The Rest Room

22.9K 462 17
                                    

IT JUST felt so good...

Ganoon ang pakiramdam ni Nikos habang hawak-hawak niya si Irene. Dahil dumating at nag-inarte sa kaalamang may date pala ito ngayong gabi, kinancel nito ang appointment sa lalaki at siya ang ipinalit. Pumayag naman agad ang date nito na nalaman niyang hindi naman pala tunay na lalaki. Pakiramdam tuloy niya ay ang tanga na sinabi pang pinagselosan niya ang lalaki.

But he was in rage. Iba ang naramdaman niya sa katotohanang kahit friendly date lang iyon, may kasama pa rin na ibang lalaki si Irene. Hindi siya makakapayag. He felt possessive of her. At totoo ang sinabi niya rito. Nagseselos siya. At masarap palang sabihin ang katotohanan dahil pakiramdam niya ay nawala ang tinik sa dibdib. Little by little ay nasasabi na niya ang nararamdaman kay Irene....

And it felt great. Like holding her like this, like dancing with her.

"Hmmm..." Halos sabay pang ungol nila ni Irene. May social ball ang party at isinayaw niya ang asawa. Kakaunti lang ang nagsasayaw at tila nakakahiya dahil isa sila sa mga center of attention. Ganoon pa man ay masaya si Nikos sa ginagawa. Iyon ang unang beses na naging intimate sila ng asawa na wala sa kama. At kung masarap at kontento ang pakiramdam niya habang nagniniig sila, mas masarap pala ang pakiramdam na ganoon lang sila. Just holding each other, did not give a damn or care for what other people was thinking.

Ibinaba ni Nikos ang tingin kay Irene. She was staring at him. May ningning sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya. Pakiramdam niya ay natutunaw ang mga yelo sa puso niya sa pagtingin lang sa mga mata nito. Her eyes are so beautiful. And so was she tonight. Aminado na si Nikos na physically attracted na siya sa asawa. Kung sana nga lamang ay kaya rin niyang aminin na higit pa doon ang nararamdaman.

It takes time. Ganoon ang nasa isip ni Nikos kapag gusto na niyang magdesisyon. Kagaya na lang ng gustong gawin ni Vincent na gawin niya. Pero ganoon pa man, alam niya sa puso na may nararamdaman na talaga siya kay Irene. At mas malaki iyon kaysa sa galit at pagmamanipula na ginawa nito sa kanya pitong taon na ang nakakaraan. Tila tinutunaw rin ng nararamdamang iyon ang galit niya. Dahil kung wala siyang nararamdaman sa asawa at ginagawa lang na pakisamahan, bakit ginusto niyang iwan ang anak sa mga kaibigan at sundan ito?

Iyon ay dahil nami-miss niya si Irene. Alam niyang ganoon din ito sa kanya. Gusto niyang pagbigyan ang asawa. Ayaw niya itong malungkot. Hindi nga lang niya naisama ang anak dahil may pasok kinabukasan. Isama pa na parang mas okay yata na sila lang dalawa. Walang abala sa paglalambingan nila.

"Thank you for being here, Nikos. Na-appreciate ko talaga 'yon." Niyakap pa siya ng asawa.

He hugged her back and planted a kissed on her temple. Iyon ang unang halik na ibinigay niya kay Irene sa party at gusto pa niya. He tried to kiss her again and this time ay tumingkayad ito at hinalikan siya sa mga labi. Napangiti siya dahil sa ginawa ni Irene. He caught and crashed her lips into his mouth. Tila oblivious sila sa paligid. Pero wala siyang pakialam. He liked kissing her. He loved it.

"You're a wicked tease. I'm turned on now," bulgar na sabi niya nang maramdaman ng hard-on dahil lang sa ginawa ni Irene. Lalo pa siyang na-turn on nang ngumisi ang asawa. Parang wala itong pakialam sa nararamdaman niya dahil hinalikan uli siya nito.

Nang hindi na matiis ang naramdaman ay napaungol si Nikos at hinawakan ang kamay ni Irene. Hinila niya ang asawa palabas ng party dahil bukod sa nakakahiya ang pagpi-PDA nila sa gitna ng ball ay baka may makakita pa sa hard-on niya. Tatawa-tawa naman na sumunod ito sa kanya. Nang makalayo sila sa party at nakitang walang tao sa corridor na napuntahan ay ipinagpatuloy nila ang paghahalikan. Willing naman na tumugon si Irene sa ginagawa niya hanggang sa lumalim ang kanyang halik. Bumaba na iyon sa leeg nito.

And he wanted to ravish her right there.

"N-Nikos, you know we can't," she said between breaths.

"I know, agape mou... But I can't take this anymore," sandaling tumingin siya sa paligid at nakita na may bumukas na pinto. It was the hall's restroom. Napangisi siya nang may maisip. "Come," pagyaya niya kay Irene.

Ipinasok ni Nikos ang asawa sa restroom. Walang tao roon. Pumasok sila sa isang cubicle. He continued kissing her there. Naramdaman niyang tila namula si Irene sa ginawa niya. Naging mabagal ang pagtugon nito, may pag-aalinlangan. Napatigil siya nang magsalita ito.

"This is crazy, Nikos."

"I know. But I can't wait, agape mou. I want you now at malayo pa ang hotel room mo..." paliwanag niya at sinimulang halikan muli si Irene.

Sa pagkakataong iyon ay tumugon ang asawa sa paraan na palaging ginagawa nito tuwing hinahalikan niya. It was intense, wild, and daring. Lalong nagbaga ang pagnanasa niya.

Nikos claimed her in the cubicle. Siniil niya ng halik ang mga ungol na pinakawalan nito. Wala namang pumapasok sa restroom kaya okay lang iyon. But still, ayaw niyang mapahiya ang asawa kapag mayroon man na magtangkang pumasok. Sa sobrang pagmamadali kasi ay nakalimutan na rin niya pati ang pagla-lock ng pinto.

Bago siya matapos ay kumawala si Irene sa halik niya. Isinubsob nito ang mukha sa kanyang dibdib. Natigilan pa siya nang magsalita ito. "I love you."

Nikos should feel cold when he heard that. Dapat ay natakot din siya. Pero nakakatawang tila may nakita pa siyang liwanag sa mga sinabi nito. He wanted to respond, too, pero nagdalawang-isip siya. Hindi pa siya ganoong sigurado sa nararamdaman. Ayaw niyang paasahin si Irene sa bagay na alam niyang mahirap para sa kanya na ibigay. Pero ganoon pa man ay gusto niyang iparamdam na pareho sila ng nararamdaman. Siniil niya ng halik ang pagtatapat nito.

"That was quite an experience," ngingisi-ngising sabi niya, bago niyayang lumabas ang asawa.

Ngumiti lang si Irene bilang tugon sa kanya. Mukhang masaya naman ito sa nangyari. Pero hindi umabot ang ngiti sa mga mata nito na kinasanayan na niya sa nakalipas na linggo. Nakaramdam siya ng panlulumo sa nakitang ekspresyon ng asawa. Nasaktan siya sa kaalamang malungkot ito. Pero bago pa makapagpaliwanag si Nikos ay biglang bumukas ang pinto ng restroom.

Pareho silang nagulantang ni Irene sa nangyari. At hindi lang iyon dahil sa may nakahuli sa kanila. Hindi alam ni Nikos kung coincidence lang ba na magkita-kita silang muli pero naramdaman niya na nanginig si Irene sa nakilalang babae.

But it was different from the expression of the woman in front of them.

Ang laki ng ngiti ni Cora Raymundo, nang sa wakas, pagkatapos ng pitong taon ay mukhang pinagtagpo silang tatlo ng tadhana.

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon