KABANATA 6

48 5 0
                                    

Margaux POV

Monday. First day of class. Tinatamad akong bumangon sa aking kama dahil inaantok pa talaga ako.

Magkasama kami sa iisang condo ni Tresha. Napagkasunduan naming bumili para mas malapit sa eskwelahan.

"Margaux Catherine Colt! Wakeeee up! Malalate na tayo!" Sigaw ni Tresh habang nagtatatalon sa kama ko.

"Hey stop it! give me 10 minutes Tresh. I'm still sleepy"

"Noooooooo! It's our first day being a college student here at Philippines and a last year being a college student! Aren't you excited?! We're already a graduating student. Please Margaux stand up already and fix yourself!" she stopped jumping and she pull off away from me my blanket then she tickle me.

"haha T-tresha hahaha s-top it! Haha Ohh God!" I said while laughing. Malakas ang kiliti ko. Kahit saang parte ng katawan meron ako.

"Tatayo ka o hindi?!"

"T-tatayo na!" Then she stop tickling me. "Damn it Tresh!" I cursed and stand up. Napilitan akong dumiretso sa banyo.

*Supreme Academe University*

Habang hinahanap namin ni Tresh ang building ng business courses ramdam ko talagang may mga taong sumusunod at nakamasid saamin. Nang ilibot ko ang aking paningin napansin kong ilan sa mga estudyante mataman at seryoso kaming sinusundan ng tingin, may ibang hindi mapakali at iniiwasan kaming lingunin at ang iba naman walang pakealam.

Some of them are acting weird. Hindi ko tuloy mawari kung totoo ba ang pakiramdam kong may sumusunod saamin o itong mga taong nakatitig lamang iyon.

Seriously? Hindi ganito ang inaasahan ko. I'm expecting a bright and cheerful atmosphere here. Yung maingay ang mga studyante at masayang naglalakad at nakikipagkamustahan sa iba dahil unang araw ng klase.

"Margaux. Ang creepy naman dito. Pansin ko lang ang lagkit makatingin na ibang studyante. Ganito ba talaga dito?" Tresh whispered

"Ewan" I shrugged "Don't mind them."

Natahimik si Tresha. Naglakad nalang kami at hindi pinansin ang nasa paligid.

Demi, Tresh and I, we are both business management student kaya lahat ng subjects magkakaklase kami.

I forgot to mention. Supreme Academe one of the most prestigious University here in Asia is own by Riveras.

My uncle Richard is the current owner now. Uncle Richard is my mom's younger brother.

Supreme Academe din kami nagaral ng highschool ni Tresha pero nakahiwalay ang campus ng mga junior at senior high dito because this campus is exclusively for college students only. Kaya halos lahat ng galing sa highschool na nagAral din sa Supreme Academe campus for highschool ay dito da campus na to nag-eenroll for college.

Pagkahanap namin ng aming silid aralan,nadatnan namin itong maingay at medyo magulo. May mangilan ngilan na naguusap at nagkakamustahan ngunit ang iba ay tahimik lang.

Pagkapasok namin sa loob nakuha namin ang atensyon ng mga studyante sa loob ng silid. Lalo na si Demi na nakikipagharutan sa mga lalaki. Ang aga-aga nanlalandi nanaman.

"Tresha! Margaux! OMG I miss you guys!" malakas na sigaw niya pagkakita niya saamin at lumapit siya para bumeso, pagkatapos hinila kami sa pinakalikod para maupo.

Para namang ang tagal naming hindi nagkita. Kahapon lang magkakasama kaming tatlo.

"I'm so excited! Ang daming gwapo mga baklaaa! Maraming pagpipilian para maging jowa!" mahinang bulong niya saamin sabay hampas

"Akala ko ba nakita mo na asawa mo?! Bakit nanlalandi ka ng iba?" Sagot ni Tresha sa kanya. Tinutukoy niya ang lalaking nakita nila noong araw ng enrollment.

"Ihhh wala naman siya dito kaya go lang ng go! At girl! Iba ang asawa sa jowa! Enebe! Sayang naman ang biyayang nakahain sa harap ng magagandang mata ko ngayon kung hindi ko susunggaban."

"ewan ko sayo! Basta ako loyal kay brownie ko"

"eh? Brownie?! " Sabay na tanong namin ni Demi kay Tresha.

"Yep! Si kuyang brown ang buhok noong nagpaenroll tayo!!" Her beautiful pair of big eyes are sparkling while saying those words and she giggled after.

"Eww! Your Endearment dear is so baduy!" "Aso lang?" Sabay naming opinyon ni Demi sa sinabi ni Tresha.

"What? Anong baduy?! It's so sweet kaya!" she blushed "And aso?! Seriously Margaux?" her eyes rolls heavenward "How dare you to say that on my brownie!" Humalukipkip siya at nagpout.

"Tss" singhal ko. Para siyang tanga.

Napatingin ako sa relo ko at 7.45 palang ng umaga. Alas otso pa ang umpisa ng unang klase namin. Tumayo ako at umaktong lalabas ng pinto.

"Babaita saan ka pupunta?" tanong ni Demi

"CR" Maikling sagot ko at dumiretso na palabas.

Paglabas ko ng silid aralan ramdam kong may nakamasid saakin. Pero isinawalang bahala ko dahil baka paranoid lang ako.


(CONTINUATION NEXT UPDATE)

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon