"FOR POORER or for richer. For sickness and in health. Till death do us part."
Alam ni Irene na kulang na lang ay ngumiwi si Nikos para ipakita nito sa kanya at sa lahat ng tao sa paligid nila ang pagkainis nito habang binibigkas ang mga salitang iyon. Hindi naman niya ito masisisi. Lahat ng mga tao ay napapangiwi nang malamang ikakasal silang dalawa. It was awkward, it was incest. Ganoon pa man ay ipinilit iyon ng kanilang mga magulang dahil na rin sa ginawa niya.
Nakaramdam ng pagsisisi si Irene sa ginawa niya. Gusto niya si Nikos. Gusto niya itong mapasakanya. Her love maybe called selfish, but she doesn't care. Ganoon niya kamahal si Nikos. Hindi niya kayang mawala ito kay Cora kaya nang halikan siya nito, sa halip na itaboy niya ito ay ipinilit niya pa ang sarili rito. Umiibig lang siya kaya naggawa niya iyon. Pero dahil naging masyadong malaki iyon, hindi na niya naisip ang consequences ng ginawa niya.
Inatake sa puso ang kanyang ina at sobrang nagalit ang kanyang ama kaya gumawa ito ng ganitong desisyon. Hindi niya naisip na maaring dumating sa ganito pero ginusto rin naman niya na makasal kay Nikos. Hindi lang sa ngayon. Ang orihinal na plano niya ay ang akitin ito at sa paniniwalang kapag naggawa niya iyon ay makikita na siya nito bilang babae ay mapapalapit na ito sa kanya at mamahalin na rin siya nito. Pero hindi ganoon ang nangyari. He was forced to marry her and he felt so bad about it.
Masama rito ang nangyari, may ikinabuti sa kanya pero malaki rin ang ikinasama. Nasaktan niya nang husto ang mga magulang dahilan para magkasakit pa ang ina. Dalawang linggo rin itong nasa ospital at ngayong ilang araw pa lang itong nakalabas ay kinasal sila ni Nikos. Simple lang ang kasal at pili lang ang dumalo. Maganda naman iyon at marami ang nagsasabing maganda rin siya.
Pero hindi para kay Nikos...
Bigo siya. Kailanman ay hindi magtatagumpay ang isang makasariling pag-ibig. Mas nakaama pa iyon sa mga tao sa paligid niya....
Sa halip na maging masaya ay naging malungkot si Irene sa nangyari. Hindi sila nag-honeymoon ni Nikos dahil pagkatapos ng kasal ay lumipad na muli ito sa Harvard. Iniwan siya sa magulang niya na alam niyang namumuhi rin sa kanya. Hindi niya kasi naatim na si Nikos ang parusahan ng mga ito. Inamin niya ang kasalanan dahilan para magalit ang mga ito sa kanya.
Sinubukang ituon na lang ni Irene ang pansin sa pag-aalaga sa ina. Pero sa halip na umayos ay lalong sumama ang lagay nito. Isang linggo pagkatapos ng kasal ay namatay ito. Nagkaroon ng komplikasyon ang puso nito at hindi kinaya.
"It was your entire fault, Irene!" paulit-ulit siyang sinisisi ng ama sa pagkawala ng ina. Kahit siya ay ganoon rin ang nararamdaman. Pero ang ama ang pinakanasaktan sa nangyari dahilan para pabayaan nito ang sarili.
And just a few days after, they saw him in bed and not breathing anymore...
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)
Storie d'amoreName: Nikolas Lance Afinidad Professsion: Businessman, President of Haven Developments Whereabouts: Santorini, New York City and Manila Romantic Note: Agape Mou Citizenship: Greek