"SURELY, you don't expect me to believe you are asleep, do you, agape mou?"
Nanigas si Irene nang sa wakas ay nagsalita na rin si Nikos. Tama ito. Hindi dapat nito inaasahan na tulog siya dahil hindi naman talaga siya tulog. Alam rin niya na kanina pa ito nakatingin. Ayaw lang niya itong pansinin dahil mas gusto niyang ito ang unang lumapit. Nakatalikod siya rito pero ramdam niya ang pagpasok nito. Ramdam na ramdam rin niya ang presensiya nito.
Halos maghahating-gabi na. Kanina pa tulog ang anak nila sa kuwarto nito. Kanina pa rin siya nasa kuwarto pero dahil hindi siya makatulog ay gising pa rin siya. Lalo rin siyang hindi mapakali nang maramdaman niyang bumukas ang pinto ng kuwarto niya at kahit hindi ito magsalita ay alam niya kung sino iyon. Aura pa lamang nito ay nararamdaman na niya kahit hindi man niya ito makita o hindi man ito nagsasalita.
Gusto niyang lingunin ito at tanungin kung bakit ito nandoon at pinapanood siya. Kung may sasabihin ito ay puwede naman itong magsalita. Pero wala siyang kahit anong narinig rito hanggang ngayon. Gusto ba siya nitong panoorin? Bakit naman siya nito gustong panoorin? Gusto niyang itanong ang dahilan nito pero may isang bahagi ng isip niya ang umaayaw. Baka kasi kaggaya kagabi ay maging assumera na naman siya.
Her heart was pounding too much when she tried to look at him. Naka-roba lang ito habang naglalakad palapit sa kanya. Hindi maiwasang mapalunok ni Irene nang pagmasdan niya ang kabuuan nito. Hindi man ito Greek na kaggaya niya pero tila matatalo pa nito ang Greek God sa kisig. Tila napakapangyarihan nito habang naglalakad. Kapangyarihan pati ang puso niya ay hindi magkaroon ng gamot para makaiwas.
"I-I am not expecting you. Bakit naman kita kailangang i-entertain?"
Bahagyang tumawa ito. "Yeah, right. Nakalimutan kong sabihin. But anyway, because I have found my mind again right now, its time to spill it up. Gusto kitang makausap, Irene."
Bumangon siya mula sa pagkakahiga nang umupo ito sa kama niya. Bahagya siyang nakaramdam ng takot pero mas malakas ang pakiramdam na parang kinikiliti siya sa kaalamang malapit ang mga katawan nila.
"A-at bakit mo naman ako gustong kausapin? Pumayag na ako sa gusto mo. Lumipat na kami ng bahay ng anak mo. May dapat pa ba tayong pag-usapan?"
Gusto man ni Irene na humindi sa kagustuhan nito ay wala na rin siyang naggawa. Naisip niya ang anak at kung gaano ito kasaya na kasama silang dalawa. Naintindihan rin niya ang mga nasa sinabi ni Nikos. May point ito. At pumayag siya dahil tama naman ito. Ginagawa lang niya ang mga iyon dahil sa kanyang anak. Ayaw niyang maggulo ang buhay nito.
"Don't you think we have missed the biggest part of it, agape mou?"
Umiling siya. Hindi niya naiintindihan ang mga patutsada nito. "Ano iyon, Nikos?"
Umusod palapit sa kanya si Nikos. Nagsunod-sunod ang paglunok ni Irene lalo na nang mapatingin siya sa mata. Nag-aapoy ang mga iyon habang sinusuri siya ng tingin. At dahil siya ang tinitignan nito, tila nag-iinit rin siya. Naramdaman rin ni Irene ang unti-unting pag-iinit ng pisngi niya. Ano ba ang gustong palabasin sa kanya ni Nikos? Paasahin na naman siya nito kaggaya ng ginawa nito sa kanya kagabi?
His head snaked in front of hers. Lalong lumakas ang pintig ng puso ni Irene. "Tayo." Sa wakas ay sagot nito.
Sinikap ni Irene na kuhanin ang lakas na mayroon siya para matanggihan ito. Umurong siya para matakasan ang paglapit ng ulo nito sa ulo niya. Pero maling galaw pala iyon dahil nasa dulo siya ng kama at muntik na siyang mahulog sa kama dahil sa pagtatangka niya. Mabuti na lang at may malalakas na kamay na sumambot sa kanya. Napapikit pa siya nang maramdaman iyon lalo na ang kakaibang sensasyon na bumalot sa kanya dahil lang sa pagkakahawak.
Nang magmulat siya ng mga mata ay nakita niyang nakangisi ito. Pero puno pa rin ng apoy ang mga mata nito. At may masama siyang pakiramdam sa mga apoy na iyon. Tila kasi apoy iyon ng may halong pagnanasa.
"Why when I do come to you, you always melt? Do I really have that much power over you, agape mou? Tama ba ako na isipin na hindi muli ako mahihirapan na paamuin ka kapag nasabi ko na ito sa 'yo?"
Humugot siya nang malalim na hininga. Kumawala siya sa pagkakahawak nito at tumayo. "Huwag mo akong daanin sa dahas, Nikos."
She heard him chuckle. Narinig rin niya ang pagtayo nito. Tumayo ito sa likod niya at hinawakan pa ang magkabilang balikat niya. "Pero gusto kong hawakan ka, Irene..."
"Pero ayaw ko, Nikos." Sinubukan niyang lumayo. "Ano ba kasi talagang gusto mo? Bakit hindi mo pa ako diretsahin? Bakit puro panlalandi----"
Hindi na naituloy ni Irene ang sasabihin dahil pinutol iyon ni Nikos sa pamamagitan ng paghalik sa mga labi niya. Kaggaya ng pakiramdam niya kapag nakikita o hinahawakan siya nito, nanigas siya at pagkatapos ay nanlambot rin sa mga kamay nito. Napatunayan niya na hindi lang ito makapangyarihan sa mundo ng business. Makapangyarihan ito lalo na sa kanya. Dahil sa tuwing hinahawakan siya nito ay wala siyang maggawa kundi ang matunaw, ang bumigay sa mga hawak nito.
Irene was lost with his touch, with his kiss. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili. Alam niyang kailangan niyang lumaban dahil mali ang ginagawa nila. Hindi nila mahal ang isa't isa. At kailanman ay alam niyang hindi siya nito magagawang mahalin.
But her body always surrendered. To him. Only to him.
Maybe he would think that I am too easy... pumasok ang mga iyon sa isipan ni Irene. At nang dahil roon ay mula sa pag-iinit ay nanlamig ang katawan niya. Sinampal niya ito sa kapangahasang ginawa niya.
Nanlaki naman ang mga mata nito dahil sa ginawa niya. Nasapo pa nito ang nasaktang pisngi. Irene felt a little guilty with what she did. Pero kung hindi niya ginawa iyon, alam niyang malalasing siya sa halik nito. Bibigay siya rito. Ipagkakaloob ang sarili ng hindi pa naman talaga niya alam ang tunay na pakay nito. Paano kung lokohin na naman siya nito? She already have enough of pains already. Hindi na niya kailangan pa ng pasakit pa.
"Y-you deserved that. Hindi mo dapat ginawa iyon!"
"But you want it, too. You can't deny it, agape mou. Nararamdaman ko. Nararamdaman mo. Pero mas lalong nararamdaman nito..." he looked down and she followed his gaze. Awtomatikong namula ang mga pisngi ni Irene dahil sa kabagsikan nito. Nagtangka pa itong lumapit sa kanya. His hard maleness steered in her skin.
Lumunok siya para alisin ang panunuyo ng lalamunan niya. "Kung ganoon ay ano ang gusto mong palabasin, Nikos?"
"Gusto rin naman ni Nicollo ng isang masayang pamilya, bakit hindi na natin lubusin pa? Let's be husband and wife. For real."
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)
RomanceName: Nikolas Lance Afinidad Professsion: Businessman, President of Haven Developments Whereabouts: Santorini, New York City and Manila Romantic Note: Agape Mou Citizenship: Greek