KABANATA 13

32 5 0
                                    

Margaux POV

Lunes nanaman. Ngayon lang ulit kami pumasok ni Tresha at Demi.

Nakatingin ako sa labas ng bintana habang nakapangalumbaba. Hindi ako nakikinig sa aming guro dahil wala rin namang pumapasok sa aking isipan.

"Miss Colt!! Are you listening?" rinig kong sigaw ng guro sa harapan.

"No Maam." Tamad na sagot ko at ibinaling ko sa kanya ang aking paningin.

"What?!" Inis na tanong niya. Napanguso ako

"I'm sorry Maam. I'm just answering your question honestly. Wala kasing pumapasok sa isipan ko kaya hindi ako nakikinig" I said that using an innocent tone

Namula ang muka ng gurong nasa harap at huminga ng malalim. Kinalma nito ang kanyang sarili. Hindi niya pinansin ang sagot ko at ipinagpatuloy ang pagtuturo.

"Hoy! Problema mo?" bulong ni Tresha na nasa harap ko. Nasa pinakalikod kasi ako, right side, pangalawang upuan mula sa bintana at magisa ko lang sa row na ito. Nasa harapan ko si Tresha na katabi si Demi.

"Boring" maikling sagot ko at nginuso ang gurong nasa harap. Ibinaling ko ulit ang aking paningin sa labas ng bintana.

Ilang sandali lang biglang umingay ang silid aralan para silang mga bubuyog na nagbubulungan.

"Mr. Matthews, Murphy, Lawson and Grey. You're too early for your next class!" rinig kong masungit na sabi ng guro. Hindi ko sila pinansin at hindi ko inalis ang paningin ko sa labas. Wala naman akong pakealam sa kanila.

"Tss" rinig kong sabay-sabay na singhal nila

"The four of you! Next time you will come late I will not allow you to attend my class and I will mark you absent. Now go to your seats!" Saan kaya ipinaglihi ang guro naming ito? Napakainit ng ulo.

"Good Morning my honey babe!!" Rinig kong sabi ng nasa tabi ko, left side. Napataas ang kilay ko at napalingon ako rito. Ng mapagtanto ko kung sino ito nainis agad ako.

"Anong ginagawa mo rito?" mataray na tanong ko.

"Mag-aaral malamang. Alangan namang magshopping ako rito e iskwelahan ito" sarkastikong sagot nito

"Sinusundan mo ba ako?!" inis na bulong ko at inirapan ito.

"Woah! Honey babe relax!" itinaas nito ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. "Ang aga-aga ang init ng ulo mo. Bakit naman kita susundan? Baka nga ikaw ang sumusunod saakin. Ako ang naunang nag-aral dito" nakangising sabi niya.

napanguso ako sa sagot nito. Kainis bakit ganito sumagot ang lalaking ito? Ang kapal niya!

"Honey babe mo muka mo! Ang panget mo!" Malakas na sigaw ko sa kanya.

"MISS COLT AND MR. MATTHEWS! GO OUT!" Maam Duelo shouted angrily. Uh oh! Galit na talaga ito

"M-maam! Im so-" bago ko pa mabuo ang salitang sasabihin ko may humila na saakin patayo. kinuha nito ang bag ko na nasa bakanteng upuan katabi ng bintana at hinawakan ang kamay ko bago ako kinaladkad palabas ng aming silid aralan.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" sigaw ko sa kanya at marahas kong binawi ang aking kamay sa pagkakahawak nito

"What? You should be thanking me for what I did honey babe. You're not listening back there. I just save you from a boring class!" Nakangiti at proud na sabi niya

Natahimik ako. May punto naman siya. Kinuha ko sa kaniyang kamay ang bag ko at isinukbit ito sa aking balikat

"Salamat ha?" Sarkastikong sagot ko sabay talikod sa kanya.

Maglalakad na sana ako palayo ngunit pinatid niya ang aking paa at hinawakan ang aking kamay upang hindi ako matumba saka niya ako inikot paharap sa kanya.

Hinila niya ako kaya nagtama ang katawan naming dalawa. Magkalapit rin ang aming mga muka. Nakayapos na ang kanyang isang bisig sa aking bewang. Natigilan ako sa kanyang ginawa.

He look at me intently in the eyes then to my lips. Napalunok ako "You are always welcome." He said seriously, then he gave me a quick kiss in my lips. My eyes widened and my body stiffened because of what he did. "Honey babe." then he huskily whispered after he kissed me.

'What the hell!!' Sigaw ko sa aking isipan. Ng matauhan ako sa ginawa nito itinulak ko siya ng malakas at binigyan ito ng isang suntok sa muka.

"shit!" usal niya habang hawak-hawak ang muka niyang tinamaan ng suntok ko.

"YOU!!" idinuro ko siya "HOW DARE YOU!! YOU STOLE MY FIRST KISS!! PERVERT!!" malakas na sigaw ko sa kanya at napatakip ako sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking ito lang ang makakakuha ng first kiss ko!!

"First kiss huh?" He said then he laugh sexily. "So I am your first kiss" It's not a question. It's a statement. The nerve of this guy! Patango tango pa ito habang nakangiti ng malapad.

Nakakairita. Ang gandang burahin ng malapad na ngiti sa kanyang labi. Lumapit ako sa kanya at pinalo-palo ito. Nakakainis! Nakakainis! Nakakainis!

"Nakakainis!!!" sigaw ko habang pinapalo siya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko gamit lang ang isang kamay nito. Di hamak na mas malaki ang mga kamay nito kaysa sa akin. At niyakap ako nito. Nagpumiglas ako. Nakakarami na siya!

(CONTINUATION NEXT UPDATE)

ESCAPEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon