"NIKOLAS Lance Sallis." Tuwang-tuwa pa rin na bigkas ni Nikos sa kanyang bago ng pangalan. Isang linggo na siyang nasa Greece. Maayos na ang papeles niya. Isa na siya ngayong legal na anak. Halos araw-araw pagkagising niya sa umaga ay binibigkas niya ang bagong pangalan sa sobrang saya.
Bumaba si Nikos sa kuwarto niya sa malaking bahay ng mga Sallis. Naabutan niya sina Loukas at Iris Sallis sa sala. Kapwa nakakunot ang noo ng mga ito. Mukhang inis.
Binati ni Nikos ang dalawa. Niyakap. Pero hindi ibinalik ng dalawa ang affection niya.
"Is there a problem?" tanong kaagad ni Nikos.
Ibinaba ni Loukas ang mga papel. "We have received a letter from the Philippines, Nikos."
Kinuha ni Nikos ang mga papel. Binasa niya iyon. Sinubukan niyang intindihin ang mga iyon.
"N-no..." naiiyak si Nikos sa nalaman. Kailangan niya na bumalik sa Pilipinas. Hindi pa pala legal na maayos ang papel niya.
"We're sorry, Nikos." Niyakap siya ni Iris. "No one had notice that detail. It seems like everybody is excited that no one had notice until now. There is a new management and they have saw this certain discrepancy."
Nasa batas na isang requirement para sa inter-country adoption ay kailangan na twenty-seven years old pataas ang mag-aampon at at least sixteen years older kaysa sa bata. Twenty six pa lamang si Irene. Twenty one ito nang mag-asawa kaya masasabi na napakatagal na rin na panahon na pinag-antay ito at si Loukas para magkaanak kaya hindi masisisi na natakot na rin ang mga ito na hindi na talaga bibiyayaan kaya nag-ampon na lamang. Pasok naman sila sa pangalawang requirement dahil siyam na taong gulang pa lamang siya.
Lumapit sa kanya si Loukas. "Your Philippine papers are here. For now, Nikolas Lance Afinidad is your name again because all what happened does not compromise the law. But we are trying our best to fix this. Next month, Iris will turn twenty-seven. We can process the adoption again. Another thing is that we have talked to the agency. You can still stay with us since we promised to legally adopt you again. By next month, when everything is all right, we will all together go to the Philippines for the process of another legal adoption."
"No need to worry about." Ngumiti si Iris Sallis.
"If nothing is to worry about, why do you look worried?"
"We are worried because of your reaction. We don't want you to be sad knowing that all that happened was a fraud."
"It's okay, Mama. As long as you promised that I'm going to be Nikolas Lance Sallis again."
Sabay na hinawakan ng mag-asawa si Nikos. "We promise."
BINABASA MO ANG
International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)
RomanceName: Nikolas Lance Afinidad Professsion: Businessman, President of Haven Developments Whereabouts: Santorini, New York City and Manila Romantic Note: Agape Mou Citizenship: Greek