KABANATA 12

35 4 0
                                    

I'm in front of our condo unit now. I let out a heavy sigh and clear my mind before I open the door.

Tahimik na condo unit ang nadatnan ko. Hindi ito ang inaasahan ko. Napakunot ang aking noo, nasaan si Tresha? Nagtungo ako sa kwarto nito at kumatok. Bubuksan ko na sana ito ngunit nakalock.

"Tresh? Are you there?"

Walang sumagot. Kumatok uli ako ng tatlong beses.

"Hey! Tresha Reign Riguel!?" tawag ko sa buong pangalan niya

Naghintay muna ako ng ilang segundo. Alam kong nasa loob si Tresha dahil hindi naman iyon madalas maglock ng kwarto kung wala siya sa loob nito. Kakatok sana ulit ako ng bigla itong bumukas.

"OMG Margauxxx! You're back! I'm so sorry. Kanina ka pa ba? Nakatulog kasi ako kaya hindi kita narinig na kumatok." she said using a hyper tone.

Awtomatikong napakunot ang aking noo, nakapagtataka naman atang hindi galit si Tresha? Anong nangyari. By now dapat sira na eardrums ko dahil sa sigaw niya at dapat dumadakdak na siya at pinapagalitan na ako dahil pinag-alala ko siya ng sobra.

"Uhh are you okay Tresh?"

"huh? Why'd you ask? Of course best friend I'm okay and perfectly fine!"

Napatango nalang ako dahil sa inaasal niya ngayon. May maganda bang nangyari kaya ganito siya kasaya at kahyper ngayon at hindi manlang siya nagalit o nagtampo manlang saakin?

"Come on! Gumawa ako ng lasagna kanina. Your favorite! Let's eat. Baka kasi gutom ka" Aya niya saakin at hinila ako papuntang dinner room. Nagpatianod nalang ako at naupo sa stool na nasa kusina.

Pinanood ko lamang siya habang inihahanda ito. She's weird. Napailing nalang ako, baka kasi talagang good mood lang siya.

Pagkahain niya ng lasagna at apple juice sa harapan ko doon lamang ako nakaramdam ng gutom. Hindi pa nga pala ako nag-umagahan at tanghalian. Tanging kape lamang ang laman ng aking tiyan.

Dali-dali kong iniangat ang kutsara at tinidor saka ako nagumpisang kumain ng nakangiti. Tahimik lang kaming kumain ni Tresha.

Patapos na kaming kumain ng bigla nalang nagsalita si Tresha.

"Margaux you want to watch a movie? Movie marathooon tayo pleaseeee?" she childishly said while pouting. Ohh! She's cutee!

I smiled and pinch her cheeks. "alright. Basta ba ikaw maghanda ng papanoorin natin at kakainin na rin"

"aye! aye! My dear best friend!" she said happily and she salute.

Tinapos na namin ang pagkain at dumiretso na si Tresha sa sala para ihanda ang panonoorin namin. Ako na ang naghugas ng pinagkainan namin. Pagkatapos ko maghugas nagluto si Tresh ng pop corn, chicken Popsicles and carbonara para hindi na raw kami kumain ng dinner mamaya at tuloy-tuloy ang panonood namin.





3rd person's POV

Nakatayo ang isang lalaki sa balkonahe ng kanyang mansyon, nakatunghay ito at pinapanood magkislapan ang mga bituin sa kalangitan habang may hawak itong kopita na naglalaman ng alak. Madaling araw na ngunit gising na gising pa rin ito.

Tumunog ang cellphone nito na nakaagaw ng kanyang atensyon. Nagtungo siya rito at sinagot ito.

"Thanatos" mahinang sabi ng nasa kabilang linya. Napangisi ito ng marinig nito ang itinawag sa kanya.

"Ano na ang plano mo? Naguumpisa na siyang gumawa ng hakbang."

"Huwag mong problemahin iyon. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan sa bagay na iyan. Gawin mo na lamang ang mga inuutos ko. Kailangang hindi niya muna malaman ang lahat. Hindi pa ito ang tamang panahon" malamig na saad niya. Punong puno ng awtoridad ang boses nito.

Bago pa man makasagot ang nasa kabilang linya pinatay niya na ito.

"Apat na taon akong naghintay. Apat na taon ko itong plinano. Pinag-isipan ko ng mabuti ang lahat ng gagawin ko kayahinding-hindi na ako papayag na pumalpak uli ako. Sisiguraduhin kong aayonsaaking kagustuhan ang lahat at mapapasaakin lahat ng aking hinangangad"

nakangisi ng malademonyong bulong nito habang nakatingin sa kawalan. Kampante ito na maisasagawa niya ng maayos ang kanyang plinaplano.

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon