KABANATA 3 CONTINUATION

58 6 0
                                    

Nang makatayo ako, napatingin ako sa taong dahilan ng pagkakadapa ko at mas nainis ako. Ang taong nakaagaw ng pansin ko kanina ang siyang nasa harapan ko at may malaking ngiti ang nakaukit sa kanyang labi. Parang wala siyang maling ginawa.

"Ikaw!! Anong problema mo!?" sigaw ko habang dinuduro siya.

"huh? What are you talking about miss? Is it my fault kung lalampa-lampa ka? I'm not doing anything. Masama ang mambintang" he answered innocently.

"Acting innocent eh? It was you! I saw how you tripped me!"

"ohh? You saw it? Bakit ka napatid kung nakita mo pala? Hinayaan mo sigurong patirin kita para magpapansin ano?" he said playfully.

"hah! Ang kapal mo! At sino ka naman para pagtuunan ko ng pansin!?"

"I'm your future boyfriend babe. I know you like me. Kung makatitig ka kanina wagas eh! Hahaha. Don't worry" tinignan niya ako mula ulo hanggang paa ng balikan "There is a possibility naman para magustuhan rin kita. You don't look bad after all. Mapagtyatyagaan na" Mayabang na sagot niya then he wink at me. May patango-tango pa siyang nalalaman.

Napanganga ako sa sinabi niya. Future boyfriend? Babe? I like him? Agad agad? At mapagttyagaan? Wow!

"oh? Hindi naman ako nainform na ang pagtitig ay nangangahulugang gusto mo na ang isang tao. And for your information Mr... whatever your name is, I don't like you! At kung iniisip mong mahuhulog ako sayo. Well I can tell that I will never.fall.in.love with someone like you. Never!"

Ugh! The nerve of this guy!

"ohhh dude! Hindi umepekto ang charm mo"

"Tss"

"babaeng magpapatunay na hindi lahat may gusto sayo"

kantiyaw ng mga kasamahan niya at sabay sabay silang natawa maliban sa kanya. His playful aura a while ago vanished and in just a snap it changed into a serious one. He is now looking at me intently directly in the eye.

Lumapit siya saakin at yumuko upang magpantay ang paningin naming dalawa. Hindi ako nakaatras dahil may taong humawak sa balikat ko upang hindi ako makalayo. Halos wala ng pulgada ang layo namin sa isat-isa. Isang maling galaw at magtatama ang labi naming dalawa. Amoy ko ang kanyang mabangong hininga. Nahugot ko ang aking paghinga at nahinto panandalian. I feel suffocated dahil sa sobrang lapit niya.

Mataman niya akong tinitigan ng deretso. Mas maganda ang kanyang mga mata sa malapitan. Kulay itim ito at buhay na buhay kung titignan, maraming gustong sabihin but at the same time napakamisteryoso.

Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi. Napalunok ako dahil dito.

"You will never fall in love with me huh?" he smirk "let's see. Prepare yourself because I will do everything to make you fall. Hard. asdfghk" mahinang pagkakasabi niya. Hindi ko na naintindihan ang huling sinabi niya dahil mas mahina ito.

Lumayo na siya saakin then he pat my head before he left. Sumunod sa kanya ang mga kasamahan niya na tatawa-tawa pa.

Panandallian akong natulala, tila ba nawala ako sa aking pakiramdam at ng makabawi napatingin ako sa mga kaibigan ko baka sakaling ipagtanggol ako katulad ng madalas nilang ginagawa noon ngunit nakatanga at nakanganga ang dalawa habang pinagmamasdang tumawa at umalis ang mga lalaking sumira ng araw ko.

They are impossible! Nasaan na ang mga kaibigan ko?!

Inis kong iniwan ang dalawang nakanganga at parang tangang nakatayo sa ilalim ng puno kung nasaan ang mga lalaki kanina.

Nauna na akong tumungo sa Enrollment section ng paaralan upang matapos na at makauwi na.



Matapos ang ilang oras natapos ko rin Iproseso ang mga kailangan ko. I'm finally a student of this University again. Pabalik na ako sa kotse ko ngayon.

Masaya ako dahil dito. Ngunit mayroon pa ring bumabagabag sa aking isipan at hindi ko alam kung ano iyon, pakiramdam ko lang na meron at dumagdag pa ang lalaking pumatid saakin kanina.

Honestly he got my attention not because he got a good look but there is a part of me that feels like I already saw him before at mayroon siyang malaking ginagampanang papel sa buhay ko.

hindi ko matandaang nakita ko na siya kung saan. Kanina lang ang unang pagkakataon na nagkita kaming dalawa and hopefully ang panghuli na rin ngunit malabo dahil mukang mag-aaral siya ng unibersidad na ito.

Pagkarating ko sa aking sasakyan napansin ko agad ang kulay pulang maliit na sobre sa harap nito.

Kinuha at binuksan ko ito. Isang papel maliit na kwadradong papel ang laman nito at nakasulat ang mga katagang nagbigay ng pagkalito sa aking isipan.


'A nightmare for you. Happiness for me. I am always around, but never seen. I am often avoided, but you can't run out. I will come with cold embrace. I am your finale fate'

I AM NEAR

-Mors


"Mors? Who the hell is Mors?"

Napakunot ang noo ko ng mabasa ang nilalaman nito dahil hindi ko maintindihan ang pinupunto ng nagsulat, ngunit ang nakaagaw ng aking atensyon ay ang marka na hindi ko na halos mahalata sa likod ng itim na papel.

Napakunot ang noo ko ng mabasa ang nilalaman nito dahil hindi ko maintindihan ang pinupunto ng nagsulat, ngunit ang nakaagaw ng aking atensyon ay ang marka na hindi ko na halos mahalata sa likod ng itim na papel

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Luminga-linga ako sa paligid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Luminga-linga ako sa paligid. Nagbabakasakaling nandito lang sa paligid ang sino mang naglagay nito sa aking sasakyan, ngunit wala. Tahimik ang paligid at walang tao maliban saakin.

Isinantabiko na lamang. Pumasok ako sa loob ng kotse at nagsimula ng magmaneho at umalis na ng University.

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon