Sleeping with the enemy

22K 563 23
                                    

NIKOS should feel self-disgusted. He just had slept with his enemy. Pero kakatwang hindi niya maramdaman iyon. Sa halip na mabigat na loob ay tila ang gaan-gaan pa ng pakiramdam niya. Dahil ba iyon sa higit na na-satisfy siya ni Irene sa kama? Dahil ba nagustuhan niya ang mga pag tugon nito kahit na ba mas malaki ang naging performance niya sa nangyari sa kanila ngayon?

Nang maramdaman niya ang pantay na paghinga ni Irene ay saka lang napagdesisyunang tumayo ni Nikos ng kama. Malapit ng sumikat ang araw nang matapos sila sa kama at pagod na rin siya pero hindi niya maggawang makatulog dahil sa mga nararamdamang ito. Tama at makaturungan ba ang nararamdaman niya? Iyon lang ang mga katanungang tanging nakapagpagulo sa isipan ni Nikos.

Sa pagtayo niya ay tinignan niya ang natutulog at hubad na anyo ni Irene. She looked breathlessly beautiful. Naka-ilang rounds sila pero tila kulang pa sa kanya ang mga nangyari. He wanted more. Kung hindi nga lang niya naramdaman na pagod na ito ay hindi pa siya titigil.

Nakangiti si Irene habang natutulog. Tila sayang-saya at kontento rin kaggaya niya. They both satisfied each other. Lalong nanlambot ang puso ni Nikos. Siguro ay mali ang nararamdaman niya pero tama ang desisyon niya na ayusin ang relasyon nila. Maybe not on the emotional part. Pero kailangan rin naman niyang makinabang sa pisikal na bahagi. Lalo na at nakakaramdam siya ng pagnanasa rito. He wanted to take advantage...

And she took it, too.

Naramdaman niya na nagpipigil si Irene na ipagkaloob sa kanya ang sarili kanina. Siguro ay naiisip rin nito na hindi iyon tama. Pero kaggaya niya ay tila pareho rin sila ng nararamdaman. Gaano man niya pigilan ang sarili, mas malakas ang puwersa na nagdadala sa kanya palapit rito. At ginamit man niya ang kagustuhan ng anak bilang dahilan para makuha niya ito, alam niya na malaki rin ang kagustuhan niyang maayos iyon.

Hanggang ngayon ay naiisip pa rin niya ang mga sinabi ng kaibigang sina Vincent at Augustus. Siguro ay tama ang mga ito. Wala namang mawawala sa kanya kung bukod sa anak niya ay pagtuunan niya ito ng pansin dahil wala naman siyang nobya. Kung tutuusin ay may advantage pa nga iyon sa kanya. Ang tanging mali lang talaga ay hindi niya pa napapatawad ito sa kasalanan na ito.

Pero sabi nga nila Vincent at Augustus, pitong taon na ang nakakaraan. Kailangan na niyang mag-move on. Saka bata pa ito noon. Madalas nagkakamali. Immature. Hindi naiisip ang maaring magiging consequences ng kilos ng mga ito.

Ganoon pa man, kaya ba niyang lubos na patawarin at limutin ang taong siyang dahilan kung bakit nawala ang unang pag-ibig niya? At mas higit pa, ang taong naging dahilan kung bakit nawala ang mga taong hindi man siya binigyan ng sapat na atensyon at pagmamahal, ay siya namang naging dahilan kung ano siya ngayon? Kaya ba niyang itapon na lang iyon para sa babaeng ito lalo na at hindi pa naman ganoon kalinaw at kasigurado ang totoong nararamdaman niya rito?

---

A/N: Yesterday, January 27, 2018, International Billionaires won as Most Favorite PHR Series on Aklat Awards. Thank you for voting and the continuous support! 💕💕💕

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon