she would be his sweetest downfall.
But he could always change his mind...
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)
RomanceName: Nikolas Lance Afinidad Professsion: Businessman, President of Haven Developments Whereabouts: Santorini, New York City and Manila Romantic Note: Agape Mou Citizenship: Greek