Margaux POV
Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa aking nalaman. Pakiramdam ko kapag pumikit ako may masamang mangyayari saakin.
Namumugto ang aking mga mata dahil sa halos walang tigil na pag-iyak.
Parati akong lumilingon kung saan-saan dahil pakiramdam ko may mga nakamasid saakin at naghihintay ng tiyempo upang masaktan ako.
Nagmadali akong umalis ng mansyon kanina ng maagang-maaga at nagtungo sa isang hindi kasikatan na coffee shop dahil may kikitain akong tao.
Ngayon, talagang siniguro ko ng walang nakasunod saakin. Sa ngayon hinihintay ko ang pagdating niya.
Sa paghihintay ko bigla nalang may humawak sa kanang balikat ko. Bigla akong naalerto kaya hinawakan ko ang kamay nito gamit ang kaliwang kamay ko at dali-dali akong tumayo at umikot papunta sa likuran nito upang maikot ko ang kanyang kamay, idiniin ko ito sa kanyang likuran at gumamit ako ng pwersa upang mapasalampak siya sa aking kinauupuan kanina.
"Argh! M-margaux! T-this is Blaze!"
Ng mapagtanto ko kung sino ang lalaking humawak sa balikat ko agad-agad ko siyang binitiwan.
"Oh! B-Blaze! My goodness! I'm so sorry! Nabigla lang ako!" tarantang sigaw ko at agad siyang dinaluhan upang suriin kung nasaktan ba siya.
"H-hey? Are you o-okay?" Nag-aalangang tanong ko
"What do you think?! Pagkatapos mong kamuntikang mabali ang braso ko, do you think I'm just okay?" sarkastiko at masungit niyang sagot habang iniikot-ikot ang braso niyang kamuntikan ko na ngang mabali. Napasimangot ako dahil dito
"Sorry" napatungo nalang ako. Narinig ko siyang napabuntong hininga
"Apology accepted. Next time wag kang masyadong paranoid. Tss!" Sabi niya at naupo na sa isang upuan. Sumunod na rin akong umupo. Umorder kami ng tagIsang tasa namin ng kape at tahimik na ininom ito.
Blaze is a good friend of mine and he's like a big brother to me, mas ahead kasi siya ng tatlong taon saakin but he doesn't want to be called 'kuya' Blaze. Nakilala ko siya sa U.S. He is a private investigator and he is good! Ng malaman kong nandirito siya sa Pilipinas ay agad ko siyang kinontak upang humingi ng tulong. Ikwinento ko sa kanya lahat ng nangyayari sa akin at agad naman siyang pumayag makipagkita upang makapag-usap kami ng maayos.
"So what now?" pagbabasag niya ng katahimikan
Inilabas ko ang aking cellphone at ipinakita sa kanya ang litrato ng marka sa sulat na kinuhanan ko bago ako umalis ng bahay kanina. Itinuro ko sa kanya ang salitang Mors.
"I think this is a mark and this is the clue to know who is the person behind this. Can you find who owns this for me? Also, whoever has the name Mors that is connected to me or to my family. All of them please find it"
"Where is the letter? Hindi mo ba idinala? I need to see it personally for myself. Maybe there is some more clue in it that you didn't notice"
"Oh! I didn't bring it. Ipapadala ko nalang dito sa isa sa mga kasambahay" Tango lamang ang isinagot niya.
Natahimik kaming dalawa. Tumawag ako sa bahay at ipinakuha ko ang sulat na nasa kwarto ko upang ipadala rito.
"Hey Margaux. Do you know someone who is mad at you?" Blaze suddenly ask
"None. Wala naman akong nakaaway na kahit na sino."
"How 'bout your family? May mga nakaaway ba kayo? Maybe because of business. You know? Hindi malayong mangyari iyon dahil mayaman ang pamilya niyo at sa mundo ng business marami talaga kayong makakaalitan and there is a possibility na ikaw ang gustong gantihan dahil ikaw ang susunod na magmamana ng halos lahat ng ari-arian ng pamilyang Colt at Rivera."
Napaisip ako sa sinabi niya. Meron nga ba? Hindi ko alam.
"I don't know Blaze. But I will ask mom and dad about it. I will tell you immediately once na matanong ko na."
"Alright" maikling sagot niya.
Nagkwentuhan pa kami ng kaunti tungkol sa iba pang bagay.
Hinihintay nalang namin ngayon ang sulat na ipinadala ko.
Ng dumating na ito tumayo na si Blaze sa pagkakaupo at may iniabot saaking sing-sing.
"What is this Blaze?"
"It's a ring. Can't you see?" he answered using a 'duh' tone. Tss suplado talaga.
"ha ha ha. funny Blaze!" I laugh sarcastically "I mean why are you giving this to me?" "Oh my god! Are you proposing?!" I joked
"Tss! Whatever Margaux. That's a ring with a tracker device attached on it. If ever na may mangyaring hindi maganda, alam ko kung saan kita makikita. Always wear that whenever and wherever you are. Okay?"
"wow! how sweet of you blaze. Thank you so much" I said with awe and I smiled sweetly at him. He smiled back then napailing siya.
"You're like a sister to me. So I won't let anything bad happen to you. I'll go ahead Margaux. Take care and act like nothing is wrong okay? If ever something bad might happen or if they will sent you another letter or anything again, tell me immediately. Always keep me updated and I will keep you updated too. And one more thing, use another phone and sim card if you will going to contact me for security purposes." huling bilin niya. Niyakap niya muna ako ng mahigpit at binigyan ng halik sa noo bago tuluyang umalis. Napanatag ang aking kalooban dahil alam kong hindi niya ako pababayaan.
Dumito muna ako sa Cafè ng ilang oras upang makapag-isip isip at ihanda ang aking sarili bago umalis at bumalik ng condo unit namin ni Tresha. Paniguradong nag-aalala na iyon at sasalubungin ako ng napakaraming katanungan at sermon galing sa kanya.
BINABASA MO ANG
ESCAPED
Mystery / ThrillerI run away, but no matter how far I run. They are still there. They are everywhere. There is no way to avoid. There is no way to ESCAPE.