The Dream

20.5K 408 0
                                    

NAPAKASARAP ng pakiramdam ni Nikos. Sa buong buhay niya ay noon lang siya nakaramdam ng ganoong pakiramdam. Nanaginip kasi siya ng maganda. Hinahalikan raw niya si Cora. Ang malambing at mahinhin na nobya niya. Nakakuha siya ng halik rito pero kailanman ay hindi naging malalim iyon kaggaya ng pinagsaluhan nila sa paghalik niya. At may bonus pa raw iyon. Nagniig daw sila.

Kailanman ay hindi naging mapangahas si Cora. She always has been the sweet, shy and reserved lady. Ngayon lang ito lumambot sa kanya ng ganoon. Panaginip lang iyon pero pakiramdam ni Nikos ay totoong nangyari iyon kaya masaya siya. Ginawa ba nito iyon dahil naramdaman nito na may matindi siyang pagnanasa? Hindi man dito pero sa iba. But he wanted to be laid anyway at ayos na iyon sa kanya. Magaling at masarap naman daw ang nangyari sa kanila. Tila kontentong-kontento pa siya. Hindi man niya ganoong makita ang mukha nito, ganoon pa man, nasisigurado niyang si Cora iyon dahil ito lang naman ang nobya niya. Hindi pa naman siguro incest ang isip niya para isiping ang nakaniig niya sa panaginip ay ang taong binigyan siya ng sari-saring emosyon kagabi.

May ngiti sa labi na minulat ni Nikos ang mga mata. Kaya lang ay mabilis na napakunot noo siya nang mukha ngang tunay yata ang panaginip niya. May babaeng nakayakap sa kanya! Pero mas lalo siyang nagulat nang hindi iyon si Cora.

"Theos!" halos kasabay pa niya ang isang lalaking nakapasok sa kuwarto na magsalita noon nang mamukhaan niya kung sino ang katabi.

It was his almost sister, Irene. What the hell is she doing here? At bakit nakahubad ito? May nangyari ba sa kanila? Totoo ba ang inakala niyang panaginip?

Unti-unting dumaloy sa isip ni Nikos ang mga nangyari kagabi. Naalala niyang sobra nga pala siyang nalasing dahil napasarap siya sa mga inumin sa party nito. Hindi siya madalas umiinom ng alak pero dahil ginugulo ng magandang debutante ang isip niya, naisip niya na ang alcohol ang magpapaalis sa mga pumapasok na iyon. Paano kasi ay kahit hindi niya sulyapan si Irene ay tila paulit-ulit na nagpe-play sa utak niya ang magandang itsura nito... the brat had turned eighteen now. And she was so exquisitely beautiful that it hurts so much to looked at her.

Ganoon man ay hindi niya maiwasang paulit-ulit itong sulyapan dahilan para magulo ang isip niya kung bakit ganoon iyon. Tila mas malaki pa sa attraction ang nararamdaman niya rito. She was the most beautiful girl in the night but he knew it was wrong. May nobya na siya pero naakit pa rin siya rito. Bumilis ang tibok ng puso niya nang una pa lang niya itong nakita sa ayos nitong naka-gown para sa birthday nito. Kahit napapansin niyang hindi ito ganoon kasaya, hindi iyon dahilan upang hindi mawala ang kakaibang damdamin na nasa puso niya.

Mas intense pa iyon kapag nakikita niya si Cora kaya naguguluhan siya. Hindi ba dapat ay sa nobya lang siya makaramdam ng kakaibang damdamin? Pero ginulo nang malaki ng halos kapatid niya ang isipan. Napakaganda nito at hindi niya mapigilan ang damdamin na makaramdam ng kakaiba rito.

Ngunit sa ginawa niya ay mukhang mas magugulo pa yata ang buhay niya. Bakit nasa kama niya ito? Dinala niya ba ito roon? Hindi niya matandaan. Lasing siya. Naalala niyang dinadala siya ni Cora sa kuwarto niya. Hanggang doon na lang iyon. Pero bakit si Irene ang nasa kama niya?

"What have you done, Nikos?" dumagundong sa galit ang boses ni Loukas Sallis. Nang dahil roon ay unti-unting naggising si Irene. Bumangon ito sa kama at pinaglipat ang tingin sa kanilang dalawa. Dahil magkalapit ang katawan nila ay naramdaman niya na tila natakot ito.

"P-Papa..." gumaragalgal ang tinig ni Irene, kinakabahan.

Si Nikos naman ay namutla ang mukha nang mapagtanto ang nangyari. Nanlambot rin siya ng kasunod ni Loukas si Cora... Namumutla rin ang mukha nito sa gulat at mabilis na tumulo ang luha sa mga mata. Pero sa halip na ito ang bigyan niya ng atensyon ay mas nakaagaw ang sa sumunod na babaeng kasunod ni Cora.

Iris Sallis had a heart attack.

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon