Missed

22K 504 9
                                    

NAPAKUNOT-noo si Irene nang hindi sagutin ni Nikos ang tawag niya. Iyon ang unang pagtawag niya sa asawa ngayong araw. Alam niyang kasa-kasama nito si Nicollo kaya ito ang tinawagan. Gusto niyang makausap ang kanyang anak. Dahil masyado siyang naging abala sa convention ay hindi niya pa ito nakakausap. Kahit ngayong gabi ay abala rin siya, pero dahil miss na ang anak ay gusto itong kausapin.

Magaganap ngayong gabi ang isang party. Magsisimula na ang party pero naisip muna ni Irene na tawagan ang anak bago siya pumunta. Sigurado kasing kapag natapos ang party ay malamang na tulog na si Nicollo.

Ganoon pa man ay hindi tumigil si Irene sa pag-contact sa anak. Baka naman busy lang si Nikos kaya hindi nito nagagawang sagutin ang tawag. Naisip niyang tingnan ang kanyang Skype account, nagbabaka-sakaling online si Nicollo. Kapag out of town siya ay madalas na doon niya kinakausap ang anak. Tinuruan na niya ito na gumamit niyon para sa mga ganoong klase ng purposes. May sarili itong iPad kaya madali lang iyon. Alam din niya na madalas na online si Nicollo ng ganoong oras dahil protocol niya na kapag tapos na ito sa assignment ay puwede nang maglaro. Madalas naman ay maaga nitong tinatapos ang mga school work.

Mukha namang sinuwerte si Irene dahil online nga si Nicollo. Tinawagan niya ang anak at mabilis na sinagot naman nito iyon. He also opened his camera. Pero lalong napakunot-noo si Irene nang makitang hindi lang mukha ni Nicollo ang nakita. Hindi rin iyon si Nikos.

Sa halip na kumustahin ang anak ay iba ang kanyang nasabi. "Vincent, what are you doing there?"

Kilala niya si Vincent at ang iba pang kaibigan ni Nikos. Bukod sa nakikita niya ito sa mga business magazine kasama ng asawa ay minsan na rin nadala ni Nikos ang mga kaibigan sa bahay nila sa Greece para magbakasyon. The six of them shared a business that they named after the orphanage they had once belonged to: Ang Haven Group of Companies. Dahil pare-parehong may shares ang anim sa pinakamalaking kompanya sa buong mundo, binansagan ang mga ito bilang international billionaires. International dahil na rin sa iba't ibang bansa kung saan napunta ang anim.

"Annyeong Haseyo! Nandito ako sa bahay n'yo dahil ako ang nag-aalaga kay Nicollo. I hope you don't mind." Ngumiti si Vincent. Umabot yata ang ngiti sa nanatiling malaking mga mata nito kahit ilang taong nanirahan sa Korea. Mukhang masaya ang binata na alagaan ang kanyang anak. May tiwala naman siya kay Vincent dahil kahit kilala sa pagiging makulit at madaldal ay mabait naman ito. Noon nga ay madalas na ang binata ang kumakausap sa kanya kaysa sa lima pang kaibigan ni Nikos dahil sadya talaga itong madaldal.

"It's okay. Pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit ka nandiyan? S-si Nikos?"

"'Wag kang mag-alala. Maayos naman dito si Nicollo. Nag-e-enjoy nga siya sa akin, 'di ba?" Tiningnan pa nito si Nicollo. Pero medyo nagduda siya nang tumaas ang isang kilay ng kanyang anak. "Uy, mag-aalala ang mommy mo. Umoo ka naman."

Umismid si Nicollo. "Ang kulit niya po, Mommy. Pero okay lang naman po ako. Nami-miss ko lang po kayo ni Daddy. First night ko po na hindi kayo makakasama dalawa sa pagtulog."

"I missed you, too, baby. But I'll be back soon. Pero teka, nasaan nga ba talaga ang daddy mo? Bakit—" Naputol sa pagsasalita si Irene nang makarinig ng katok sa pinto.

"Wait lang, ha? Titingnan ko muna kung sino ang kumakatok," pagpapaalam niya sa anak. Sa isip-isip kasi niya ay maaaring si Rex iyon, ang isa sa mga nakilalang interior designer kanina sa convention at nagprisintang maging date niya ngayon sa party. Sasabihan lang muna niya ito na pagbigyan siya nang ilang minuto para makausap pa ang anak.

Pero nagulat si Irene nang hindi si Rex ang napagbuksan ng pinto ng hotel room niya. It was the man who she just asked to her son and Vincent.

"Nikos! Ano ang ginagawa mo rito?"

Sa halip na sagutin ng salita ay sinagot siya ni Nikos ng halik. He kissed her passionately. While kissing, he murmured something. "I-I've missed you."

Tumalon yata ang puso ni Irene sa narinig. Nagkaroon ng katuparan ang nahiling niya noon!

Nang matapos ang halik ay tiningnan siya ng asawa mula ulo hanggang paa. "Saan ka pupunta?"

"Oh, may party kami ngayong gabi. Pero bago iyon ay kinukumusta ko muna si Nicollo—"

Hindi na pinatapos ni Nikos ang sinasabi niya at dumeretso sa loob ng kuwarto. Kinuha nito ang iPad niya at nakipag-usap kina Vincent at Nicollo. Narinig pa niya ang masayang boses ng anak nang makita ang ama. Lumapit siya at sabay sila ni Nikos na nakipag-video chat sa anak. Tuwang-tuwa naman si Nicollo nang makita silang dalawa. Ganoon din si Vincent na mukhang nagustuhan na magkasama sila ngayong mag-asawa. Nang matapos ang video chat ay nagsalita si Nikos sa kanya.

"Iniwan ko muna si Nicollo kay Vincent. Nandoon din si Cedric kaya sigurado akong mataas ang security ng anak natin. And I do trust them. I hope it is okay with you."

Tumango si Irene. Paanong hindi magiging okay iyon sa kanya kung iyon ang magiging paraan para magkasama sila ngayon ng asawa? At nagbibigay rin ng pag-asa sa puso niya na hindi lang talaga sa responsibilidad kung bakit siya nito pinuntahan.

Hinalikan muli siya ni Nikos. Tumugon siya sa mga galaw nito. "You're so beautiful tonight. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na halikan ka..."

Nang maramdamang palalim nang palalim ang mga halik nito ay saka siya natilihan. Naalala niya ang tungkol sa party. Pinatigil niya si Nikos sa ginagawa. "N-Nikos, I'm going to attend a party."

"Is it really that important? More important than this, agape mou?" Nagpatuloy ang asawa sa paghalik.

Napaungol siya sa ginagawa ni Nikos pero hindi niya hinayaang magtagumpay ito. "Importante sa akin ang party. Hindi lang iyon party para sa aming mga interior designers. Marami rin guest roon na maaaring maging malaking client namin."

Napabuntong-hininga ito sa pagpipigil niya. "Fine."

Sandali pang natigilan si Irene nang basta na lang ito sumang-ayon. Hindi ganoon ang Nikos na kilala niya. Matigas ang ulo nito. Arogante. Palaging gusto na ito ang masusunod. Ngayon, sa sinabi niyang iyon ay basta na lang niya ito napapayag?

"But let me join you in the party." Tumayo si Nikos at inayos ang sarili.

Umiling si Irene, saka kinagat ang ibabang labi. "I'm sorry, Nikos. May date na kasi ako."

Nagdilim ang mukha nito. "You let another man have you as a date while you are married to me?"

"Don't get this wrong. Hindi ko naman alam na susundan mo ako rito kaya pumayag ako. But it is only a friendly date—"

"Kahit na!" Galit na galit si Nikos. Hindi na niya matandaan kung kailan ang huling beses na nakita nang ganoong ekspresyon ng tinging. Umiwas ito ng tingin. "I feel betrayed. Pumunta ako rito dahil sinabi mo na mami-miss mo ako kagabi. Ayaw kong maramdaman mo iyon kaya ginawa ko ito. 'Tapos ngayon ay ito ang aabutan ko?"

Tumaas ang isang kilay ni Irene. "Sinabi ko na sa 'yo na friendly date lang ito."

Muli nitong sinalubong ang tingin niya. "N-nagseselos ako."

Nanlamig ang buong katawan ni Irene sa narinig. Totoo ba ang naririnig niya? Si Nikos ba ang kasama niya ngayon? Now he was feeling something toward her...

Napapikit siya. Ang sarap yatang umasa ngayon nang mas higit pa.

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon