"WHO TOLD you that you can bring someone to my birthday?" may-pagka-brat na kompronta ni Irene kay Nikos nang sa wakas ay ma-corner niya ito at masolo. Wala siyang pakialam kung ano man ang isipin ng lalaki sa pag-iinarte niya ngayon. Galit siya. Hindi siya makakapayag na magdala ng ibang babae si Nikos sa pamamahay nila. Worst, isinama pa nito iyon para sa birthday niya.
Kumunot ang noo ni Nikos. "Why the fuss, Irene? Wala ka namang sinabi sa akin noon na bawal akong magdala ng kahit sino para sa birthday mo. Hindi ba noon kapag nagdadala ako ng kaibigan kapag may okasyon sa bahay ay hindi ka naman nagagalit? Bakit ngayon ay ipinapakita mo na naman sa akin 'yang pagiging brat mo?"
Humalukipkip siya. "I don't like her! Pauwiin mo siya pabalik sa Harvard o sa Pilipinas. I don't care!"
Nagtiim ang mga bagang nito. "You are acting like a brat again."
Hindi pinansin ni Irene ang sinabi ni Nikos. Wala rin siyang pakialam kung akusahan siya nito nang ganoon. Sanay naman na siya. Isama pa na gusto niya talagang ipakita na ayaw niya sa girlfriend nito. Kailanman ay hindi nagdala si Nikos ng girlfriend sa pamamahay nila. Wala rin siyang alam na naging girlfriend nito. Ngayon lang ito nagpakilala ng isa sa pamilya. At hindi niya iyon gusto dahil ibig sabihin lang niyon ay mawawalan siya ng pag-asa rito.
Nasasaktan din siya. Nang oras na ipakilala nito ang babae ay tila gumuho ang mundo niya. Nagkapira-piraso ang puso niya. Gusto niyang umiyak. Ganoon pa man, alam niyang walang magagawa ang pag-iyak. Ang kailangan ay gumawa siya ng paraan.
"Hiwalayan mo siya, Nikos. Ayaw ko sa kanya." At ako na lang ang mahalin mo, gusto pa sanang idagdag ni Irene. Pero alam niya na hindi pa iyon ang tamang pagkakataon. Magagalit ang mga magulang niya kapag nagkanobyo siya sa edad niyang iyon. Isama pa na pangako niya sa sarili na hindi muna magnonobyo habang hindi pa siya nakakatapos ng pag-aaral. May ilang taon pa siyang gugugulin bago maka-graduate. Hindi pa rin siya handa, lalo na at kahit ang loob ni Nikos ay hindi pa rin niya nakukuha ngayon. Paano siya nito mamahalin kung galit ito sa kanya? Hindi naman kasi niya magawang mag-"sorry" dahil hindi naman niya kasalanan na dumating siya sa mundo at sa mga magulang niya. Ayaw rin niyang imungkahi sa mga magulang ang nararamdaman niyang gustong mangyari ni Nikos. Ayaw niyang legal na maging kapatid ito dahil lalo na siyang nawalan ng pag-asa.
Naiinis na tiningnan siya ni Nikos. "Ano ba ang nangyayari sa 'yo, Irene? Mahal ko si Cora. Walang makakapagbago niyon. Utos mo man o utos ng magulang natin. Tanging ako o siya lang ang magdedesisyon para sa relasyon namin," saad nito, saka siya iniwan.
Nagpupuyos ang loob ni Irene. Hindi siya papayag na may makaagaw sa kanya kay Nikos. Sa kanya lang ito. Kahit hindi pa man nito alam ang tunay niyang damdamin.
Kailangan talaga niyang gumawa na ng paraan para mapasakanya ang lalaki. Kailangan na niyang gumawa ng paraan para mapalapit talaga rito. By hook or by crook.
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)
RomanceName: Nikolas Lance Afinidad Professsion: Businessman, President of Haven Developments Whereabouts: Santorini, New York City and Manila Romantic Note: Agape Mou Citizenship: Greek