KABANATA 14

33 4 0
                                    

Nagtungo kami sa School Garden at umupo sa ilalim ng puno. Nang mapagtanto ko na magkahawak pa rin ang aming mga kamay, agad ko itong binawi sa kanya.

Nakita ko sa peripheral vision ko na nagulat ito sa aking ginawa.

"uhh ano.." sabay naming sabi

"ikaw muna" sabay ulit naming sabi

Napabuntong hininga ako. Spell AWKWARD? psh bakit ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? Napailing nalang ako.

"I'm sorry" sabay ulit naming sabi. At napatawa nalang kaming dalawa ng mahina.

"You look more beautiful when you laugh" mahinang sabi nito. Napataas ang kilay ko at ibinaling ko sa kanya ang aking paningin. Nakatingin na pala siya sa akin kanina pa, nang magtama ang aming mga mata nag-iwas ako bigla at tumungo dahil pakiramdam ko namumula ang aking mga pisngi.

He laugh because of my reaction. Ugh! It's so embarrassing!

"hey! Stop laughing!" sita ko sa kanya.

Tumigil naman siya. Napatingin ako sa kanya. Nakatingin ito sa malayo habang nakangiti. A genuine smile not a playful one. Natulala ako at masasabi kong nakakahawa ang mga ngiti nito kaya napangiti rin ako habang nakatitig sa kanya.

"Baka matunaw ako niyan?" Biro nito at tumingin siya sa akin. Napasimangot ako.

"Hindi talaga mawawala ang kayabangan mo ano?" sabi ko at sabay ulit kaming natawa.

"Ganun talaga. May maipagmamayabang eh!" proud na sabi niya. Napailing nalang ako dahil dito. Tumayo siya.

"Come with me? May pupuntahan tayo" nakangiting sabi nito at iniabot saakin ang kanyang kamay. Nagaalangan akong kunin ito.

"Hey! Come on! Trust me. Magugustuhan mo kung saan tayo pupunta I promise" napatango ako at inabot ang kanyang kamay. Inalalayan niya akong tumayo at dumiretso kami sa kanyang kotse. Lumabas kami ng University.

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung bakit ako sumama sa kanya. Pakiramdam ko lang gusto kong sumama.

Huminto kami sa isang parke. Malayo ito mula sa University. Bumaba siya at pinagbuksan ako ng pintuan. Pagkababa ko napansin ko agad ang mga taong nandirito. Makikita ang kasiyahan sa bawat isa. May mga nag-kakantahan, naglalaro at may iba pang nagsasayawan. Napapaligiran rin itong parke ng ibat-ibang food cart. Maraming pagpipilian. Nakaramdam ako ng excitement dahil dito.

"Tara?" rinig kong sabi ng kasama ko. Sumunod naman ako sa kanya.

Nagtungo kami sa hilera ng nagtitinda ng street foods. Bumili kami ng ibat-ibang klase nito. Kwek-kwek, betamax, barbeque, kikiam, fishball, adidas, chicken skin and isaw. Bumili rin kami ng siomai, Taho at buko juice. Pagkatapos naming bumili pumwesto kami sa ilalim ng puno kung saan may nagkakantahan at sumasayaw sa paligid namin.

Kumain lang kami ng tahimik habang pinapanood ang mga taong nagkakantahan at nagsasayawan sa paligid.

"How do you find this place?" I suddenly ask while smiling. Ibinaling ko sa kanya ang aking paningin.

Nakangiti siya ngunit may lungkot sa kanyang mga mata. Napakunot naman ang noo ko dahil sa kanyang reaksyon. Hinintay ko lang ang kanyang sagot.

"We accidentally find this place" sagot nito ng nakatitig saakin

(CONTINUATION NEXT UPDATE)

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon