Breakfast

21.8K 456 0
                                    

"MOMMY, Mommy! Wake-up!" ang boses na iyon ng anak ang nakapagpagising kay Irene. Dahan-dahan niyang minulat ang mga mata at nakita ang masayang mukha ng anak na bumungad sa kanya. Binigyan siya agad nito ng yakap at pinugpog ang kanyang mukha ng lalaki. The gesture was more than enough to put a beautiful smile in her face. Pero nang may maalala ay napamuglat si Irene. Napabangon siya ng kama at tumingin sa orasan sa beside table. It was already eight in the morning. Huli na siya sa morning routine niya!

"Oh no, Baby. Gutom ka na ba?" hinawakan niya ang kamay nito. Linggo ng araw na iyon pero hindi ibig sabihin ay kailangan niyang magpahinga nang matagal. Kailangan siya ng mag-ama niya. Kahit may mga katulong sa bahay nila na maaring magluto ay palagi siyang nakikiaalam sa mga ito. May pagkapihikan at maarte kasi si Nicollo sa pagkain. Madalas ay hindi ito kumakain ng pagkaing luto ng iba. "I'm sorry," hinaplos ni Irene ang mukha ng anak.

"Its okay, Mom. Nakapagluto na po si Daddy. Hindi pa lang po ako nakain kasi gusto ko po na magkasama-sama tayong kumain. Inaantay ka po namin gumising," paliwanag ng anak. Napatingin siya sa may pinto at nakita niyang nakatayo roon si Nikos. Nakatingin sa kanya na waring sinasabing siya na lang ang inaantay.

"Oh..." tanging nasabi na lang niya. Napaisip kasi siya kung kailan natutong magluto si Nikos pero mas napaisip siya kung bakit kinailangang gawin nito iyon. Puwede naman siya nitong gisingin para maipaghanda niya ang mga ito. Iyon ang gawain ng isang asawa 'di ba? Pinapatunayan niya rito na kaya rin niyang maging ganoon. Isama pa na sanay na siyang gawin iyon sa anak niya. Dagdag package lang si Nikos sa pag-aasikaso niya. But nevertheless, nag-e-enjoy rin siya sa ginagawa niya.

Niyaya siya ng anak at ni Nikos na bumaba sa garden kung saan pinahanda ng mga ito ang breakfast. Pagdating roon ay tuwang-tuwa ang anak na ipagmalaki ang luto ng ama nito.

"Mommy, looked at Dad's sunny side up egg, hindi basag 'yung yellow. Daddy's good in cooking po pala,"

Tinignan niya ang niluluto ni Nikos at tama nga si Nicollo. Maganda ang pagkakaluto noon at hindi basag ang yellow sa gitna. Paborito kasi ni Nicollo ang ganoong klase ng itlog at kapag hindi niya nape-perfect ang pagluluto ng sunny-side up egg nito ay nagrereklamo ito. Bukod sa itlog ay may prinito rin itong hotdog at bacon. Tama lang rin ang pagkakaluto ng dalawa pang ulam. "Wow, ang galing nga ni Daddy," pagsabay naman niya sa anak.

Tinignan niya si Nikos pagkatapos. Nagkamot ito ng ulo. Para itong teenage school boy na nag-uumpisang manligaw pero hindi alam ang gagawin. "I'm sorry. Ito lang ang kaya kong lutuin,"

"Anong kailangang i-sorry? This is great, Nikos. Thank you," sabi niya at niyaya ng kumain ang mag-ama niya sa garden. Naka-set na ang table at tanging ang mga kakain na lang ang inaantay.

Nanaba ang puso ni Irene sa nangyari ngayong umaga. Hindi niya inaasahan iyon kaggaya na lang ng mga hindi niya inaasahan na pangyayari sa buhay niya sa nakalipas na linggo. Hindi siya mahilig mag-take ng risk pero masaya siya na ginawa niya iyon kay Nikos. Para sa pamilya nila....para sa relasyon nilang mag-asawa.

Lalo pang nanaba ang puso ni Irene nang makita kung paano asikasuhin ni Nikos si Nicollo na naging magana sa pagkain sa ginagawa nito. Sandaling nagulat pa si Irene nang pati siya ay asikasuhin ni Nikos sa pagkain. Nilagyan nito ng ulam ang pinggan niya. Pagkatapos pa noon ay nilagyan naman nito ng orange juice na siyang paborito niyang inumin tuwing almusal ang baso niya. Kahit ilang linggo na iyong ginagawa ni Nikos kay Irene ay hindi pa rin niya maiwasang mag-init ang mga pisngi. She always found this Nikos gesture sweet. Tama talaga siya na nagpadala siya sa damdamin niya at nagtiwala kay Nikos.

Sumuko siya kay Nikos hindi lang dahil sa tawag ng katawan niya kundi dahil gusto niyang magtiwala rito. Na kahit may hinala siya na pangpisikal na relasyon lang ang mas maibibigay nito, ay puwede pa rin siyang umasa na may makukuha siya rito. Sa kabila ng lahat ay mahal pa rin niya si Nikos kaya gusto niyang mag-take ng risk. Hindi naman kasi siya talaga galit dito. Kung tutuusin nga ay dapat na huminga siya ng tawad rito. Dapat siya ang maghabol dahil siya ang may kasalanan rito. Pero hindi niya maggawa dahil bukod sa natatakot siya, may kasalanan rin ito sa kanya. Kasalanang hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sigurado kung sinasadya ba nito o sadyang tinadhana lang talaga na mangyari.

Pero hindi na niya iniisip ang mga iyon ngayon. Nandito na naman ito sa tabi nila ng anak niya. Bumabawi sa mga taong wala ito sa tabi niya. Para sa kanya ay sapat na iyon. Sapat na rin sa kanya na kahit hindi siya nito sabihan ng mga salitang "mahal kita", nakikita naman niya na pinapahalagahan siya nito. Kahit sa mga ganoong bagay lang ay masaya na siya. At least, tinutupad nito ang sinabi nito kahit papaano.

Pagkatapos siyang pagsilbihan ni Nikos ay napatingin siya sa kanyang anak, ang dahilan kung bakit siya napalapit sa unang lalaking minahal at hanggang ngayon ay minamahal pa rin niya. Sa ilang linggong pagsasama nila bilang isang "pamilya" ay nakikita niya ang matinding pagbabago rito. Noon ay madalas na tahimik lang ito at tila magiging seryosong tao paglaki kaggaya ng ama nito. Pero ngayon ay madalas na itong magsalita at nakangiti. Mukhang masayang-masaya ito sa nangyaring pagbabago sa buhay nito. Halos wala na tuloy mahihiling si Irene.

Sa ngayon.

"I'll missed seeing you this happy, Mommy," biglang wika ni Nicollo nang magkasalubong ang tingin nila.

Kumunot ang noo ni Nikos. Napataas rin ang isang kilay nito. "Why? Aalis ba ang Mommy mo?" tumingin ito sa kanya.

Tumango si Nicollo. Nagpaliwanag naman si Irene.

"May pupuntahan akong convention bukas sa Cebu. Three days akong mawawala,"

"How come ngayon ko lang nalaman?"

"Kahapon ko lang nalaman. Hindi ko na naman nasabi sa 'yo kagabi dahil nang dumating ka ay nagmamadaling---" hindi naituloy ni Irene ang sabihin nang maalalang kasama nila ang anak sa hapag. "You know what I mean."

Buong araw na wala si Nikos sa bahay dahil sa negosyo ng mga ito. Ang alam niya ay sa New York ito nakabase pero dahil sa kanilang mag-ina ay mas tinuon muna nito ang pansin sa negosyo ng Haven Group of Companies sa Pilipinas para mas makasama sila. Gustuhin man kasi nitong dalhin mag-ina sa New York ay hindi pa puwede ngayon. Nais daw muna nitong patapusin ang school year ni Nicollo para hindi maggulo ang pag-aaral nito. Kapag daw natapos ito sa school year at magpahiwatig ang anak ng kagustuhang manirahan sa ibang bansa ay saka lang daw muna ito magdedesisyon kung ano ang magiging home base nila. Hindi naman daw kasi malulugi ang kompanya dahil hindi lang naman ito ang naghahawak noon.

Dahil magkakasama sila araw-araw ay talagang nagkakalapit sila. At kahit umaalis si Nikos sa araw para sa trabaho ay hindi nito nakakalimutang bumawi sa gabi para sa kanila at para na rin sa kanya. Parang hindi mawala-wala ang pagnanasa nito sa kanya. Every night, he also do business in bed. With her. At dahil sa kasabikan nito kagabi ay hindi na niya na-open rito ang tungkol sa pagpunta niya sa convention.

"Hindi ba at napag-usapan na natin ang tungkol sa trabaho mo?"

Tumango siya. Napag-usapan nila ni Nikos na hindi muna siya tatanggap ng maraming kliyente dahil gusto nitong ituon ang pansin kay Nicollo. Gusto rin naman niya iyon dahil gusto niyang makasama ang anak. Gusto niyang masubaybayan ang paglaki nito. Pero hindi ibig sabihin noon na ititigil na niya ang pagiging interior designer. Magla-lie low lang siya.

"Alam ko. Pero isa itong prestigious event at masuwerte ang mga interior designer na naiimbitahan rito kaya napa-"oo" na ako. Saka naikuwento mo sa akin na next week ay hindi ka naman magiging busy. Naisip ko na ikaw muna ang mag-alaga kay Nicollo."

Hindi kasi gusto ni Nikos na pabayaan na lang ang anak nila sa ibang tao, kahit sa yaya pa nito. Mahirap rito ang magtiwala dahil na rin sa laki ng value nito sa lipunan. Ang sabi nito ay marami ang nagtatangka sa buhay nito at natatakot ito na kapag pinahibilin nila ang anak sa iba ay maaring may gawing hindi maganda ang mga ito sa nag-iisang anak nito.

Tumango ito. Nakahinga naman siya nang maluwag nang maintindihan nito iyon.

Nang matapos silang mag-usap ay tumayo si Nicollo sa kinauupuan nito at lumapit sa kanya. Niyakap siya nito. "I'll really miss you, Mommy. Call me everyday, okay?"

"I'll miss you, too, Baby. Of course, I will." Pangako niya sa anak at hinalikan pa ito sa noo nito. Mami-miss nga niya ang anak. Dahil ilang linggo nang halos hindi sila mapaghiwalay dahil hindi siya gaanong nagtatrabaho ay maninibago siya na wala ito sa paligid niya. Hindi man ito ang unang beses na iwanan niya ang anak niya ng ilang araw ay mami-miss pa rin niya ito.

Pero alam niya na bukod rito ay mami-miss rin niya si Nikos. Kung sana nga lang ay kaggaya ng anak ay ganoon rin ang nararamdaman nito sa pag-alis niya. Pero bakit pa ba siya hihiling nang malaki? Dapat ay makontento na siya sa kayang ibigay nito sa kanya.

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon