Moment of Truth

22.9K 488 5
                                    

THE MOMENT of truth.

Iyon ang nasa isip ni Irene nang maramdamang pantay na ang hininga ng anak matapos nilang patulugin ni Nikos sa kuwarto nito sa maliit na apartment niya. Alam niya na dapat ay matakot siya dahil oras na para mag-usap sila ni Nikos. Pero hindi na kasintindi ng kabang nararamdaman ni Irene ang nararamdaman ngayon. Nagkaroon na kasi siya ng oras para makapag-isip.

Hindi niya lubos-akalain na ang simpleng araw ay hahantong sa isang araw na maaaring makapagpabago ng buhay niya—nilang mag-ina. Pero alam niya na darating din ang araw na iyon. Ang ipinagtataka nga lang niya ay kung bakit ganoon ang reaksyon ni Nikos ngayon. Hindi ba at hindi naman nito gusto ang anak nila? Hindi nito sinagot ang natatanging sulat na ibinigay sa taong nagbibigay-alam sa lalaki tungkol sa anak nila. Ang mga tawag niya ay hindi rin nito tinanggap. Sapat nang dahilan ang mga iyon para isipin na hindi nito gusto si Nicollo; na hindi nito gustong maging ama sa anak nila. Pero nang makita ni Nikos si Nicollo ay parang hindi na nito gustong lumayo sa anak.

"Care to explain now, Irene?"

Tama nga ang hinala niya na kokomprontahin siya ni Nikos nang makatulog ang anak. Nang tumayo siya at lumabas ng kuwarto ni Nicollo ay sumunod ito sa kanya. Matapang na hinarap niya ang lalaki. Bakit siya matatakot? Wala siyang pagkakamali. Ipinaalam niya kay Nikos ang tungkol sa anak nila pero hindi ito nakialam. Ni hindi siya nito binigyan ng pagkakataon na magsabi.

"Bakit kailangan kong magpaliwanag, Nikos? Ikaw ang dapat magpaliwanag. Ikaw ang hindi nagbigay ng pagkakataon para iparating sa 'yo ang tungkol sa existence niya!"

Umiling si Nikos, tila naguguluhan. Ganoon pa man ay madilim ang mukha. Ibang-iba sa hitsura nito kanina habang inuubos ang oras na makasama ang anak.

Dahil halos tumira sa iisang bahay ay kabisado na ni Irene si Nikos. Bihira itong ngumiti, bihirang magpakita ng emosyon. Madalas ay tahimik lang. Kung magbibigay ang lalaki ng emosyon ay palaging nakasimangot o galit. Lalo na sa kanya.

Pero ngayon ay walang ipinakita si Nikos sa anak kundi kalambutan at kabaitan. Para bang nakatanggap ang lalaki ng isang napakagandang regalo. Parang wala itong gustong gawin sa anak nila kundi ang ingatan at mahalin. Isang bagay na kahit kailan ay hindi niya natanggap mula rito.

"But still, you should have tried! Hindi ko sinasagot ang mga tawag mo sa dahilang alam mo—na galit ako sa 'yo. Pero hindi ibig sabihin niyon ay pinabayaan na lang kita!"

"Paano mo ako hindi pinabayaan? Kapag nagbibigay ka ng sustento mo buwan-buwan? Kung isusumbat mo sa akin ang mga iyon, kayang-kaya kong ibalik sa 'yo mula sa singkong ibinigay mo ang pera mo. Kailanman ay hindi ko ginalaw iyon. Kahit noong nanganak ako!"

"Noong nanganak ka na hindi mo sinabi sa akin," nagtagis ang mga bagang ni Nikos. Hinawakan nito ang pupulsuhan niya, tila ba doon ibinubuhos lahat ng galit na kanina pa pinipigilan. "What do you want, Irene? Itinago mo ang tungkol sa anak ko dahil gusto mong gumanti sa akin? Why are you still acting like a spoiled brat again? Hindi pa ba sapat sa 'yo ang naging consequences ng ugali mong iyon, ha? Bakit gustong-gusto mo akong palagi na galitin? You are really acting as the bad luck of my life!"

Nanlaki ang mga mata ni Irene. "How dare you! Sa akin ka pa galit, samantalang ikaw ang hindi nakikipag-ugnayan sa akin. I gave you a letter once, pero ni tuldok ay wala akong natanggap na sagot. At hindi ko kailanman itinago ang tungkol sa anak ko. Ipinaalam ko iyon sa 'yo. Kaya kailanman ay wala akong dapat ika-guilty at kailanman ay hindi mo rin ako puwedeng sisihin!" Nagpumiglas siya sa hawak ni Nikos. Medyo matagal bago tinanggal ng lalaki ang pagkakahawak pero sa huli ay bumigay rin ito. Pakiramdam ni Irene ay nag-apoy ang kamay dahil sa friction sa pag-aaway nilang dalawa.

Umiling ito. "Hindi ko alam kung paano nangyari ang lahat ng ito. Kung paanong hindi ko nalaman sa loob ng pitong taon. Pero kung ano man ang naging dahilan, hindi ako papayag na mangyari uli iyon. Hindi ako papayag na malayo uli sa anak ko. Tama na ang pitong taon. I will claim what is rightfully mine!" wika nito, saka walang pasabing lumisan na sa loob ng apartment.

Naiwang tulala si Irene sa nangyari. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng takot sa binitawang salita ni Nikos. Nalilito rin siya. Hindi niya alam kung bakit hindi nito natanggap ang sulat niya. Samantalang ipinaabot pa niya iyon mismo sa taong nag-alaga rito noong bata pa ito—kay Dionysia at sa asawa nitong si Stavros. Bakit hindi natanggap ni Nikos ang sulat niya? Bakit hindi nito nalaman ang kalagayan niya? Samantalang alam iyon ng dalawang tao na alam niyang mayroong contact pa rin sa lalaki.

Habang nag-iisip ay napatingin si Irene sa pupulsuhan na mahigpit na hinawakan ni Nikos kanina. Namumula iyon at nakaramdam din siya ng sakit. Pero alam niyang wala pa iyon sa one-fourth ng sakit ang naramdaman noon.

Pati na rin ni Nikos...

Napabuga ng hangin si Irene nang maalala ang mga inaning galit sa lalaki noon. Tama lang naman na nagdusa siya dahil kasalanan naman niya ang lahat. Kung hindi lang niya pinairal ang puso. At kung hindi lang niya minahal ang taong bata pa lang siya ay iniidolo at minamahal na niya...

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon