Greedy

22.3K 475 16
                                    

INAASAHAN na ni Irene na oobserbahan siya ni Cora habang nag-iisip ng mga gamit na maaaring gamitin sa ibinigay na konsepto ng babae sa ipinapatayong bahay sa Tagaytay. Isang Parisian-style na bahay ang gusto nitong ipaggawa. Master ni Irene ang ganoong klase ng style ng bahay kaya madali lang iyon sa kanya. Isang taon din kasi siyang nag-aral sa Paris at kahit bata pa noon ay kabisado niya ang ganoong klase ng istilo. Pero nate-tense siya sa paraan ng pagtitig sa kanya ni Cora.

"Hindi naman lahat ng Parisian space ay kailangang gumamit ng pulang mga kagamitan, pero nagbibigay ito ng pakiramdam ng delicious den of passion. So I think, we are going to buy a lot of red furnitures and stuffs. Isama na rin natin ang mga carpet at rugs. Kailangan din nating tandaan na marami dapat tayong bilhin na ganito. Ito kasi ang magpoprotekta sa kahoy na sahig. Sa kabila n'on, ang buong kabuuan nitong living room ay magiging komportable," pag-discuss niya ng mga detalye.

Tumango-tango ito. "That's good. I liked your ideas. Masaya ako na ikaw ang napili ko para sa bago kong bahay. I trust you." May mapaglarong ngiti sa mga labi nito nang sabihin iyon.

Napataas-kilay si Irene sa sinabin ni Cora. Mahigit isang oras na silang nag-uusap. Wala naman itong reklamo sa mga ginagawa at suggestions niya pero naasar siya sa mga sinasabi nito. Para kasing may double meaning ang mga iyon. O sadyang nabibigyan lang niya ng kahulugan? Pero hindi. May iba talaga sa babae.

At napatunayan iyon ni Irene nang dugtungan nito ang huling sinabi. "I trust you even you are the reason why I lost Nikos then."

Napatingin siya sa mukha ni Cora, partikular sa mga mata nito. Nagbabaga na ang mga iyon ngayon; kaiba sa mga tingin na ibinibigay nito kanina. Kanina ay nararamdaman pa niya ang pagtitimpi nito ngunit ngayon ay kumawala na iyon. Nakaramdam ng takot si Irene pero pinilit niyang labanan iyon.

"Mrs. Raymundo, pumayag ako na maging interior designer mo dahil gusto kong ayusin ang bahay mo at hindi makipag-away sa 'yo," sinubukan niyang pagaanin ang tensyon.

"Well, if then, its not mutual, darling. Dahil kaya naman kita pinili bilang maging interior designer ko ay dahil gusto talaga kitang makausap."

"What for? Tapos na ang lahat sa pagitan natin. May asawa ka na at masaya na rin kami ni Nikos sa buhay namin."

"Pero kahit gano'n, nasa puso ko pa rin ang galit. Ang mga sakit. At hindi mawawala iyon sa akin hangga't hindi ako nakakaganti sa 'yo! You manipulative bitch!" Lumapit ito at hinawakan ang kamay niya. Nagmatigas siya sa ginagawa nito pero hindi ito nagpapigil at hindi rin binitawan ang kamay niya.

Umiling si Irene sa ginawa ni Cora. "Hindi ka dating ganito, Cora."

"Yeah, I am not that cheap like you. But you have taught me, too!"

"Hindi ko kailanman sinabi na maganda ang ginawa ko noon! A-at pinagsisihan at pinagbayaran ko iyon." Hindi na niya napigilan pumatol sa babae. Gumaragalgal ang boses niya nang maalala na naman ang tungkol doon.

Tumawa si Cora. Binitawan na nito ang kamay niya. "Hah! 'Sabagay nga naman. Pinagbayaran mo 'yon dahil iyon ang naging dahilan ng pagkamatay ng magulang mo. Ang makasarili mong pag-ibig..."

Nagdilim ang mukha ni Irene sa sinabi nito. Bata pa siya noon. Hindi niya naisip ang maaaring mangyari. Sa sobrang pagmamahal kay Nikos kaya niya nagawa iyon. Pero hindi niya akalaing mangyayari iyon.

Sa nakalipas na taon, bukod sa hirap sa pagtataguyod kay Nicollo ay ang mga nangyari sa mga magulang niya ang dahilan kung bakit naging mahirap para kay Irene iyon. Sinisisi niya ang sarili. Pero sinubukan niyang mag-move on. Ngayon, ang akala niya ay nakabangon na siya dahil wala nang nagpapaalala niyon sa kanya. Pero hindi pa rin pala...

"Inatake sa puso ang mommy mo dahil sa nangyari. Hindi man siya tuluyan namatay ay parang si Nikos naman ang nagdala. Dahil hindi pumayag ang mga magulang mo na hindi ka ipakasal sa dapat talaga ay kapatid mo. At alam naming lahat na sinet-up mo lang iyon. Hindi mo maitatanggi dahil ikaw ang nagpaalis sa akin ng gabing iyon. Na anong dahilan mo? Dahil nagmahal ka lang. Nagmahal ka ng isang taong halos kapatid mo na. It was an incest love, selfish and bad, too, dear. Nirerespeto ni Nikos ang magulang mo kaya pumayag siya kahit masakit sa kalooban niya na pakasalan ka. Pero sayang din pala ang efforts ng ex ko 'no? Dahil namatay rin ang ina mo ilang araw ang nakalipas. Na-depress ang daddy mo dahil doon, kaya wala pang isang buwan ay sumunod din siya. How pathetic. Dahil lang sa isang makasariling pagmamahal, nangyari ang mga ganitong sakuna."

Inilagay ni Irene ang kamay sa magkabilang tainga. Gusto niyang sumigaw dahil sa pagkukuwento ni Cora ng nakaraan. Tila kasi bumabalik ang eksena sa isip niya dahil sa ginawa nito. Parang paulit-ulit din na naririnig niya ang mga paninisi. Ang mga galit ni Nikos at ng mga taong nakilala. Siya ang sinisisi ng mga ito.

"And know what, Irene? Hindi lang iyon umepekto sa pamilya mo. Pati ako ay naapektuhan noon. One year after the tragedy, I married Homer, ang asawa ko ngayon. Ginawa ko 'yon dahil ang akala ko, ang pagpasok sa panibagong relasyon ang makakapagpalimot sa akin kay Nikos. Pero nagkamali ako. Hindi man ganoon kayaman si Homer kagaya ni Nikos ay natutustusan pa rin naman niya ang pangangailangan ko. Pero para sa akin ay hindi iyon sapat. Kapag naiisip kong mas malaki ang maibibigay sa akin ni Nikos, palagi akong nanghihinayang. He could have been mine! I could have all the riches!"

"Isa ka lang simpleng babae, Cora. Bakit ngayon ay tila naging ganid ka na?" Kahit nasasaktan ay hindi niya maiwasang hindi itanong.

"People changed, Irene. Nang makapasok ako sa mundo ng mayayaman, nag-iba ang ugali ko. I was exposed to riches, to fame. And with that, it seems like everything is not enough. Isa kami sa mga makapangyarihang pamilya ngayon, pero hindi pa rin n'on binabago ang katotohanan na hindi lang dapat sa Pilipinas ako makapangyarihan. Internationally dapat, kung nagkatuluyan kami ni Nikos. Kahit hiwalay na kami ay sinubaybayan ko ang buhay niya at alam ko kung gaano kalaki ang kayamanan niya ngayon. Pero nang dahil sa 'yo, Irene, nawala ang pagkakataong iyon. Dahil sa pagmamanipula mo! Dahil sa makasarili mong pagmamahal! I hate you so much!"

Akmang sasampalin siya ni Cora nang may isang kamay na sumalo rito.

Natigilan si Irene. Hindi iyon kanya. Nang lingunin niya ang may-ari niyon ay nagulat pa siya nang makita si Nikos. Kung paano ito nakapasok sa loob ng bahay ni Cora ay hindi niya alam. Pero alam niya na susunduin siya nito kapag natapos siya sa trabaho. Usapan nila iyon kanina.

"N-Nikos!" Si Cora pa ang unang nakapagsalita sa kanila. Ibinaba nito ang kamay. "I didn't expect you to be here."

"And I didn't expect you to do this to my wife, Cora. After all those times..." Umiling-iling si Nikos, saka tiningnan si Irene. "Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa 'yo, I wouldn't have allowed you!"

Tumungo si Irene. Hindi rin naman niya inaasahan na magiging ganoon iyon. May masama siyang instincts pero dahil ang akala niya ay makakalaban kay Cora kung sakaling sumugod man ito, hindi niya iyon pinansin. Kaya lang ay marunong lumaban si Cora. She spilled the cards of her weakness.

"I'm sorry, Nikos. I don't mean to say those words to her. I—"

"Wala ka nang dapat ipaliwanag, Cora. Narinig ko na ang lahat." Madilim na madilim ang mukha ni Nikos. "'Wag ka na rin mag-alala dahil hindi ko hahayaan ang asawa ko na maging interior designer ng bahay mo. At ang kontrata niya? Babayaran ko. Ihahanap pa kita ng kapalit. 'Wag na 'wag lang niyang makita muli ang ganid na pagmumukha mo," matigas na sabi nito at inalalayan siyang makalabas ng bahay ni Cora.

Pinulupot ni Nikos ang mga kamay sa baywang ni Irene na para bang pinoprotektahan siya. Pakiramdam niya ay nagkaroon muli ng lakas dahil lang sa paghawak ng asawa. Gumaan din ang pakiramdam niya dahilan para makapag-imagine siya sa loob ng bisig nito.

Sa kabila ng lahat, hindi naman pala madaling maapektuhan si Nikos ng nakaraan nito. Kung narinig man ng asawa ang lahat—mula sa pagkuwentong muli ni Cora ng nangyari sa buhay niya pagkatapos ng nagawang kasalanan—hindi na nasasaktan si Nikos. Naka-move on na ito.

Or so she thought.

International Billionaires Book 1: Nikolas Lance Afinidad (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon