Picked

21.6K 398 5
                                    

"I PICKED Mrs. Irene Sallis Afinidad," ngiting-ngiti pa si Cora Raymundo habang tinitingnan si Irene.

Hindi niya maiwasang maasar sa ipinapakita ng babae. Halatang nang-aasar ito sa ginawa.

"Okay lang ba sa 'yo iyon, Irene?" tanong ni Rex, ang nakilala at dapat ay escort niya kagabi.

Pangalawang araw ng convention at nagkaroon ng gallery kung saan invited ang ilan sa mga kilalang tao sa Pilipinas na nagnanais kumuha ng magaling na interior designer. Invited din ang ilang naging guests kagabi sa party at isa roon si Irene.

Cora Raymundo happened to be the owner of the biggest furniture company in the Philippines. That is why she participated and invited in the event. Sumali rin ito sa isa sa mga activities ng convention. At iyon ay ang maghanap ng interior designer para sa ipapatayo nitong bagong bahay. Hindi sigurado ni Irene kung nagustuhan talaga ni Cora ang mga project niya na naka-exhibit sa mga portfolio o sinadyang ginawa iyon. May nararamdaman siyang hindi maganda base na rin sa tinging ibinibigay nito sa kanya.

"Bakit naman hindi iyon susunggaban ni Irene?" susog ni Lea, isa sa mga nakilala rin niyang interior designer sa convention. "Balita ko ay isa iyon sa pinakamalaking bahay na maitatayo sa Pilipinas. At for sure, pagpipiyestahan iyon ng mga reporters. Kapag gano'n, siyempre, makikita ang interior ng bahay. At kapag marami ang nagkagusto, malamang na dumami ang kliyente ni Irene."

Tama si Lea. Magiging isang malaking project kay Irene ang bahay ni Cora. Pero hindi niya maiwasang matakot.

Lumapit si Cora sa table nila at inilahad ang kamay sa kanya. Tinanggap niya iyon at sinikap na ngumiti habang tinitingnan ang kabuuan nito. Ibang-iba ang hitsura ni Cora ngayon kaysa noon. Kung dati ay simple lang ito manamit at mukhang inosente, ngayon ay sopistikadang-sopistikada ang anyo nito. Isama pa na nakakaagaw-atensyon ang hapit na bestida nito. She looked wild and daring. At kung dati ay naiinis na siya sa babae sa kabila ng kasimplehan at mukhang pagkamabait nito, ngayon ay lalo pa siyang naiinis. She looked more beautiful than ever.

Hindi sigurado ni Irene kung nai-insecure ba siya o dahil nakakaasar talaga ang hitsura ni Cora at mga ekspresyon na ibinibigay nito kaya nakakaramdam siya ng kakaiba sa dibdib. Nalaman niya na may asawa na ito, pero hindi pa rin niya maiwasang matakot. Lalo na at kagabi ay sabay pa nila itong nakita ni Nikos pagkatapos nilang mag-makeout na mag-asawa sa banyo.

Kagustuhan ba ng tadhana na pagtagpu-tagpuin muli sila ngayong masaya na siya kasama si Nikos? Bakit kailangan pang bumalik ng nakaraan? Bakit kailangan pang bumalik ni Cora?

Naramdaman niya na nagulat din si Nikos sa pagkakita sa dating nobya. Pero hanggang doon lang iyon. Hindi naman na ito nagpakita ng interes sa babae kaya alam niya na wala siyang dapat ikatakot at ika-insecure. Pero may nase-sense siyang kakaiba kay Cora. Paano kung ngayon siya gantihan ng babae sa kasalanang naggawa noon?

Sa hitsura ni Cora ngayon, mukhang kayang-kayang nitong gawin iyon. Pero binalewala ni Irene ang mga naisip. Eh, ano kung magtangka ito? Hindi siya kagaya ni Cora na mahina na iniwan na lang si Nikos noon pagkatapos ng lahat. Kung hindi siya matapang ay hindi siya makaka-survive sa pitong taon na halos walang sumuporta sa kanya. Tatanggapin na lang niya bilang isang challenge ang ginawa ng babae. After all, hindi niya ugaling tumanggi sa malalaking kliyente. Kahit naman kasi sinusustentuhan na nang bukal sa loob ni Nikos ang anak at mas maalwan na ang buhay nila ngayon kaysa noon, gusto pa rin niyang maging maayos ang career. Nagla-lie low siya pero hindi iyon dahilan para ma-miss niya ang ganitong klase ng oportunidad.

Mag-aalas-singko na nang matapos ang convention. Wala silang activity ngayong gabi kaya libreng oras niya iyon para kay Nikos na hanggang ngayon ay hindi pa rin umuuwi. Mukhang nasisiyahan naman sina Vincent na mag-alaga sa anak kaya walang problema. Plano rin nilang mag-asawa na libutin ang Cebu ngayong gabi. It was like a date.

Naabutan ni Irene ang asawa na nasa harap ng laptop sa hotel room niya. Maghapon lang itong nandoon. Ang sabi ni Nikos ay susubukan nitong magtrabaho habang nasa trabaho rin siya gamit ang laptop. Ganoon nga ang ginagawa nito nang maabutan siya. Tinanong siya nito kung kumusta ang araw niya pagkatapos siyang bigyan ng mainit na halik.

"Okay lang," hindi niya naitago ang kalungkutan sa tinig. Siyempre pa ay nagtaka ito. Napabuntong-hininga muna siya bago nagkuwento."Tinanggap ko ang alok ni Cora na maging interior designer ng bago niyang bahay. Kaya sa susunod na mga linggo ay malamang na magiging abala ko."

Sandaling nanahimik ito. "I see."

Tiningnan niya si Nikos. Mukhang malungkot ito. Ayaw ba nito na makipaglapit siya kay Cora? "May problema ba, Nikos?"

"Wala naman. Nag-aalala lang ako na sa pagiging abala mo ay mapabayaan mo na si Nikos... at ako."

"That wouldn't happen. Siyempre ay gagawa pa rin ako ng paraan para magkaoras ako para sa inyo."

Nagliwanag ang mukha nito. "Talaga?"

Tumango siya. Sinimulan naman siyang halikan ni Nikos at mayamaya pa ay dinala sa kama. It seemed like he could not get enough of her. And the feeling was mutual. Gustong-gusto niya ang ginagawa nito kaya palagi siyang nagpapaubaya. She loved it, too, as much as she loved all of him.

Mahal niya si Nikos. Nagawa na niyang sabihin iyon. Hindi man siya nakakuha ng tugon kagabi nang magtapat ay masaya na siya na hindi nito minasama ang pagtatapat niya. Nakita rin niya na masaya ito.

Alam niyang mahirap para kay Nikos na magsabi ng ganoon. Bilang halos kapatid na nito ay nakita niyang kung paano ito lumaki. At alam niya ang pinagdaanan nito. Dahil din sa kasalanang nagawa, alam niyang hindi madali na magkaroon siya ng katugon mula sa asawa. Siyempre ay magugustuhan niya na sabihin din iyon ni Nikos sa kanya. Pero kaya niyang maghintay. Lalo na at hindi man masabi verbally, ramdam niya naman sa mga kilos ng asawa na pinapahalagahan siya nito. Na mahal siya nito.

Mukhang lalo nang nagiging maayos ang relasyon nila ni Nikos kaya hindi dapat siya natatakot.

Wala akong dapat ikatakot, pagkumbinsi ni Irene sa sarili.

---

A/N: It's Precious Pages Corp 28th anniversary. 50% discount sa lahat ng Precious Pages Bookstores. 28% discount naman sa online shop. Sana maisama niyo ang International Billionaires Series and my other books na rin sa bibilhin niyo. Happy Shopping!

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon