"WHAT would you like for breakfast, baby?"
Sa loob ng mahigit isang linggo ay pinipilit ni Irene na pasiglahin ang tinig tuwing tinatanong iyon sa anak. Pero ngayon ay doble ang effort niya dahil pagkatapos ng isang linggong pamamalagi ni Nikos sa New York dahil sa importanteng business matters "daw", kagabi ay nakabalik na ito.
Kinabukasan pagkatapos ng pag-aaway sa kanya ni Cora ay lumipad si Nikos sa dahilang iyon. Ang akala niya ay hindi ito apektado sa nangyari, pero hindi rin pala. For all she know, idinahilan lang nito ang negosyo para makalayo sa kanya. Malamang ay nasasaktan pa rin ang asawa. Dahil sa isang linggo na pagkawala ay halos hindi siya nito kinakausap. Ang madalas na kinakausap lang ay si Nicollo kapag tumatawag ito. Kinukumusta naman siya ni Nikos pero pakiramdam niya ay nagiging distant ito. Hindi kagaya ng dati.
O nanibago lang ba siya dahil hindi nagkakalapit ang mga katawan nila ni Nikos kapag kausap ito, kung saan madalas na ipinaparamdam nito sa kanya na mahalaga siya rito? Pero kahit kagabi pagdating nito ay hindi man lang siya sinalubong ng asawa ng mainit na halik na palaging ginagawa nito. Hindi rin sila nagtalik kagabi kagaya ng madalas na ginagawa kapag silang dalawa lang.
It seems like there was a problem.
"Hot dogs and eggs po sa akin, Mommy," sagot ni Nicollo.
Tumingin siya kay Nikos na kasunod ng anak sa kusina. Tinanong niya ito, umaasang kagaya ng dati ang isasagot sa kanya. Na sa halip na sumagot ay lalapit ito at hahalikan siya—always requesting for his favorite food, mapa-umaga man o gabi: siya.
Pero kakaiba ngayon ang naging sagot ni Nikos. "Kagaya ng kay Nicollo ang akin."
Lalong nanlumo si Irene sa narinig. So there it is! Nag-iba na talaga si Nikos sa kanya. Gusto niyang maiyak sa sakit na nararamdaman pero pinigilan. Hindi siya iiyak. Hindi sa ngayon. Hindi sa harap ng anak niya.
Sa halip na pansinin iyon ay nagdesisyon si Irene na ituon na lang ang pansin sa pagluluto. Pinainit niya ang nilagyang mantika na kawali. Habang hinihintay iyong uminit ay lumapit sa kanya si Nicollo.
"Mommy, nadala n'yo po ba sa paglipat natin 'yung tumbler ko na Spiderman? Gusto ko po sana gamitin sa school."
Tumango siya at itinuro ang cabinet sa itaas ng kitchen counter. Akmang kukunin na niya iyon nang ang anak ang magprisinta na kukuha.
Hinayaan niya si Nicollo. Kumuha ito ng upuan para tuntungan sa pag-akyat. Habang kinukuha nito ang tumbler ay kinuha niya ang itlog. Pinukpok niya iyon sa counter pero bago pa mailagay ang laman ng itlog sa kawali ay sumigaw si Nicollo. Nahulog niya ang binasag na itlog sa sahig sa gulat at tinangkang daluhan ang anak.
"Nicollo—!"
Akmang hahawakan niya ang anak mula sa pagkakawala ng balanse nang madulas siya sa nabasag na itlog na nagkalat sa sahig.
Ang huling nasa isip ni Irene bago tuluyang bumagsak ay ang kanyang anak. Tinawag niya si Nikos upang makatulong. "N-Nikos! Help—!" Nagawa pa niyang sabihin bago nagdilim ang buong paligid.
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)
RomanceName: Nikolas Lance Afinidad Professsion: Businessman, President of Haven Developments Whereabouts: Santorini, New York City and Manila Romantic Note: Agape Mou Citizenship: Greek